Kabanata 7

2192 Words
Kabanata 7 "Saan ka galing?" tanong ni Blue nang pumasok ang kanyang kambal sa kanilang kuwarto. Kakarating lang nito galing sa bahay nila Katleya. "Kina, Kat," sagot nito. Tumalon ito papunta sa kama at nagpagulong-gulong. Pinalo naman ito ni Blue sa puwet. "Aray," pagrereklamo niya. "Para kang bading diyan. Ano pala ang nangyari?" "A very long sweet story," tamad nitong sagot. "A very long sweet story mo mukha mo! Tss!" Umayos ng upo si Red. "Nag seryoso ka na ba sa babae, Blue? Iyong mas nangingibabaw talaga ang pagmamahal?" Ngumuso ito. "Nakababading iyong tanong mo. Pero kung gusto mo malaman, hindi pa. Never pa akong na in love. Gusto ko lang ang babae dahil gusto ko silang ikama. Iyon lang." "Ang sarap pala sa pakiramdam," nakangiting sabi ni Red habang inaalala ang nangyari kanina sa kanila ni Katleya. "Mukhang tinamaan ka na talaga sa best friend ko. Isang ganap na tao ka na. Congrats!" "Gago ka. Pero totoo, ang sarap dito." Hinawakan pa nito ang dibdib niya. "Sa palagay ko, darating din ang araw na titino ka kapag makita mo na ang babae na para talaga sa iyo." "Grabe ka sa titino. Matino naman ako ah? Oo, palakantot ako. Pero mabait naman ako." "I mean iyong maging seryoso ka sa lahat ng bagay." "Seryoso mo mukha mo." "See? Iyong hindi ka na ganyan sumagot." "Ewan ko sa iyo. Mabuti pang mag-j*kol na lang ako. Hindi kasi ako nakaisa kay Selena today dahil may lagnat. Tsss! I hate you, fever! Grrr." "Isa pa 'yan. Nakikipagtalik ka sa isang babae na hindi mo naman gusto." "Pero gusto ko naman ang ginagawa ko, ah? Ang sarap kaya." "Kailan ka ba titino ha? Iyong mawala na ako?" "Mawala mo mukha mo. Shut up!" Nilabas nito ang p*********i niya sa boxer shorts na suot. "J*kol muna ako. Don't disturb me. My d*ck will be mad at you." Napangiti na lang si Red at naghubad ng damit para magbihis. Nang matapos ito, kumuha siya ng libro at nagbasa. Humiga na rin ito sa tabi ni Blue na abala pa rin sa pagsasarili. "Huwag masyadong magalaw, Blue. Nakahihilo," anito. "Saang bansa ka nakakitang nagsasarili ng naka-freeze ah? Tell me!" inis nitong sabi. "Tell me mo mukha mo!" singhal ni Red. "Yuck! Feeling Blue. Tss!" Humalak si Red. "Kanina pala ginaya kita noong sinundo ko si Katleya. Nakatutuwa lang dahil naloko ko siya ng mga ilang minuto, pero nahuli niya rin ako sa kalagitnaan dahil may pawis sa mukha ko tapos pinunasan niya. At 'yon, natanggal ang ginuhit kong nunal." "Huwag mo na gawin iyon sa susunod. Baka mapahamak ka. Alam mo naman na maraming asar sa akin," seryosong sabi ni Blue. "Okay. Hindi na mauulit. Ginawa ko lang naman iyon dahil kay Katleya, pero dahil close na kami at may mutual understanding na sa isa't isa. Hindi ko na kailangan magpanggap na ikaw para lang makasama siya." "Mabuti kung ganoon. Ahhhhhhhh." Napabuntong-hininga ito dahil nilabasan na. "Maghugas muna ako roon sa banyo." Nang matapos ito. "Kumuha ka ng beer doon, Red. Nauuhaw ako, inom tayo." "Ikaw na," tamad nitong sabi dahil busy sa pagbabasa ng libro. "Ikaw na, Pula. Alam mo naman iyon sila Mom." "Ayaw ko nga." Tumayo ito at nandabog. Kumuha ito ng unan at tinapon sa kanyang kambal. "Tamad! Tamad! Tamad!" Dahil hindi pa ito nakuntento, lumapit siya sa kambal niya at kinurot ang tagiliran. "Aray!" sigaw ni Red at sinipa ang kambal niya. "Isusumbong kita kay Lala!" "Isusumbong mo mukha mo!" sigaw ni Red. "Feeling Blue! Tamad!" Nag-walk-out na ito. Nasa baba na si Blue at kumuha ng inumin sa mini bar nila. "Manang, pakikuha po ng yelo sa freezer," pagsuyo ni Blue. Dumaan ang Mommy niya dahil papunta sa kusina. "Mom," sambit nito. Pero hindi man lang siya nagawang pansinin nito. "Oh, Blue? Nauuhaw ka? Iinom ka ng beer? Mabuti 'yan?" anito. Kinausap niya lang ang kanyang sarili. "Blue, ito na ang yelo," anang Manang. "Salamat po." Naglakad na si Blue pabalik bitbit ang bucket of beer at ang yelo. Nang paakyat na siya sa hagdan, masasalamuha niya ang kanyang ama. "Dad," sambit nito. Pero dinaanan lang siya nito at hindi rin pinansin. "Hi, Blue. Nauuhaw ka? Inom lang nang inom, pero iyong kaya lang ha? May pasok ka pa bukas?" sabi niya sa kanyang sarili at nagpatuloy na sa paglalakad. Dumating na siya sa kanilang kuwarto ni Red. "Pula, sa terrace tayo," pag-aya niya. Niyugyog niya ito. "Tara na." "Ikaw na lang muna, Blue. Maaga pa ako gigising bukas. Matutulog na ako." "Ikaw na nga lang ang kakampi ko sa bahay na ito, tatanggihan mo pa ako. Sige, matulog ka na. Mabait ka naman na anak," anito. "Psst," sambit ni Red. "Psst mo mukha mo!" Pumunta na siya sa kanilang terrace at umiinom mag-isa. Lumagok agad ito ng beer na punong-puno ng yelo sa mug. "Cheers, self. Fighting!" anito. Dumating si Red at tinabihan ang kambal niya. "Alis na! Matutulog ka na, 'di ba?" "Nagtatampo ka ba?" pag-aalala ni Red. "Nagtatampo mo mukha mo. Alis na! Baka pagalitan pa ako dahil pinilit kita." Lumagok muli ito. "Cheers, self." "Asul," sambit ni Red. "Umalis ka na nga!" sigaw nito. "Ano bang nangyari sa iyo!" sigaw ni Red. Tumulo ang luha ni Blue. "Sisigawan pa sana kita, pero baka marinig tayo nila Mom. Tapos kung marinig nila, papasok sila rito sa kuwarto at pagagalitan na naman ako. Tatapunan nang masasakit na salita at wala akong magagawa kung hindi saluhin na naman iyon. Wala kang kuwentang anak, iba ka sa kambal mo, bakit hindi ka na lang gumaya sa kambal mo, pinalaki ka naman namin nang mabuti." "Blue," sambit ni Red. Maririnig mo sa tono ng boses niya ang pag-aalala sa kanyang kambal. "Blue mo mukha mo, alis na. Ayaw mong uminom, 'di ba? Sinabi mo 'yon. Oo, aaminin kong nagtatampo ako, pero sinabi mong hindi ka iinom. So hindi na kita pipilitin. Gusto ko lang naman uminom, e. Gusto ko lang ng kausap. Kahit makulit ako, gago, siraulo. Nasasaktan din naman ako." "Blue, bakit ka nagkakaganyan? Umayos ka nga!" singhal ni Red. Nagsimula na itong mainis. "Umalis ka na nga! Bakit ang tigas ng ulo mo!?" sigaw ni Blue. "Sa palagay mo? Makakatulog ako kung ganyan ka?" "Araw-araw naman ako ganito, ah? Nakatutulog ka nga. Humihilik pa!" Napakamot sa ulo si Red at nasuntok ang kambal niya kaya natumba ito. "Kinakausap kita nang maayos, Blue! Nag-aalala lang naman ako sa iyo." Nginitian ni Blue ang kambal niya. "Ito iyong mundo ko, Red. Ikaw ang taga-suntok, ako ang