Chapter 11 'Jomarie Alegre' Heaven's PoV Akala ko ay maaga na ang gising ko ngunit mas maaga palang nagising si Tiffany kaysa sa akin. Habang kami ni Fire ay natutulog pa ay nag-aayos na siya sa harapan ng salamin. "Gising ka na pala, Heaven." Sabi niya. I raised an eyebrow when I just realized that she's wearing a make up. "Anong meron?" Tanong ko. "I just want to impress Hell," then she giggles. Naalala ko ang sinabi ni Fire na hindi gusto ni Hell si Tiffany. "You're just wasting your time." Sabi ko at bumangon na. Hinanda ko lang ang uniform ko at naligo na. Sunod na naligo ay si Fire. "Okay lang ba ang make up ko?" Tanong ni Tiffany. "You looked like a clown." Seryoso kong sabi. Nag-pout lang siya at muli nang humarap sa salamin. She doesn't need to impress Hell. Makukuha niya