Kabanata 6
Part 1
"Miss Kat!" pagtawag ng kaklase ni Katleya. Sa tunog ng boses nito ay may halo itong excitement.
Napatigil sa pagsusulat si Katleya at tiningnan ang kaklaseng tumawag sa kanya. Napakunot-noo naman ito nang makitang kinikilig ang kaklase niya habang may tinuturo gamit ang nguso nito. Sinundan niya nang tingin ang nguso ng kaklase. Laking gulat niya na nasa tabi ang kaibigan.
"Gulat mo mukha mo!" bungad nito. Napatawa pa ito dahil sa reaksyon ng dalaga.
"Ginulat mo naman ako, Blue. In all fairness, mukhang mabait ang mukha mo ngayon kahit nanggugulat ka."
"Grabe ito." Napakamot sa ulo ang binata. "Lunch with me?"
Nag-ayos na ng gamit si Katleya. "Okay. Let's go?"
Kinuha ng binata ang bag ng dalaga at nilagay iyon sa balikat niya. "Ako na ang magdala."
Inilagay ni Katleya ang kamay niya sa bewang ng binata at inakbayan naman siya nito. "Ang sweet naman ng best friend ko. Sana sweet din iyong kambal mo. Isang malaking sana."
"Sweet iyon. Nahihiya lang siya sa iyo."
"Bakit siya mahihiya sa akin? Ako naman ang may gusto sa kanya."
Napangiti ito. "Gusto mo talaga siya, Kat? Ano bang nagustuhan mo sa kumag na 'yon? E, ang suplado no'n?"
"All about him."
Mulu itong pangiti sabay pisil sa pisngi ni Katleya. "Ayiehhh. Kinikilig ako."
"Basta support ka lang sa amin ha?" Papasok na sila ng elevator ngayon. "Totoo ba iyong narinig ko kagabi?"
"Ang ano?" patakang tanong nito.
"Iyong kalokuhan ng kambal mo." Tila hindi nakasagot ito at nagsilabasan lahat ang kanyang pawis. "Blue," sambit ni Katleya dahil mapahanggang ngayon ay hindi pa rin ito makasagot.
"A-ano nga iyon?" nauutal nitong tanong.
Bumukas na ang elevator kaya lumabas na sila.
"Sabi ko, totoo ba iyong sinabi mo sa kambal mo? Iyong nagsasa..." Hindi na makapagsalita si Katleya dahil tinakpan ng binata ang bunganga niya.
"Don't talk too much, okay?" Tinanggal na nito ang kamay niya. "Ang ganda mo pala talaga sa malapitan."
Kinurot ni Katleya ang binata gamit ang kamay niya na nasa bewang nito. "Binobola mo ako. Tsk!"
"Bakit kita bobolahin? E, ang ganda mo naman talaga sa mga mata ko."
"Ewan ko sa iyo." Papasok na sila sa cafeteria. "Sinabi ni Red kagabi crush niya ako. Totoo kaya iyon?" Napaubo ang binata sa hindi malamang dahilan. "Ano ang nangyari sa iyo?"
"W-wala. Sige na, mag order na muna ako. Umupo ka muna riyan."
Inabutan ni Katleya ng pera ang binata. "Bayad ko."
"Hindi na. Treat ko. Basta ang gagawin mo lang kapag kasama ako ay kumain nang kumain."
"Paano kung tumaba ako?" tanong ni Katleya.
"You are still the sexiest and prettiest woman in my eyes," anito. Kinindatan pa niya ito.
Napangiti si Katleya habang paalis ang binata. Nanibago kasi siya sa kinikilos nito. Minuto ang lumipas, bumalik na ito.
Umupo na siya at inabot ang pagkain kay Katleya.
"Eat well, my princess," tugon niya.
"Princess ka riyan." Nanlaki naman siya nang makita ang inorder nitong pagkain. "Mauubos mo 'yan?" gulat pa niyang tanong.
"Oo," anito.
"Sabi mo sa akin, si Red ang matakaw. Ikaw rin pala." Muntikan nang mabilaukan ang binata. Napatawa si Katleya. "Ano'ng nangyari sa iyo, Blue? Ang weird mo. Kanina ko pa napapansin. Parang hindi ka mapakali? May dinaramdaman ka ba?"
"W-wala. Nasabi ko pala iyon na matakaw si Pula?"
"Oo." Inilapit naman ni Katleya ang bunganga sa tainga ng binata. "Sabi mo, matakaw ang kapatid mo, masama ang ugali niya sa iyo, at panghuli." Napatawa ito. "May nunal sa ano si Red."
Nagsilabasan ang pawis ng binata sa kanyang katawan na para bang galing sa ehersisyo. Nang makita ni Katleya ang pawis sa mukha nito ay pinunasan niya ito gamit ang kanyang panyo. Napatitig naman ang binata habang ginagawa iyon ni Katleya. Namumula siya at hindi magkamayaw ang kanyang nararamdaman. Sobrang bilis ng pintig ng puso niya.
Nang pinunasan ni Katleya ang pawis sa bandang mata ng binata, napanga-nga ito sa kanyang nakita. Nanginginig ang kanyang kamay dahil sa nadiskubre.
"Ano ang nangyari sa iyo?" tanong ng binata nang mapansin na nakatulala si Katleya habang nakatitig sa kanya.
"R-red?" sambit ng dalaga.
"Hinahanap mo ang kambal ko? Bit sad."
"Nawala iyong nunal mo."
"N-nawala?!" sigaw nito.
Kinuha ng binata ang phone niya. Nanlaki naman ang mata ni Katleya nang makita na may nakasulat na 'Red' sa likod ng phone case nito. Nanalamin ang binata gamit ang phone niya, napakamot naman ito sa ulo nang makita na nawala iyong ginuhit niyang nunal.
Napabuntong-hininga ito. "Let me explain."
"So si Red ka? S-saan si Blue?"
"Hindi ka galit?" Lumapit ito kay Katleya at hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Please, Kat. Huwag kang magalit." Tumango ang dalaga. "Yes. I love you!" sigaw pa nito.
Napatingin ang lahat ng estudyante sa loob ng cafeteria dahil sa sigaw ni Red.
"I love you?" nakangiting tanong ni Katleya. Nagpipigil din ito sa kilig.
"I mean, thank you. Hays! Ano ba 'yan. Sorry."
"Ay," aniya. May panghihinayang ang tunog ng boses nito. Nasayangan siya sa 'I love you' na narinig niya. "Saan pala si Blue?"
"He's at the clinic with Selena."
"Okay. Pero bakit mo siya ginagaya? Kaya pala parang iba ang nararamdaman ko."
Napayuko ang binata. "Gusto kasi kita makasama."
"Puwede naman tayo magsama e, kahit si Red ka pa."
"Nahihiya kasi ako sa iyo. Tapos alam ko kasing kumportable ka kapag si Blue ang kasama."
"Oo, naman. Pero alam mo, mas kumportable ako sa iyo kasi gusto kita," sagot ni Katleya.
Tumalikod si Red at napakagat-labi dahil sa kilig nang marinig iyon. Napabuntong hininga pa siya at kinalma ang sarili. Inayos pa niya ang kanyang kuwelyo at kurbata habang hindi masara ang bibig dahil sa pagngiti.
"Red? Okay ka lang?" tanong ni Katleya.
Kasalukuyang nagpipigil pa rin sa kilig ito dahil hindi niya alam kung paano kumalma. Ito ay bago sa kanya dahil si Katleya ang kauna-unahang babae na nagustuhan niya sa tanang buhay niya.
Nang kumalma si Red, naglakas-loob na siyang humarap dito. Makikita sa pamumukha niya ang pamumula. Kinikilig kasi ito.
"Sorry kung naging ganito ang reaksyon ko. Kinikilig kasi talaga ako sa iyo. To be honest, from that day we encountered, I could say, I am into you." Susubo na sana ang dalaga para kumain, pero pinigilan ito ni Red at kinuha ang kutsara sa kamay niya. "Ako na ang susubo sa iyo. You are my princess, right? And I am your prince. Ang corny ko."
Napatawa si Katleya dahil sa inasal nito. "Ang cute mo, Red."
"Talaga? Gusto mo maging ganito ako? Gagawin ko para sa iyo. Ibuka mo ang bibig mo, susubuan na kita. Ah." Ibinuka ni Katleya ang kanyang bibig at kinain ang ibinigay ni Red.
"Thank you. Pero kumain ka muna, baka gutomin ka niyan."
"Okay lang?"
Tumango ang dalaga kaya kumain na muna si Red. Hindi naman mapigilan ni Katleya ang sarili na tumawa. Masaya kasi siyang masaksihan na malakas talaga itong kumain. Tama nga si Blue sa sinabi nito tungkol sa kapatid niya.
Nang makita ni Katleya na may dumi sa gilid ang binata, pinunasan niya ito. Pareho silang nakatitig ngayon sa isa't isa habang hindi matikom ang bibig.
Napatigil si Katleya sa kanyang ginawa nang tumunog ang phone niya. Tiningnan niya muna kung sino ito. Pagtingin niya, si Blue. Nagpalitan na pala ang dalawa ng kanilang mga numero kahapon.
Binasa niya ang text nito...
Wala muna ako sa tabi mo ngayon, best friend. Nilalagnat kasi si Selena, hindi ko maiwanan dito sa clinic. Aalagaan ko siya para kung gumaling. Alam mo na. HAHAAHHAHAHAH
- MaliBLUEg
Natawa si Katleya sa contact name ni Blue sa phone niya na ang binata mismo ang naglagay.
Baliw ka talaga. HAHAHA. Pero okay lang ako. Kasama ko naman ang kambal mo.
- Katleya
HHAHAHAHHA ayiehhh. Mukhang marunong ng lumandi ang kambal ko ha? Good for him. Sige na, enjoy your lunch with him. I love you.
- MaliBLUEg
Ang sweet ha? I love you too. Ew!
- Katleya
Huwag ka na mag reply. Magre-reply na naman ako nito. Tsss!
- MaliBLUEg
HAHAHAHAHHAHHA TALAGA?
- Katleya
Ayaw mong tumigil? Send ko ang t*ti ko sa iyo.
- MaliBLUEg
"Yuck!" sigaw ni Katleya na nagpalingon kay Red na busy pa rin sa pagkain.
"Sino ka text mo?" tanong nito.
"Ang abnormal mong kambal," natatawang sabi ni Katleya. Inabot ni Red ang phone niya kay Katleya. "Para saan ito?"
"Save mo rin number mo. Friend na tayo, 'di ba?"
Nakangiti si Katleya habang tina-type ang numero niya sa phone ng binata.
Ibinalik niya na ito. "Done."
"Thank you," may tina-type ang binata sa phone niya. "Basahin mo, Kat."
Tumunog ang phone ni Katleya kaya tiningnan niya ito.
From: +639073121557
I like you, my princess. <3
~~~