Chapter 9 'Wolves' Heaven's PoV Naglalakad na ako sa loob ng dark forest nang may humawak sa wrist ko. Paglingon ko, si Tiffany. "Heaven, saan ka pupunta?" Tanong niya. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa dark forest? "Dinala ako kagabi rito ni Vlad. Delikado raw ang lugar na 'to. ’Wag kang pumasok," halatang nag-aalala siya sa akin. "No, hindi pwedeng hindi ko pasukin ang lugar na 'yan. So just go!" I rudely shooed her. Knowing her, kasing kulit siya ni Fire. Nerds are nerds. "Pero Hea—" "Shut up, Tiffany! Just go. Hindi mo ako mapipigilan!" Sinisiguro kong hindi na siya magtatangka pang pigilan ako. Huminga siya ng malalim. "Fine, Heaven. Sasamahan kita!" Sabi niya and I frown. "Wala akong planong makipag biruan, Tiffany. ’Wag mong u