Kabanata 6
Part 2
From: +639073121557
I like you, my princess. <3
"Ikaw ito?" tanong ni Katleya kay Red na masayang nakatitig sa kanya.
Tumango ito. "Oo. Save mo ha?"
"Sure. Ikaw pa! Malakas ka kaya sa akin, Red."
"Ikaw ha? Ang lakas mong magpakilig."
"Isa lang ang sagot niyan. Kasi gusto kita, Redrigo McArthur X. Montenegro."
"Hoy! Tama na! Kinikilig talaga ako," anito. Nagpatuloy na siya sa pagkain.
"Ang cute mo. Para kang si Blue. May pagka-isip bata ka rin pala," natatawang sabi ni Katleya.
"Idol ko kasi ang kakulitan niyon. Alam mo, kahit sinusungitan ko iyon. Sobrang mahal ko 'yon. I admire his bravery. Sobrang tapang ng batang 'yon."
"Blue is lucky to have you as his twin brother."
"Mas suwerte ako sa kanya. Ano ba 'yan, mukhang maiiyak pa ako. Basta mahal ko ang batang iyon. "
"Makikita naman, e. Halata naman kung paano ka tumitig sa kanya."
Nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa. Nang matapos na silang kumain, inihatid na ni Red ang dalaga sa Engineering Department.
"Goodbye. See you later. Susunduin kita," paalam ni Red.
"Maghihintay ako. Thank you, Red." Tumango ang binata at aalis na sana. "Red," sambit ni Katleya na nagpalingon muli rito. "I heart you." Napatakip sa mukha si Red dahil sa kilig. "Ano'ng nangyari sa iyo?"
"Kinikilig ako."
"Mukra raw ng kinikilig?" panunukso ni Katleya.
Tinanggal ng binata ang kamay nito sa mukha niya. "Ganito."
"Ang guwapo mo. Sige na, mauna ka na baka mahuli ka pa sa klase mo."
"Okay, bye. Hintayin mo ako ha? Susunduin kita."
Umalis na ito kaya napatalon-talon na si Katleya sa sobrang kilig. Hindi lang siya makapaniwala sa nangyari ngayong araw.
•••
Nasa loob ng kotse ngayon si Red at Katleya. At nandito na sila sa harapan ng mansion ng Quizo. Inihatid kasi ni Red ang babaeng gusto niya. Gusto niyang masiguradong ligtas ang dalaga.
Binuksan na ni Katleya ang sasakyan para lumabas. "Thank you, Red. Mag-ingat ka pauwi."
Lumabas din ng sasakyan si Red. "Welcome. Ayaw mo ba muna akong papasukin sa bahay niyo?"
"Bakit naman hindi, Katleya?" pagsulpot ng isang boses, ang ama nito.
Nang makita ito ni Red, agad itong lumapit para magmano.
"Hi po. Nice to meet you, Tito."
"Blue, mag Twirk it Miley ka muna," sambit ng ama ni Katleya.
Namula ang mukha ni Red sa sinabi nito.
"D-dad," nahihiyang sambit ni Katleya. "Hindi siya si Blue, si Red po siya, ang kambal niya."
"Sorry. Sobrang magkamukha kasi talaga kayo. Pasok ka muna sa loob, dito na tayo mag dinner."
"Puwede po ba? Salamat po," masayang sabi ni Red.
"Bakit naman hindi? Pumasok na kayo." Sumunod na ang dalawa. "Welcome to our home, Red."
"Salamat po, Tito. Grabe! Ang ganda po nang pagkagawa sa bahay niyo. Mukhang magaling talaga ang nagdisenyo nito."
"Actually, it was my mom and dad collaboration, Red. This house built with love," nakangiting sabi ni Katleya.
"Wow! Talaga?" Iginiya niya ang tingin sa loob ng bahay. "Totoo po ba iyon, Tito?"
Umupo silang tatlo ngayon sa sofa. "Yes. Nasa college pa lang kami noon ay kami na ng Mommy ni Katleya. We were best friends turned lovers. Noong naging kami na, our goals in life became as one. Nangako rin kami sa isa't isa na magkamatayan man walang makakapaghiwalay sa amin. Then, we had a lot of plans at isa na itong bahay na napatayo namin. Ang sarap lang isipin na ginuhit lang namin ito noon ng sabay. Tapos ngayon, biniyaan pa kami ng tatlong mababait na supling."
Masayang nakikinig si Red sa sinabi ng ama ni Katleya. Pero napatigil lang ito nang may bumungad na isang babae, ang ina ni Katleya.
Tumayo si Red at lumapit dito para magmano. "Nice to meet you po, Tita."
"Scandal boy. You are here," aniya.
Napatayo si Katleya sa kinuupuan niya at biglang nataranta. "M-mom. Hindi po siya si Blue. Si Red po siya, Blue's twin brother."
"Oh my God. Sorry."
"Kilala niyo po pala si Blue?" tanong ni Red.
"Sa amin siya sumakay kahapon. Nakita kasi siya ni Kat sa kalsada. So ikaw iyong nirereklamo niya sa Lola niya na nagpababa sa kanya. No offense ha? Ganoon ba talaga ang bibig ng batang iyon? Walang preno?"
Napakamot sa ulo si Red. "Pasensyahan niyo na po si Blue, Tita. Pero promise, napakabait ng batang iyon."
"I see. Napadalaw ka? Anyway, may kilala kang Redrigo McArthur sa school niyo?"
"M-mom!" singhal ni Katleya.
"Huwag ka na mahiya, nagtatanong lang naman. Alam mo 'yang batang 'yan, patay na patay sa lalaking may pangalang Redrigo McArthur."
"Ako po si Redrigo McArthur, Tita," wika ni Red.
"O-M-G!" Tiningnan ng ina ni Katleya ang anak niya. "Hmmm. Kaya pala? Paranoid."
"Mom!" singhal ni Katleya dahil tinutukso siya nito.
"Now I know. Why she's cazy in love with you," nakangiting sabi ng ina ni Katleya.
"Mommy naman, e!" nahihiyang sabi ni Katleya.
"Ang totoo nga, Tita at Tito. Crush ko po rin ang anak niyo."
"Oh my God! And let the love begin," kinikilig na sabi ng ina ni Katleya.
Tiningnan ni Red ang dalaga at nginitian. Napangiti rin ito ngunit may halong hiya dahil sa panunukso ng kanyang ina.
~~~