"Chestine," muling tawag ni Johan sa pangalan ng asawang na kanyang kinasasabikang makita. Kahit nakatalikod ito mula sa kanya ay kilalang-kilala niya ang pigura nito kaya hindi siya p'wedeng magkamaling si Chestine nga ito. Naglakad si Johan papalapit dito nang bigla itong tumayo at marahas siya nitong hinarap at kita pa rin sa mga mata nito ang labis na poot. "What are you doing here?" galit na tanong ni Chestine gamit ang kalmado niyang boses. "I'm here to take my family back," diretsuhang sagot ni Johan habang nakatingin sa mukha ng asawa. Ngayon siya mas lalong nakaramdaman ng pananabik nang makita itong muli matapos ang mahabang panahon ng paghahanap niya. Napansin niya na mas lalong nag-glow ang asawa niya at muli itong nag-mukang dalaga sa paningin niya. Samantala, napahagalp