Chapter 10 'Connection' Heaven's PoV Matagal bago ako nakarating sa terminal ng bus. Masyado pala talagang malayo ang Westridge High sa kabihasnan. Sinusubukan kong tawagan si kuya ngunit kanina pa siya unattended. Sabi ni Hell, ligtas daw ang kuya ko. Gusto ko siyang paniwalaan ngunit natatakot akong magtiwala kahit na kanino. Nakarating ako sa bahay nang hindi ko alam kung ano na'ng kalagayan ng kuya ko. Wala akong idea dahil hindi ko pa rin siya nakakausap. "Heaven, anong ginagawa mo rito?" Nagulat si nanang Lilian nang pagbukas niya ng gate ay ako ang bumungad. "Nanang, nandiyan ba ang kuya?" Tanong ko habang natakbo papasok ng bahay. "Ha? Oo, kauuwi niya lang, bakit?" Napahinto ako at napatingin sa kanya. "Nandito na si kuya?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, Ven. May pro