Turned

2065 Words
Chapter 3 'Turned' Heaven's PoV Masakit pa rin ang mga binti ko kaya marahan akong naglakad papunta sa classroom. Kung isang normal na estudyante lang ako na walang ibang alam kundi ang mag-inarte ay baka hindi ko na nakaya pang pumasok. Pero wala pa 'tong mga sugat na 'to kumpara sa training sa akin ni kuya para maging isang ganap na vampire slayer. Pagpasok ko pa lang sa classroom ay puno ng usapan ang mga estudyante. Tungkol sa isa na namang bangkay na natagpuan sa likod ng girls dormitory building. Marahil ay ayun ang pinag-uusapan ng kambal sa kwarto kanina. Naalala ko ang werewolf na nakaharap ko kagabi. May kinalaman kaya siya sa pagkamatay nung lalaki? Tumahimik ang buong klase nang pumasok ang kambal. Seryoso silang nag-uusap. Kasunod nila 'yung lalaking naghila sa akin kahapon palayo sa nasusuntukan. Classmates ko sila? Tumabi sa akin si Fire at bumalik na siya sa kanyang innocent and smiling face. Alam kong may kakaiba sa babaeng 'to. "So, we have our transfer student. Introduce yourself, miss." Sabi sa akin ng may katandaan ng guro. I rolled my eyes mentally. Why does introduction needed? Can't they know me on their own? Naglakad na ako papuntang unahan at humarap sa klase. "Heaven." Tanging sabi ko at naglakad na pabalik sa upuan ko. Tahimik ang buong klase at hindi yata ini-expect ang maikling pagpapakilala ko. Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa bintana at tinanaw ang mga dahon at sanga ng puno na sumasabay sa ihip ng hangin. Naalala ko 'yung kagabi. Saan kaya napunta ang lobong umatake sa akin? Bakit bigla siyang nanghina at natumba na lang bigla? Namatay kaya siya? Walang ibang dapat makaalam ng nangyari kagabi. Pagkumalat 'yun, marami ang magkakainteres sa lugar na 'to at baka mas lalong maging mailap ang mga bampira. Natigil ako sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman kong may nakatingin sa akin mula sa bandang likuran ko. Mabils akong lumingon upang hindi niya mahalatang pinapakiramdaman ko siya. Paglingon ko ay halatang nagulat siya sa mabilis kong pagkakalingon. I look at him directly to his eyes. Siya 'yung lalaking humila sa akin kahapon. Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang maka-recover siya. "What's wrong?" Tanong ni Fire at hinawakan ako sa balikat. Umiling lang ako at itinuon ang paningin sa guro sa unahan. Natapos ang umagang klase at oras na para maglunch. Tumayo ako at sumabay sa akin si Fire sa paglalakad. "Sabay tayo sa mga kapatid ko." She said as she clings her arms around mine. I'm so tired of refusing her. Wala rin akong magagawa. I just ordered a burger sandwich, chocolates and pineapple juice. Naki-share kami ng table sa kakambal niya at sa mga kasama niya. Lima ang kasama niya, bale pito kami sa table. "Guys, this is Heaven. My new friend," pinakilala ako ni Fire sa iba. "This is Josh, James, Lendel and Tyco." Huli niyang tinuro 'yung lalaking nakatingin sa akin kanina sa klase. Tyco. Okay. Noted. "Heaven, this is Hell," Natatawang sabi nung Josh or Lendel or... whoever on earth. "So, the transferee is using Hell's sister just to get close with the Alucards, ha!" A bitchy girl's voice said. I didn't bother to care. "Hey, I was the one forcing her to make friends with me," depensa ni Fire. Why does she need to explain? "Oh, what happened sa binti mo? Does it hurt?" Tanong nung babaeng nakaharap ko kagabi. I just shrugged sabay kagat sa sandwich ko. "How could you act like that?" Inis na sabi niya. This time, tinignan ko na siya. "Act... like what?" Naguguluhang tanong ko. "Like that. How can you act like everyone doesn't exist. You're sharing table with the Alucards pero parang wala lang sa'yo." Hindi makapaniwalang sabi niya. Napalingon ako sa limang lalaking kasama ko sa table tapos ay binalik ang tingin sa babaeng nakatayo sa gilid ko. "Should I celebrate just because we're eating over the same table?" Tumayo ako at humarap sa kanya. "Are you envious?" Tanong ko at nanlaki ang mga mata niya. Sinamantala ko ang pagkabigla niya at naghila ng upuan saka ko siya hinila para mapaupo sa kaninang inuupuan ko. "Happy?" I asked. "So done with that b***h!" Narinig kong sigaw ng lalaki mula sa kabilang table. 'Yung Jom. Naglakad siya palapit sa akin. Biglang tumayo si Tyco at humarang sa harap ko. Sila tuloy ngayon ang magkaharap. Jom smirk. "Ipagtatanggol mo na naman siya? Hindi ba't nung unang beses mo siyang ipinagtanggol ay iniwan ka lang niya basta?" Sabi ni Jom. "She's Fire's friend and Fire is Hell's twin sister," sabi ni Tyco. "Marco, Lance. Dalhin niyo ang babaeng 'yan!" Utos ni Jom at agad na tumayo ang dalawa niyang kasama. "No, don't touch her!" Sigaw ni Fire. Halatang naarte lang siya na nag-aalala. Hindi ko alam kung wala lang ba talaga siyang pakialam sa akin o talagang alam niya lang na hindi nila ako basta basta matatakot. She winks at me. So I guess it's the latter. Hinawi ko si Tyco sa harapan ko at napatingin siya sa akin. "I can handle myself." Sabi ko. Lumapit 'yung dalawang lalaki at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Siguradong hindi na 'yan makakalaban dahil sugatan ang kanan niyang binti." Sabi nung babae. Oh, naka-recover na pala 'to? Sinipa ko ang upuan sa harap ko at tumalsik iyon. I just want them to know na hindi ko iniinda ang simpleng sugat. "Kung sasaktan niyo 'ko, 'wag niyo 'kong iiwanang buhay. Dahil kung hindi, babalikan ko kayo. Idadamay ko lahat ng malalapit sa inyo." I said nonchalantly. Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakahawak sa akin nung dalawa. Hinarap ko sila. Sabay ko silang hinawakan sa kwelyo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong panlilisik ng mga mata ko. Nakita kong kapwa nanlaki ang kanilang mga mata. "A-ang mga m-mata m-mo!" Sabi nung mga lalaki. Halatang takot na takot sila at binitiwan ko sila ng buong pagtataka. "That's enough!" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Hell. "Kayo, wala akong panahon makisali sa gulo niyo. Alegre, imbis na gulo ang atupagin niyo, bakit hindi niyo muna ipagluksa ang pagkamatay ng kasamahan niyong si Aljon?" Sabi niya kay Jom. Nagpipigil ng galit na lumabas si Jom kasunod ang mga kasama niya. Maging 'yung kasama nilang mga babae ay sumunod sa kanila. "Did they hurt you?" Tanong ni Tyco nang tuluyan ng makalabas ang El Pangitos. "No. I'm fine!" Naglakad na ako palabas. I hate too much attention kaya mas mabuti pang maglakad lakad muna. Hindi ko ininda ang masakit ko nang binti. Mayamaya lang ay may humila sa akin at kinaladkad ako. Narealize ko na lang na nasa likod na kami ng girls dormitory. "Ano ba!" Halos pasigaw kong sabi nang bahagyang tumama 'yung likuran ko sa pader. "Heaven Ford," he said, smirking. "Hell Levine," I smirked back. "Kailan pa tayo naging close?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Anong nakita nila sa mga mata mo at natakot sila?" Seryosong tanong niya. Seryosong seryoso to the point na kailangan mo siyang sagutin dahil kung hindi, may kalalagyan ka. "The last time I checked, I have the coldest eyes," I said casually with a shrug. "Kailangan ko pang linisin 'yung sugat ko." Sabi ko at nung akmang hahakbang na ako sa kaliwa ay iniharang niya 'yung kanan niyang kamay at itinuon sa pader. Nang hahakbang ako pakanan ay iniharang niya ang kaliwa niyang kamay. And now his arms are both on my sides, leaning against the wall. "Look, hindi ko alam kung anong nakita nila sa mata ko. Hindi ko naman makikita ang sarili kong mga mata, 'di ba?" Sabi ko. Am I making any sense here? Mukhang hindi siya naniniwala. "I don't believe you." Matigas niyang sabi. "Does it matter?" Seriously? I really don't care kung maniwala man siya o hindi. Masyado na kaming maraming napag-usapan. "Let. me. go." I gritted my teeth. "Remember this, Ford, I'll watch you." He warns me at saka tinanggal ang kanang kamay nIya sa kaliwang gilid ko. "You're insane." Napailing na lang ako at iniwanan na sIya. Bumalik ako sa classroom at marami na ang nasa loob. "Saan ka galing?" Tanong ni Fire. "DIyan lang." Tamad kong sagot at naupo na. Napaisip tuloy ako sa mga pinagsasabi ni Hell. Ano nga kaya ang mayroon sa mga mata ko at nabakas ang takot sa mukha nila kanina. Hindi ko rin alam ang nangyari. Ang alam ko lang, nagsawa na ako sa paulit-ulit nilang pangingialam sa akin. Can't they just simply assault me without giving any warning? Hanggang salita lang naman sila. "Heaven, wala tayong next subject. May meeting si Mr. Acosta. Gusto mo bang tumambay sa garden?" Tanong niya at umango na lang ako. Tumingin akong muli sa bintana at nag-isip. Pero maya-maya lang, may mabilis na bagay ang nahagip ng pheriperal vision ko sa hallway. Sobrang bilis kaya agad akong napalingon. Pero parang hindi iyon napansin ng mga classmates ko. Pwera kina Fire at limang myembro ng Alucard. Lahat sila ay tumingin sa labas. May isa pang dumaan. Sobrang bilis pero kitang-kita ko ng malinaw ang itsura niya. At hindi ako maaaring magkamali, siya 'yung lalaking natagpuang patay kahapon. 