Chapter 5

1110 Words
Chapter 5 "Klyde!!!" bulyaw ni Jervis sa pangalan ng kaibigan. "Aray!!! Bakit?" halos mawasak na ang tainga nito sa malakas na sigaw ng binata sa kabilang linya. "Tang-ina, bakit hindi mo sinabi?" "Sinabi ang ano?" "Si Alex!" "Holy s**t! Nagkita na kayo?" highschool pa lang kasi ay magkaka-klase na silang tatlo. Si Klyde, Jervis at Alexandra. Sa Probinsya ng Puerto Princesa, Palawan nanirahan si Jervis sa pag-aakala ng kaniyang Lolo na magbabago ang ugali nito once he threw his grandson away from the city, pero mukhang naging tama naman siya sa kaniyang plano at dahil sa nakilala nito ang probinsyanang si Alexandra Perez ang natatanging babae na nagpatibok ng kaniyang puso at nagpalambot sa bato niyang pag-uugali. Matagal bago napalambot ni Alex ang puso ni Jervis kaya masasabi na mission impossible ang ginawa nito. Pero, sa hindi maintindihang dahilan ay bigla nalang nagbago ang ugali ng dalaga. Naging malamig na ito sa kaniya, naging mainitin ang ulo at hanggang sa bigla nalang itong nawala na parang bula. At no'ng malaman niya kung sino ang may dahilan sa likod ng lahat ng mga ito ay do'n siya muling bumalik sa dating siya. Naging basag ulo siya at nakulong ng ilang beses sa murang edad at no'ng magka-edad na nga siya ay wala naman siyang habas sa pag-gasta sa pera ng kaniyang Lolo, na siyang may gawa ng lahat ng mga iyon. Pero, hindi niya kailan man ito isinumbat sa kaniyang Lolo ang lahat ng mga nangyari. In short wala silang closure na dal'wa. "Kailan pa?" inis na tanong ni Jervis kay Klyde. "No'ng nakaraang taon ko lang din nalaman," paliwanag pa ng binata. Hanggang college kasi ay magkasama parin silang dal'wa at do'n na nga nila nakilala si Sam na siyang naging kaibigan na rin nila kalaunan, ngunit no'ng makita ni Klyde si Sam no'ng nakaraang taon sa tailing shop ng business partner niya ay nagulat siya, at kinabahan dahil do'n lang ulit siya nagkitang dal'wa ni Alex. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap, o magkamustahan man lang dahil alam ni Klyde na kapag ginawa niya iyon ay babalik lang ang lahat sa dati, o mas magiging magulo na dahil mas lalong hindi na pwedeng magkita sina Alex at Jervis ngayon dahil nga sa pagmamay-ari na siya ngayon ng iba. Sa sobrang inis ni Jervis ay naibato niya ang kaniyang phone sa labas ng bintana ng kotse. May kailagan niyang gawin, hindi pu-pwedeng ganito, kailangan nilang dal'wa mag-usap, at kailangan nilang ayusin ang dapat ayusin. --- "Nasaan si Lolo?" tanong ni Jervis kay Jeselle. "Nasa Hongkong po, may meeting po siyang dinaluhan do'n," paliwanag pa ng kaniyang kasambahay. Nang may inabot si Jeselle kay Jervis, isang tablet at kailangan raw pindutin nito ang video clip na iniwan ng kaniyang Lolo para sa kaniya. Ang sabi ng video clip na iniwan ni Lolo Alejandro ay... kung ano man raw ang dahilan nito sa pag-gastas niya ng sampung milyon ay wala na siyang pakialam do'n basta ang kailangan niya ay makilala niya sa kaniyang pagbabalik ang babaeng pakakasalan nito. Do'n pumasok sa kaniyang isip si Alex. Wala siyang ibang babaeng gustong pakasalan no'n, kundi si Alex at tanging si Alex lamang. Pero mayroon siyang malaking problema ngayon, kasal si Alex sa kaibigan niyang si Sam, paano na ito ngayon? Kinabukasan ay muling bumalik si Jervis sa tahanan nila Sam at Alex. Mayroon itong dalang mga pagkain at ilang bagay na siyang paborito ni Alex gaya na lang ng langka na paboritong prutas niya. "Bakit may langka kang dala?" pagtataka pa ni Sam sa kaibigan. Napatingin si Jervis kay Alex na siyang iniwasan naman itong titigan. "U-uhm, 'diba sinabi mo sa akin no'ng isang araw na paborito ng asawa mo ang langka?" kumunot naman ang noo ni Sam, tila iniisip kung mayroon nga ba siyang naikwento tungkol sa hilig ng kaniyang asawa. "Nasabi ko ba iyon?" "Oo, masyado na kasi tayong lasing no'n, by the way kaya rin pala ako nakadalaw rito e may importante sana akong sasabihin sa iyo, at gusto ko na tayong dal'wa lang sana muna," sabay tingin muli kay Alex. "Okay, may gagawin lang ako sa kusina," sabi ni Alex saka dinala ang mga bagay na ibinigay ni Jervis. Sabay na umupo ang dal'wa at do'n na sinabi ni Jervis ang kanyang gustong sabihin. "Ano ba iyong gusto mong sabihin ah?" excited at tila kinakabahang tanong ni Sam sa kaibigan. "May nakita na akong babae," "Babae? Good! Sino?" "Si Alex," "Ano?" bulyaw na sabi ni Sam sa kaibigan. "Bakit ang asawa ko?" inis niyang sambit. "Kumalma ka pare!" pinakalma at pinauo muli ni Jervis si Sam, gusto nitong ipaniwanag ng maayo sa kaibigan kung bakit ang asawa nito ang napili niyang ipapakilala sa kaniyang Lolo. Inis na tinanggal ni Sam ang kamay ni Jervis sa braso nito saka muling inihanda ang sarili para pakinggan ang sasabihin ng kaibigan. "Si Alex ang napili ko kasi alam kong wala akong gagawing masama sa kaniya," "Kilala kita Jervis!" nagbabanta ang tono ng boses ni Sam. "Wala akong gagawing masama sa kaniya kasi kaibigan kita. At hindi ako tumatalo ng pagmamay-ari ng iba, alam mo iyan." Dagdag pa ni Jervis, umiwas ng tingin si Sam at pilit na pinakalma ang sarili. "Bakit kasi siya?" "Wala na akong maisip, pare." "Tang-ina!" bulyaw sa hangin ni Sam. "Okay, ganito na lang. Isipin mo na lang na hindi niyo na ako kailangang bayaran sa hiniram niyong pera, just three months. Kailangan ko lang si Alex for three months," paliwanag pa nito. "Kakausapin ko muna ang asawa ko," senyales na kinakailangan nang umalis ni Jervis ng minutong iyon. Tumayo siya at nagpaalam sa tahimik paring kaibigan at nang makalabas na ito ng kanilang tahanan ay do'n na lumapit si Alex at kinausap siya ng masinsinan ni Sam. "Hon?" "Narinig ko," mahina at tahimik na sagot nito. "Hon, I'm sorry," "No! Ako nga ang dapat na humingi sa iyo ng patawad e, kasi dinamay pa kita sa problema ng pamilya ko." Naluluhang sabi ni Alex sa kabiyak. "Hindi, 'wag mong isipin iyon. Hindi na sila iba sa akin, kapamilya ko na rin sila," sabi pa ni Sam rito saka niya niyakap ng mahigpit si Alex. "Ano ng plano mo?" tanong ni Alex. "Hindi ko alam," naguguluhang sabi ni Sam. "Okay lang naman sa akin," nagulat si Sam ng biglang sabihin iyon ni Alex. "Ano?" "Honey, hindi ko naman hahayaan na may gawin siyang masama sa akin," "Pero..." "Honey, lahat ng paraan gagawin ko para sa kapatid ko," "Pero Alex," "Kailangan mo lang e pagkatiwalaan ako." Sabi ni Alex sabay punas ng tumulong luha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD