Chapter 8 'The Search' Heaven's PoV Inis na inis akong bumalik sa table namin at napansin ni Fire ang pagkunot ng noo ko. "Oh? Bakit bigla kang nagka-ganyan? Kanina lang sumasayaw kayo ni Hell ah?" Pang-aasar niya at inirapan ko siya. "We're not dancing, we're just talking." I corrected her. "Fine, so anong pinag-usapan niyo?" Iniwan niya sina Tiffany at Doc na nagkukwentuhan. "Wala! ’Wag ka nang magtanong dahil wala akong balak sumagot!" Nag-pout si Fire at tumango na. "I guess we should dance," biglang sabi ng doctor. "Oh my God, sure!" Excited na sabi ni Tiffany. "Uh, not you Miss Pineda," sabi ng doctor at nag-pout si Tiffany. Tumingin sa akin ang doctor. "Can I have this dance?" Inilahad niya ang palad niya sa harap ko. Napataas ang kilay ko. "I don't dance," I take another