'Yung may dalawang pulang marka sa leeg. Kung normal na tao lang ako, iisipin kong multo 'yun. Pero isa akong vampire enthusiast kaya alam ko at napag-aralan ko ang tungkol sa mga 'turned'. Agad akong napatayo at napatingin ang lahat sa akin. Isa siyang malaking lead para sa pakay ko rito. "Nakita mo?" Tanong ni Fire. Naunahan lang niya ang Alucard na halatang gusto rin itanong ang ganoong tanong. "May I go out?" Tanong ko sa guro at tumango siya. Tumakbo na ako palabas at tinahak ang daan na dinaanan ng bampira. Hindi ko nakita kung sino ang hinahabol niya dahil sa pheriperal vision ko lang nakita ang unang dumaan. "Heaven!" Narinig ko ang boses ni Hell. "Heaven!" Nagulat ako dahil agad-agad ay nasa harapan ko na siya kaya napahinto ako sa pagtakbo. "P-paanong—" "Sadyang mabilis lang akong tumakbo. Anong nakita mo?" Tanong niya. "Wala, may hinahabol lang ako." Sabi ko at nilagpasan ko na siya. Muli kong nakita ang bampira na mabilis pa ring tumatakbo, this time, papalapit sa akin. Mukhang hindi niya alam na nakikita ko siya kaya dire-diretso lang siya. Paglagpas niya sa akin ay hinawakan ko siya sa braso na labis niyang ikinabigla. Maging si Hell ay nagulat sa ginawa ko. "Paanong—" Hindi makapaniwalang sabi nung bampira. Tumingin siya kay Hell at mukhang naghahanap siya ng sagot dito. May alam ba si Hell dito? "Sino ka?" Tanong ko at hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya. "Paano ka nabuhay?" Dagdag na tanong ko ngunit parang wala siyang balak na sagutin ako. Isa-isa nang naglalabasan ang mga estudyante at alam kong nag-aalala na siyang baka may ibang makakita sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at bumwelo sa pagtalon. And it's just a bat of lashes, nasa rooftop na kami ng Science building. Whoa! That was so cool. "Paano mo nalaman ang tungkol sa mga bampira?" Nagulat ako dahil nakasama pala namin si Hell dito. "Bata pa lang ako, alam ko ng may mga bampira. I'm a vampire slayer," namilog ang kanyang mga mata. "You're what?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Maging si Hell ay nagulat rin. "Just saying. In case you didn't know." Then I shrug. "Maybe that's the reason why she can see you. She's a trained vampire slayer." Sabi ni Hell. Alam kong may alam rin siya. Napalingon ako sa kabilang parte ng rooftop at nakita ang iba pang myembro ng Alucard at si Fire. Ang way ng pagkakadating nila ay katulad ng sa bampirang ito. Mukhang tumalon din sila. Napa-smirk na lang ako. Hindi nga ako nagkamaling may tinatago 'tong mga 'to. "So, maging kayo ay mga bampira rin?" Naiiling na sabi ko. Lumapit sa akin si Fire. "They're just turned. Pero kami ni Hell, pureblood vampire kami." Paliwanag niya. Turned or pureblood, bampira pa rin sila. Magkakalahi parin sila. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Gustong-gusto kong saktan at paghigantihan ang mga bampirang kaharap ko ngayon. Ngunit alam kong mag-aaksaya lang ako ng lakas. Marami pa akong kailang matutuhan. Kailangan kong pagplanuhan ang bawat hakbang na gagawin ko. I have my first and specific target kaya kailangan kong kontrolin ang emosyon ko. "She's a vampire slayer." Sabi ni Hell. More like a warning for his twin. "Is that true, Heaven?" Tanong ni Fire. I rolled my eyes. "Yea. So kailangan mong mag-ingat sa akin." Tinalikuran ko na sila at naglakad papuntang pintuan. Narinig ko namang tumalon na silang lahat pababa. At 'pag minamalas ka nga naman, naka-lock ang pintuan. Wow! So dito lang ako hanggang sa may magbukas ng rooftop? Naupo ako sa isa sa mga concrete bench. Kahit kailan talaga bwisit sa buhay ko ang mga bampirang 'yan. Nahiga ako at tumingin sa nakakasilaw na kalangitan. Bigla akong nakaramdam ng pagka-antok at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD