CHAPTER 3

1591 Words
_Three years later..._ "Jonas! Come back here!" malakas na tawag ni Chestine sa kanyang anak na nananakbo sa kanilang garden. "Hayaan mo lang siyang maglaro ng maglaro hanggang sa mapagod. Mamaya kusa rin 'yan lalapit sa 'yo," sabi ni Johan habang abalang nag-ta-type sa kanyang laptop. "Tirik na tirik ang araw tingnan mo oh! Tapos gusto mo hayaan ko lang," naiinis na sabi ni Chestine sa asawa. Mayamaya lang ay isinara na ni Johan ang kanyang laptop at lumapit sa kinatatayuan ni Chestine habang nakatanaw sa anak nilang si Jonas na nagtatatakbo sa katirikan ng araw. "Ang init ata ng ulo ng asawa ko ngayon ah," puna ni Johan sabay ipininulupot niya ang mga braso niya sa baywang ni Chestine. "Manang-mana ang anak mo sa 'yo Johan. He is only three years old pero napaka-tuso niya na. Minsan pa nga akala ko matanda na ang kausap ko." Naiiling na sabi ni Chestine. "Gusto mo ba mag-hire na tayo ng nanny for him? Sabihin mo lang at may kakilala ako para naman nakakapag-relax ka rin," alok ni Johan sa kanyang asawa. Ilang saglit na napaisip si Chestine sa suhestyon ni Johan. May limang na taon na rin siyang nasa bahay lang simula nang ikasal sila ni Johan. Gusto niya nang bumalik ulit sa trabaho ang kaso iniisip niya naman si Jonas. Hindi sila kumuha ng taga pag-alaga noong baby pa lamang ito dahil gusto niya talagang matutukan ito nang mabuti. Pero bigla niyang naisip na p'wede na siguro ipaalaga si Jonas sa taong kakilala nila kapag nasa trabaho na silang mag-asawa. "May gusto sana akong ipaalam sa 'yo love," malambing na sabi ni Chestine sabay umikot siya paharap kay Johan. "Ano 'yon?" may pagtatakang tanong ni Johan. "Gusto ko nang bumalik sa pagtatrabaho, papayagan mo ba 'ko?" sabi ni Chestine na bahagyang ikinagulat ni Johan at biglang naging seryoso ang mukha nito. "Bakit? Nakukulangan ka pa ba sa buhay na ibinibigay ko sa inyo ni Jonas?" Pakiramdam ni Chestine ay nagpanting ang tainga niya sa naging sagot ni Johan sa kanya. "Johan! This is not about the money! Alam kong isang pitik mo lang ay kayang-kaya mo ibigay sa 'min ni Jonas ang lahat ng bagay sa mundong 'to. Pero gusto ko pang ipagpatuloy ang naudlot kong passion," giit ni Chestine. "Passion? Ang lumipad kasama ng mga lalaking piloto? Napag-usapan na natin ito noon pa na ayoko nang magtrabaho ka dahil ayokong mawalan ka ng oras sa 'min!" bulyaw ni Johan na ikinapitlag ni Chestine. Isa siyang dating flight attendant sa Philippine Airline bago pa sila magkakilala ni Johan sa isang birthday party ng kanilang kaibigan. "You don't understand Johan... " Naiiling na sabi ni Chestine sa kanyang asawa at hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Johan. "Ako pa ngayon ang hindi makaintindi? May asawa at anak ka na! Passion pa rin?? Maliit pa si Jonas, kailangan niya pa ng buo mong atensyon! P'wede namang ipagpaliban mo muna 'yan!" galit na sabi ni Johan. "I know! Kaya nga kita tinanong kung papayag ka ba? Pero nagalit ka agad! Kung anu-ano na kaagad ang pinagsasasabi mo sa 'kin!" galit ding sagot ni Chestine sabay padabog niyang itinalikuran si Johan at umakyat sa hagdanan patungo sa kanilang silid. Napahilamos na lang si Johan gamit ang dalawa niyang palad. Hindi niya sinasadyang pagsalitaan ang asawa niya ng masasakit na salita. Nadala lang siya ng kanyang emosyon. Ayaw niyang bumalik si Chestine sa pagiging flight attendant dahil natatakot siya na mahati ang atensyon nito sa trabaho at pamilya. Ang isa pang kinababahala niya ay baka may ibang lalaki ang magka-interes sa kanyang asawa at 'yon ang Iniiwasan niyang mangyari kaya mas gusto niyang nasa bahay na lang ito. At least panatag ang loob niya. "Daddy!" tawag ni Jonas kay Johan nang makalapit ito sa kanya sabay yumakap sa kanang binti niya. Kaagad niyang kinalong ang anak na si Jonas sabay hinalikan ito sa noo at mahigpit niyang niyakap ang maliit nitong pigura. "Are you sad, Daddy?" malambing na tanong ni Jonas gamit ang malambing at maliit niyang boses. "No, I'm not sad. You and Mommy makes my life happier every day," malambing na sagot ni Johan sa anak na ikinahagikgik nito. "Where is Mommy?" tanong ni Jonas habang nililibot niya ang mata sa paligid at hinahanap ang inang si Chestine. "She's sleeping because she's tired. Let her rest for a while and don't disturb Mommy, so we can play together," pagdadahilan ni Johan sa anak. Alam niyang umiiyak si Chestine sa mga oras na 'to at ayaw niyang makita ng anak nila na ganoon ang Mommy niya dahil siguradong malulungkot si Jonas. "Alright! Don't disturb Mommy so we can play!" masayang sabi ni Jonas habang nagtatatalon sa bisig ni Johan. "Do you want to eat first, young man?" tanong ni Johan sa anak sabay tap sa maliit nitong ilong. "Yes! I'm hungry!" sagot ni Jonas sa kanyang Daddy sabay tap niya rin sa kanyang maliit na tummy. Naglakad na sila patungo sana ng kusina nang mamataan niya si Chestine na pababa ng hagdanan. Namumugto ang mga mata at halatang-halata na kagagaling lang niya sa pag-iyak. Ayaw sanang bumaba ni Chestine dahil masama ang loob niya kay Johan ang kaso ay naalala niya ang anak niyang naglalaro sa labas ng garden. "Mommy!!" sigaw ni Jonas nang makita niya rin si Chestine na papalapit sa kinaroroonan nila. "Baby! Ano tapos ka na ba mag-play? Sobrang pawis naman ng baby ko, but still mabango pa rin!" magiliw na bungad ni Chestine kay Jonas sabay kinuha niya ito mula kay Johan. Hindi pinansin ni Chestine ang asawa at tanging si Jonas lang ang kinakausap nito. Kahit miski tingin ay hindi niya tinatapunan si Johan dahil masama pa rin ang loob niya rito. "Eat daw po muna ako sabi ni Daddy before ako mag-play ulit with him," masayang sagot ni Jonas sa kanyang Mommy. "Alright, then let me cook something for you," sabi ni Chestine habang hinahalik-halikan sa pisngi ang anak. "Mommy, what happened to your beautiful eyes? Did someone bite it?" inosenteng tanong ni Jonas na ikinatawa lang ni Chestine. "No one bites it. I just rubbed my eyes because it was itchy until it becomes reddened," pagbubulaan ni Chestine. Tahimik lang si Johan habang pinapanuod niya ang kanyang mag-ina. Mamaya niya na lang kakausapin si Chestine kapag sila na lang dalawa. Hindi siya sanay na galit ito sa kanya at ayaw niyang tumatagal ang kanilang away at tampuhan. Naglakad na sila patungo sa kusina at iniupo ni Chestine si Jonas sa kanyang toddler high chair at nag-umpisa na siyang maghanda ng lulutin para sa kanyang anak. "Jonas, do you want Mommy to bake cookies for you?" magiliw na tanong ni Chestine sa anak. "Yes! I love cookies!!" makulit na sagot ni Johan na may kasama pang pagpalakpak. "Ikaw, anong gusto mo?" tabang na tanong ni Chestine kay Johan nang balingan niya ito at tahimik lang na nakatingin sa kanya. Kahit na galit siya ay hindi niya naman kayang tiisin si Johan na tahimik na nakatayo sa gilid. "You," tipid na sagot ni Johan na ikinataas ng kilay ni Chestine sabay pinanlakihan niya ito ng mata. Sumenyas si Chestine kay Johan na kasama nila ngayon ang anak nila at baka magtanong pa si Jonas kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Daddy. Lihim na napangiti si Johan dahil alam niya namang hindi siya kayang tiisin ng kanyang asawa. Ilang sunod na pagtikhim ang ginawa niya bago siya muling magsalita. "Gusto ko rin ng cookie mo, love." Nakangising sabi ni Johan sa asawa na biglang ikinasamid ni Chestine at sunod-sunod na napaubo. "Mommy! Drink water!" sigaw ni Jonas nang makita niyang umuubo ang kanyang Mommy. "No, Mommy is okay. Don't worry," sagot ni Chestine sa maalalahanin niyang anak at mabuti ay bumalik na ito sa paglalaro ng hawak niyang toys. Pasimpleng sinamaan ng tingin ni Chestine si Johan na halatang pinipigilan nito ng pagtawa kaya mas lalo lang siyang nainis dito. Hindi na niya pinansin si Johan at ipinagpatuloy niya na lang ang ginagawang pag-bi-bake. "Love," tawag ni Johan kay Chestine. "Johan, mamaya na," tipid na sagot ni Chestine habang abala sa pahahalo ng ingredients. Alam niyang gusto siya nitong kausapin tungkol sa nangyaring pagtatalo nila kanina. Pero hindi ito ang oras para pagusapan ang bagay na 'yon dahil kasama pa nila si Jonas. Ngunit napahinto siya nang maalala niya ang tungkol sa pagkuha nito nanny. P'wede siguro na kahit nasa bahay siya ay may tumitingin sa anak nila kapag may ginagawa siya lalo na ngayon na mas lalo itong naglilikot dahil mahilig na siyang mag-explore. "About the nanny thing. Payag na ako kumuha tayo," biglaang sabi ni Chestine na ikinatigil ni Johan. Bakas sa mukha ni Johan na tila naguguluhan siya dahil noon pa niya ito inaalok kung gusto ba niyang mag-hire sila pero ngayon lang ito pumayag sa tinagal-tagal ng panahon. "Anong naisipan mo at bigla kang pumayag ngayon? H'wag mong sabihin na itutuloy mo pa rin ang balak mong pagtatra— " Hindi na natapos ni Johan ang sanang sasabihin niya nang magsalita ulit si Chestine. "No, I'm staying home. Naisip ko rin na habang tumatagal lumalaki na si Johan, kailangan ko ng taga-halili lalo na kapag umiral na ang kakulitan niya at napansin ko rin na nag-uumpisa na siyang ma-curious sa paligid niya," sabi ni Chestine na ikinahinga ng maluwag ni Johan. "Good decision, love. At least you will have more time to take care of yourself at hindi ka na rin mawawalan ng oras sa 'ming mag-ama," natutuwang sabi ni Johan sabay tap niya ng ilong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD