Chapter 1
Heaven's PoV
Westridge Academy.
Isang misteryosong paaralan. Marami ang nagtatangkang makapasok sa paaralan na 'to ngunit bihira lang ang nakakapasok. Sa hindi malaman na basehan, marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataon.
Piling mga estudyante lamang ang nakakapasa. Maraming nagsasabing pisikal na lakas ang sukatan at basehan upang makapasa. Kung totoo nga ang sabi-sabing iyon, hindi na ako magtatakha kung paano ako nakapasok.
Senior high na ako ngunit kinailangan kong mag-transfer dahil sa nasagap kong balita. May usap-usapan na sikat ang Westridge Academy dahil sa mga kababalaghang
nangyayari dito. Kuta raw ito ng mga bampira.
Kung nasaan ang mga bampira, malamang, naroon din kaming mga nangangarap na maging Vampire Slayer.
Yup, I want to be a Vampire Slayer.
A Vampire Huntress.
Well, I have my own reason why I want to become one.
I'm Heaven Ford. 17, transfer senior student of Westridge Academy.
—
Nag-park ang kuya ko sa tapat ng isang napakalaking gate na may nakasulat na, 'Westridge Academy'.
"Heaven, puwede bang ngumiti ka ng kahit peke pagpasok mo ng gate na 'yan para naman may makasundo ka agad kahit papaano?" utos ng kuya ko pero inirapan ko lang siya. Walang sabi-sabi'y bumaba na ako ng kotse at kinuha ang mga gamit ko sa trunk.
"Ingat, baby girl," sabi na lang ni kuya at nagsimula na siyang mag-drive papalayo. Pumasok na ako sa loob. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay napakunot agad ang noo ko. Mali yata ako ng napasukan?
"ID mo hija?" Inilahad ng guard ang kamay niya upang abutin ang ID ko ngunit nakapako pa rin ang mga mata ko sa mga estudyateng nagkakagulo.
"’Pag umawat kami, mawawalan kami ng trabaho," sabi ng guard nang mukhang mabasa ang nasa isip ko. I just shrug at ipinakita ang ID ko, saka dumiretso sa loob.
Pero bago tuluyang pumasok sa dormitory building ay tumigil ako sa malapit sa nagsusuntukan at pinanood sila. Halatang sanay sa basag-ulo ang mga sangkot sa gulo. Ito ba ang dahilan kaya kinakailangan ng tibay ng loob at lakas ng pangangatawan sa paaralang ito?
Napalingon ako sa lalaking nakatalikod at naglalakad palayo sa mga nagkakagulo. Naduwag ba siya? Tss.
Nagulat na lang ako nang may humila sa akin palayo. Nang tignan ko kung sino, malamang hindi ko kilala dahil wala akong kilala rito kundi sarili ko. Pero parang nakita ko siyang kasama sa nagkakagulo. May kaunting dugo na rin sa may kilay niya.
"Masyadong delikado sa puwesto mo, miss. Kung gusto mong manood, dito ka pumwesto," sabi niya at ngumiti.
"Tyco!" May sumigaw mula sa nagkakagulo at nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap ko. Huli na nang akmang hihilahin ako ng lalaki dahil may matigas na bagay na ang tumama sa likod ng ulo ko. Narinig ko ang pagtalbog ng basketball.
"s**t!" I swear.
"Okay ka lang, miss?" puno ng pag-aalalang tanong ng lalaki. Nilingon ko ang mga lalaking nagkakagulo at parang tumigil ang mundo nila. Nagulat yata sila na isang babae ang natamaan ng bola.
"Sino'ng bumato?" tanong ko habang pinupulot ang bola.
"Ako, bakit?" maangas na tanong ng isang lalaki na mukhang kalaban ng lalaking humila sa akin.
"Jerk!" Naglakad ako palapit sa lalaki.
"What did you just call me?"
"I don't say things twice!" I smirk at saka idinakdak sa mukha ng lalaki ’yong bola. I heard everyone gasp. Maging ang mga taong kasali sa gulo ay naiwang nakabukas ang mga bibig.
"What the f**k is your problem?" galit na sigaw ng lalaki at hinawakan ako sa braso nang mahigpit. I didn't flinch. Ang mga mata niya ay para akong gustong lamunin ng buhay.
"Let go..." I said without breaking the stare. Medyo lumuwag ang hawak niya sa akin. My cold voice never failed me.
Pero muling humigpit ang hawak niya nang maka-recover siya. "Just an unfriendly reminder, miss, pumapatol ako sa babae," he threatens me at mas lalo lang akong napipikon sa lalaking 'to.
"Let go of the girl, Jom." Lumapit ’yong lalaking humila sa akin at binawi ako sa pagkakahawak ng lalaki. Ipinwesto niya ako sa likuran niya.
"Wag kang mangialam, Tyco!" banta ng lalaki.
"Nararamdaman mo na bang wala na kayong laban sa amin kaya babae na lang ang papatulan mo?" 'Yung pakialamerong lalaki.
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila. Akala ko maganda-gandang action ang mapapanood ko pero nauwi rin sa sagutan.
Boring.
Hindi ko na narinig ang usapan nila nang makapasok na ako sa dorm building. Agad kong hinanap ang room number ko. Pero nasa ika-apat na palapag na ako ay hindi ko pa rin nahahanap ang room ko.
"Hi, transferee ka?" May biglang nagsalita sa likuran ko kaya napalingon ako. I saw a nerdy girl. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Yeah." Tipid kong sagot at saka siya tinalikuran at nagpatuloy sa paglalakad at paghahanap. Pero naramdaman kong nakasunod siya.
Ang akala ko ba ay tough students lang ang nakakapasa dito? Bakit may naligaw na nerd?
"Anong room mo?" tanong niya habang sumasabay sa lakad ko. "I can help. Kabisado ko ang bawat room dito." Tumigil ako at hinarap siya.
"Hindi ko kailangan ng tulong." Siguro naman ay sapat na 'yan para tigilan niya ang pagsunod sa akin.
Nagulat ako nang marahas niya akong hawakan sa braso at hinila para mapahinto. Binitiwan niya ako at nakita ang agad na pagmarka ng palad niya sa braso ko.
Oo nga naman. Hindi siya makakapasok sa paaralang ito kung mahina siya. Now I know that she's not an ordinary student here.
Bumalik 'yung matatamis niyang ngiti. Hindi siya mukhang pekeng ngiti. She grabs the piece of paper that I'm holding at tinignan. Biglang lumapad ang mga ngiti niya.
"We're roommates." Masaya niyang sabi at hinila niya ako paakyat sa ikalimang palapag ng building.
Binuksan niya ang pinto ng room 205. Madilim ang kabuuan ng kwarto dahil nakaharang ang kurtina. Lumapit si nerd sa bintana at saka iyon hinawi. Saka ko lang nakita ang kabuuan ng kwarto. Maayos ang lahat. Pwera sa nahagip ng aking mga mata.
May dalawang kama, 'yung isa ay may nakahiga.
"This is my bed," sabi ni nerd at naupo sa bakanteng kama. So 'yung kama na may nakahiga ang kama ko? Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kama ko. Napansin naman iyon ni nerd at nagulat siya.
"Oh my God, I forgot!" Mabilis siyang tumayo at naglakad papunta sa nakahiga sa kama ko na nababalutan ng kumot.
"Hell, wake up! Nandito na ang roommate ko!" Niyugyog ni nerd 'yung nakahiga at saka hinila ang kumot. Medyo nagulat ako dahil lalaki ang nakahiga. Bakit niya kailangang patulugin ang boyfriend niya sa kama ko?
"The f**k, Fire!" He just groaned at akmang magtatalukbong ng kumot nang hilahin ko ang kumot.
"Don't you have your own bed?" I asked kaya napatingin siya sa akin. My cold eyes met his. Masyado na akong maraming matang nakatitigan pagkapasok ko pa lang ng gate ng paaralang ito. Pero iba ang mata ng isang 'to. Para bang pamilyar.
"Who are you?" He ask.
"I should be the one asking that," I said at muli siyang nakipagsukatan ng tingin.
"Guys, relax. Hell, bumangon ka na. Pagod sa byahe 'yung new student so might as well give her her bed." Sabi ni nerd.
Nararamdaman kong may dark aura ang lalaking 'to pero mukhang hindi siya natatakot sa kanya. Of course, magboyfriend sila. "Pasensya ka na sa kambal ko, girl. Maingay kasi sa room nila ni Tyco kagabi kaya dito siya natulog." Sinserong sabi ni nerd.
So kambal sila?
Napairap na lang ako. I don't want to waste my energy on arguing with that bastard stealing my bed. Inilapag ko lang ang gamit ko sa gilid ng kama ko at nagsimulang maglakad.
"Ako nga pala si Fire," pahabol ni nerd nang buksan ko ang pinto.
"Heaven." Tipid kong pakilala nang hindi siya nililingon.
Naglakad-lakad ako at hinanap ang cafeteria. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga nagkakagulo at nagkukumpulang estudyante. Pero hindi na siya suntukan.
Naglakad ako palapit don at nakita ang nakahandusay na katawan.
Wow! What a great way to start my first day here in Westridge. Pinilit kong makarating sa gitna ng kumpulan upang makita ang bangkay.
Mulat siyang namatay. I scan his corpse. Napako ang tingin ko sa dalawang pula sa leeg niya.
My vampire slayer instinct pops in.
Lumuhod ako para tignan nang malapitan ang leeg niya. Nang akmang hahawakan ko ang dalawang pula sa leeg niya ay may maliit na kamay ang humila sa akin patayo.
"Don't touch the corpse. Hayaan mong ang mga autoridad ang unang humawak diyan." Seryosong sabi ni Fire. Paano siyang nakarating dito? Ni hindi ko alam ang pagsunod niya dito.
"Umalis na si Hell. Halika na," niyaya niya ako pero hindi ko siya pinansin at binalik ang tingin ko sa bangkay. Nagulat ako dahil nawala ang pulang marka sa leeg niya. "May problema ba, Heaven?" Tanong ni Fire.
"Nothing." Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at umalis na sa kumpulan.
What happened? Bakit nawala ang pulang marka sa leeg niya? Hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko ang markang iyon. And I'm pretty sure that it's a vampire's bite. Those red dots are obviously a mark of fangs. May kakaiba nga sa paaralang ito. Mukhang hindi ako mabibigo sa bagay na gusto kong gawin dito.
Naglakad ako hanggang sa mahanap ko ang cafeteria. Hanggang dito ay usap-usapan ang natagpuang bangkay. At ayon sa naririnig ko, hindi na mabilang ang ganoong klase ng pagkamatay.
Linggo ngayon kaya kaunti lang ang nakain sa cafeteria. Habang nakapila ako sa counter ay nararamdaman ko ang dami ng pares ng mata ang nakatingin sa akin.
"'Yan daw 'yung nagdakdak ng bola sa mukha ni Jom," sabi pa nung isa.
"Pasalamat siya at pumagitna si Tyco."
Pagkakuha ko ng tray na may laman ng mga order ko ay tinignan ko 'yung mga babaeng pinag-uusapan ako. Nakipagtitigan sila sa akin. Pero tulad ng inaasahan ko, wala pang limang segundo ay binawi na nila ang kanilang tingin.
Naglakad na ako papunta sa bakanteng mesa at kumain. I'm just having a light breakfast. Late breakfast actually.
A lasagna and a cup of hot chocolate is enough... for now. Hindi ko pinansin ang mga matang patuloy na nakatingin sa akin at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Pagkaubos ng kinakain ko ay tumayo na ako at naglakad pabalik sa dorm.
—
FB: AJ Edwards Malik
IG: mindo_aj
Twitter: AbrilLigaya94