taga salo. Bawal kitang gantihan dahil magiging kasalanan ko. Lahat ng sisi mapupunta sa akin. Kahit ikaw ang nananakit." Patuloy lang sa pagtulo ang luha ni Blue. "Ni minsan hindi dumapo ang kamao ko sa mukha mo o kahit sa katawan mo. Pero sa mga mata ng magulang natin. Ako at ako lang ang palaging masama." "Kausapin mo lang ako kung tumino ka na." Tumalikod na si Red. "Paano ba tumino? Iyong maging katulad mo?" "Wala akong sinabi." "Wala ka ngang sinabi. Pero inaarte mo." "Kung alam ko lang na magkakaganyan ka." Pinunasan ni Red ang luhang lumabas sa mga mata niya. "Edi sana pumayag na lang ako sa alok mo kanina." Tumayo si Blue at lumagok na naman ng isang basong beer. "Bakit? Sa palagay mo, roon ako nagagalit? Galit ako sa sarili ko dahil kahit ano'ng gawin ko, hindi pa rin ako magawang patawarin nila Mommy. Mag-iisang taon na nang hindi nila ako pinapansin. Tinigil ko na nga ang bisyo ko noon, e. Nagpaka-virgin ako, Red! Mahigit tatlong buwan din iyon, pero walang nangyari dahil masamang anak pa rin ako sa kanila. Wala pa rin akong kuwentang anak para sa kanila." "Pero ginagawa mo pa rin." Lumingon siya sa kanyang kambal. Nag-iyakan na silang dalawa. "Ginagawa mo pa rin. Ginagawa mo pa rin ang mga gusto mo." "Dahil dito napapansin nila ako. Kung hindi ako maging suwail, hangin lang ako na hindi nila makita. Hindi mo naman ako maiintindihan kasi hindi ikaw ako. Hindi ikaw ang hindi pinapansin. Kahit simpleng pagtango man lang, hindi nila magawa. Nasa iyo kasi lahat ang atensyon." "So kasalanan ko pa ngayon?" tanong ni Red habang nagpupunas ng luha. "Wala akong sinabi." "Pero ipinamumukha mo!" sigaw nito. "Bakit ka sumisigaw? Para marinig nila? Para pagilatan ako?!" Sinuntok muli ito ni Red sa mukha. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" "Umalis ka na. Sinayang ko pa ang oras mo sa walang kuwentang pag-aaway na ito." "Mabuti alam mo." Umupo si Blue at lumagok na naman ng beer. "Mabuti mo mukha mo." Pag-alis ni Red, nagpatuloy na sa pag-inom si Blue. Habang si Red, bumalik na sa kanyang higaan at iyak lang nang iyak dahil nasasaktan siya sa nangyari. Hindi siya sanay na mag-away sila ng kambal niya. Minuto ang lumipas, lasing na lasing na si Blue at naubos na niya ang beer mag-isa. Pumunta siya sa banyo at suka nang suka. Gusto man puntahan ito ni Red, pero hindi niya ito magawa dahil baka maging dahilan na naman ito para mas lalong maiinis ang kambal niya. Bumalik na si Blue sa kama. Kahit lasing na lasing ito, nagawa pa rin nitong magdasal bago matulog. Natapos siyang magdasal, humiga na siya, galaw ito nang galaw kaya naiirita na si Red. Bigla ba naman siyang niyakap ng kambal niya. "Ikaw, Pula," sambit nito. "Wala akong galit sa iyo, okay? Mahal na mahal kita kasi kambal kita. Alam mo, ikaw ang pinakaborito kong nilalang sa mundong ito, kayong dalawa ni Lala. Kasi kayo, hindi niyo ako hinuhusgahan. Hindi katulad ni Mommy at Daddy lahat na lang nakikita sa akin ay puro mali, mali, mali, mali na lang lahat. Pero ikaw at si Lala nakikita niyo ang halaga ko." Tumulo ang luha ni Red habang nakikinig sa kambal niya. Umusog naman si Blue at hinalikan siya sa pisngi. Kasalukuyang nagkukunwaring tulog pa rin ito. "Salamat dahil naging kambal kita. Kahit sinusuntok mo ako, okay lang kasi sobrang mahal kita. I love you, Pula. Sleep well, bangungutin ka sana ng lumilipad na p*ke." Tumawa si Blue matapos niyang masabi iyon. Kahit si Red, nagpipigil sa pagtawa. "May lumilipad kayang p*ke? Ano ba 'yan! Nababaliw na ako. Sige, matulog na ako kasi sumasakit na ang ulo ko. Basta tandaan mo, mahal na mahal na mahal kita." Hinalikan muli ni Blue sa pisngi ang kunwaring tulog na kapatid. "Ingatan niyo po lagi ang kambal ko, Lord." Umayos na nang higa si Blue habang ang kapatid niyang si Red ay walang humpay pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. ••• Umaga na, nasa hapagkainan na ang pamilya Montenegro. Napansin naman ng magulang nila ang pasa sa mukha ni Blue at namamagang mata ni Red dahil sa pag-iyak kagabi. "Bakit namamaga ang mga mata mo, Red?" tanong ni Crezelda, ang ina ng kambal. Tumingin ito kay Blue. "Ano na naman ang ginawa mo?" "Wala po akong ginawa. Pero para maging okay kayo. Oo, may ginawa na naman ako," sarkastikong sagot ni Blue. "Blue!" sigaw ni Zander, ang ama ng kambal. "Sorry. Nakalimutan ko pa lang bawal kayo sagutin dahil lahat ng sinasabi niyo tungkol sa akin ay tama 'di..." Hindi natuloy ni Blue ang sasabihin dahil nasampal siya ng ama niya. "Kahit kailan talaga wala kang..." "Kuwentang anak? Alam ko po." Inunahan na ito ni Blue. Tumulo na ang luha nito. "At kayo ang bait-bait niyong magula..." Nasampal muli ito ng kanyang ama kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. "Wala nang mas masakit, Dad?" "Mom, Dad! Tama na, please. Nasasaktan na po si Blue!" sigaw ni Red. Umiiyak na ito dahil nasasaktan siya sa nakita. Napatingin si Blue sa kambal niya. "Bless your family. Mauna na ako." "Blue!" sigaw ni Zander. "Ano po? Susi ng sasakyan?" Inihagis ito ni Blue. "Magmaneho ka po ng dalawang sasakyan, Dad." "Blue, nawalan ka ng respeto sa amin. Hindi mo na kami nirerespeto! Magulang mo pa rin kami!" sigaw ni Crezelda. Pinunasan ni Blue ang luha sa mga mata niya. "Magulang? When? 1 year ago noong wala pa akong s*x scandal?" Lumapit ang ama nito at sinuntok sa mukha ang anak niya. "Lumayas ka na rito! Hindi ka namin pinalaking bastos!" "Okay. Iyan lang naman ang matagal kong hinihintay na sabihin niyo, e. Salamat dahil nasabi niyo na rin sa wakas." Tumayo na si Blue at pinunasan ang dugong lumabas sa bibig niya. "Salamat po sa pagpapalaki niyo sa akin. Bye!" Nagsimula nang umalis si Blue sa kanilang bahay. Iyak na siya nang iyak dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman. Hinabol siya ni Red. "Asul, 'wag mo akong iwan dito." "Hindi na naman nila ako kailangan. Sige, mauna na ako. Magkita na lang tayo sa school." "Sa akin ka na sumakay. Hintayin mo ako sa labas." Tumango lang si Blue at nagsimula nang maglakad papunta sa labas ng bahay nila. Iginiya niya ang tingin sa loob ng mansyon at mas lalo lang itong napaiyak. Hindi niya maitatangging mamimiss niya ito lalo na ngayong lilisan siya sa mansion na parte na ng buhay niya. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD