Kabanata 5
Pagdating ng kambal sa kanilang kuwarto ay agad itong naghubad ng damit para magbihis. Hinagisan naman ni Red ng kanyang pulang damit ang kambal niya. Napangiti si Blue nang masalo ito dahil mukhang alam na niya ang pinaplano ng kambal niya.
"Akin na ang damit mo," maawtoridad na utos ni Red.
"Seryoso kang lolokohin natin si Lala?" natatawang tanong ni Blue.
"Ayaw mo? Akin na," anito.
"Ito naman ang dali lang magtampo." Inigahis na niya ang asul na damit kay Red. "Paano ang nunal ko?"
"May blade ako riyan. Tatanggalin natin," seryosong sabi ni Red.
"Huwag! Paano kung mamatay ako, ah? Gusto mo talaga ako mamatay noh? Para sa iyo mapunta ang mana. Ikaw ha! Bad ka!" reklamo na parang isang bata.
Napangiti si Red at nilapitan ang kambal niya. Pagkatapos, niyakap niya ito patalikod. "Hindi ka talaga mabiro."
"Ikaw kasi. Minsan na nga lang magsalita, sobrang seryoso pa."
"Grabe siya. Hindi kasi ako katulad mo. Hindi naman sana matalino, pero hindi nauubusan ng kuwento. Joke."
Tinanggal ni Blue ang kamay ni Red mula sa pagyakap sa kanya at hinarap ito. "Aray ko. Mukhang masakit iyon, ah? Hindi matalino mo mukha mo! Tss!"
Tumawa ito. "Tara na. Doon na tayo sa kuwarto ni Mommy. Maghanap tayo sa make-up kit niya na puwedeng pantakip diyan sa nunal mo."
Nagbihis na ang kambal at dumiretso sa kuwarto ng mommy nila. Ginalaw nila ang make-up kit nito at naghanap ng puwedeng pantakip sa nunal ni Blue. Nang makakita si Red, nilagyan niya na ang kambal niya. Napangiti naman siya nang matapos itong gawin. Nakikita niya kasi ang sariling mukha sa kambal niya.
"Parang ikaw na talaga ako," nakangiting sabi ni Red.
Tiningnan ni Blue ang mukha niya sa salamin. Napangiti pa ito at manghang-mangha sa sarili. "Wow. Mukha na akong virgin na malibog." Binatukan ito ng kambal niya. "Aray ko! Totoo naman, e. Malibog ka naman talaga. Akala mo, 'di ko alam na gabi-gabi ka nagsasarili habang nanunood ng mga litrato ni Ivana, ah?"
Tumawa lang si Red dahil totoo iyong sinasabi ng kambal niya. Gabi-gabi kasi siya nahuhuli ng kambal niya na nagsasarili. Nasa isang kama lang kasi ang dalawa kaya kapag nagsasarili si Red ay gumagalaw rin ang kama dahilan para magising ito.
Kumuha si Red ng pentel pen at naglagay ng kunwaring nunal sa kaliwang mata niya kung saan banda nakalagay ang nunal ni Blue.
Nang makita ito ni Blue. "Wow! Para kanang hardfucker, Pula."
"Hardf*cker mo mukha mo!" singhal ni Red. Ginaya niya ang laging ginagawa ni Blue. Kahit ang boses nito ay nakuha niyang gayahin.
Napatayo si Blue dahil sa pagkamangha. "Para kanang ako. Pero..." Nag-iisip pa ito. "Hindi ka nga lang puwede maging ako kung hindi mo sasayawin ang 'Twirk it Like Miley' na ginawa ko sa s*x scandal."
"Kadiri ka! Hindi ko iyon kaya, magkamatayan man," anang Red.
"Tss! Ang K.J nito. Ganito oh, so Twirk it Like Miley." Kunwaring nanghahampas ito ng p*wet na ginawa niya noon sa kasintahan niyang si Teressa.
Tumawa si Red. "Blehhh. Hindi ko gagawin. Tara na?"
"Tss! Hindi ko gagawin mo mukha mo. K.J!"
Nasa mesa na ang dalawa ngayon at kunwaring nagpalit sila ng identity. Gusto lang nilang linlangin ang Lala nila.
Tumingin ang Lala nila sa kunwaring si Red. Ngumiti nang matipid si Blue na katulad nang pagngiti ng kambal niya.
"Ikaw?" sambit ng Lala niya.
"Bakit po?" malumanay na sagot ni Blue. Siya raw kasi si Red.
"Nasaan ang nunal mo? At ikaw Red bakit ka naglagay ng nunal diyan sa gilid ng mata mo? At bakit niyo suot ang damit ng isa't isa?" tanong ng Lala nila na nagpakamot sa kanilang ulo.
"Hindi ka nalito, La?" tanong ni Red na kunwaring si Blue.
Tiningnan ng Lala nila si Blue na kunwaring si Red. "Kailan naging demonyo ang mata ni Red?"
"Grabe ito," pagrereklamo ni Blue. Napakamot pa ito sa kanyang ulo.
Sinunod nang tiningnan ng Lala nila si Red na kunwaring si Blue. "At kailanman, hindi naging tahimik si Blue sa hapagkainan." Tiningnan niyang muli si Blue na kunwaring si Red. "At hindi pinapatong ni Red ang paa niya sa upuan. Ibaba mo 'yan, puputulin ko 'yan!"
Napakamot muli sa ulo si Blue. "Tss! Ikaw kasi Red, banal-banalan. Iyan tuloy, hindi nalito si Lala."
"Kasalan ko bang mabait ako?" sagot ni Red.
"Mabait mo muk—." Hindi niya ito natapos dahil tiningnan siya nang masama ng Lala niya. Nginitian niya ito. "Mabait mo muk—bang tayo. Mukbang!" Napangiti ito. "Daming foods, oh!"
"Witty," bulong ni Red.
"Witty mo mukha mo," bulong niya rin sa kambal niya.
"Kumain na kayo. Ikaw baby Blue, nangangayayat ka na. Damihan mo ang pagkain," bilin ng Lala nila.
Napangiti ito dahil sa narinig. Gusto niya kasi talaga tawaging baby ng Lala niya. Iyon ang gusto niyang marinig araw-araw.
"Baby Red, masarap ba ang sinigang? Pure sampalok talaga nilagay ko riyan."
"La? Ako lang ang baby mo, 'di ba?" pagrereklamo ni Blue.
"Kayong dalawa ang babies ko," giit ng Lala nila.
"Tss! Sige na nga." Tiningnan ni Blue ang kambal niya. "Huwag kang ngumiti. Ang totoo ay napilitan lang si Lala dahil nasa harapan ka. Aray ko po!" Paghawak nito sa ulo niya. Hinampas kasi ito ng sandok ng Lala niya.
"Kumain ka na. Ang ingay mong bata ka."
•••
Nasa kuwarto na ang dalawa at busy sa kanilang phone. Si Red ay nakasandal sa kama habang nag-fi-f*******:. Si Blue naman ay nakahiga habang ginagawang unan ang hita ng kambal niya. Nanunood din ito ng porn habang ang kanang kamay nito ay nasa loob ng kanyang boxers.
"Pinagpiyestahan larawan niyo ni Katleya. Some of the students uploaded your picture with her," bungad ni Red sa katahimikan.
"Ano ang sinabi?" tanong ni Blue habang patuloy pa rin sa panunood.
"New couple raw. Kinilig sila sa inyo."
Napangiti ito. "She's pretty, right?"
"You like her?" tanong ni Red habang pinisil-pisil ang pisngi ng kambal niya.
"She likes you," sagot ni Blue.
Natahimik si Red at tila hindi makapaniwala sa sinabi ng kambal niya.
"Huwag mo akong pinagluluko," anito.
Inihinto ni Blue ang panunood ng porn at tumabi kay Red. Isinandal niya ang ulo sa balikat ng kambal niya. Pero tinulak lang siya nito dahil siya ang sumandal sa balikat ng kambal niya.
"Crush niya ako?" tanong ni Red.
"Oo. Kaya be nice to her. Huwag kang mag suplado sa kanya katulad nang ginawa mo kanina. Attitude ka boy ka masyado. Tss!"
"Fine. I will try my best to be good."
"W-wait. Online si Kat. I-vi-video call ko siya." Tinawagan na ito ni Blue at bumungad sa kanya ang magandang dalaga. "Si Red, oh. Nasa balikat ko."
"Nakita ko. Hi, Red!" pagbati ni Katleya.
"Hi raw," anang Blue sabay galaw sa balikat niya.
"Hi," pahiyang bati ni Red.
"Kat, sinabi ko sa kanya na gusto mo siya," anang Blue. Nanlaki ang mata ni Katleya.
"Totoo, Kat?" nakangiting tanong ni Red. Hindi pa rin nakasagot ang dalaga dahil sa hiya. "Crush din kita."
Napalingon si Blue sa kambal niya dahil sa sinabi nito. " Landi!" Ibinaling niyang muli ang tingin kay Katleya. "Huwag ka na mahiya sa kambal ko, Kat. Support lang ako sa inyo."
"Kat. Sorry pala kanina, ha? Kung nagsuplado ako. Baka disappointed ka sa akin. Pero 'di ba, may kasabihan na kapag mahal mo ang tao. Tanggap mo ang mga flaws niya?"
Napahalakhak si Katleya habang nagpakawala naman nang malalim na hininga si Blue.
"May nakatatawa ba?" kunot-noong tanong ni Red.
"Crush lang naman sinabi ko, e!" pasigaw na sabi ni Blue.
Umayos ito nang upo at tiningnan ang kambal niya. "Doon din naman mapupunta iyon," giit nito. Tiningnan niya ang nahihiyang dalaga. "Kat?"
"Oh." Namumula na ang mukha ni Katleya. Hindi halatang kinikilig siya na kausap niya ngayon ang hinahangaang binata.
"Natapos ko na iyon basahin," anito. Ang tinutukoy niya ay iyong librong binabasa niya noong nakaraang araw.
"Malibog ang kambal ko, Kat. Keep him," natatawang sabi ni Blue.
"Huwag kang maniwala riyan, Kat. Good ako, 'di ba? Makikita mo naman iyon," anang Red.
"Good mo mukha mo. Kat? Sino nga iyong may nunal sa—a-arayyyyyyyy!" sigaw ni Blue.
"G*go! Sinabi mo?" tanong ni Red.
"Oo. Pero hindi ko naman intention iyon, e. Kusang lumabas lang sa bunganga ko. A-arayyyyyyyyy, Pula! Mamatay ako sa ginagawa mo," pagrereklamo ni Blue. Dinaganan kasi ito ng kambal niya at sinakal-sakal.
Tawa nang tawa naman si Katleya kahit hindi niya nakita kung ano talaga ang gingawa ni Red sa kambal niya. Nabitawan kasi ni Blue ang cellphone nito sa kama ngunit nanatili pa rin ang koneksyon ng dalawa kaya malayang naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Pinapahiya mo naman ako, Asul!" singhal ni Red. Naririnig pa rin iyon ni Katleya kaya tawa nang tawa ito sa kanyang kuwarto.
"Sorry. Promise, hindi na ako magsasabi sa kanya ng mga kalokohan mo. Una, pinagjajak*lan mo si Ivana. Pangalawa, may fleshlight ka na pinabili sa akin. Pangatlo, hubo't hubad ka kapag natutulog," anito.
"Hays! Kainis ito!" Binitawan na niya ang kambal niya. "I hate you."
"Sorry na." Niyakap ito ni Blue at hinalik-halikan sa pisngi. "Mwahh. Huwag ka na magalit sa akin."
Tinulak niya ito. "Shut up! Alis! Sa baba ka matutulog ha? Tsk!"
"Baba mo mukha mo. Hoy! Nasaan na ang cellphone ko?" tanong ni Blue.
"Nasaan mo mukha mo!" sigaw ni Red. "Huwag mo akong kausapin!"
Napatawa si Blue kasi kapag nagsasalita ng ganoon ang kambal niya ay parang siya talaga. Kinakapa na niya ang kama para hanapin iyong phone niya. Napangiti naman siya nang makita ito. Pagkuha niya, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mukha ni Katleya.
"Patay, Red! Still connected pa rin pala," anang Blue.
Tumayo sa kama si Red at tiningnan ang cell phone ni Blue. Nang makita niya ang mukha ng dalaga, nanigas ito.
"Kat? Narinig mo?" pag-aalalang tanong nito.
Tumango si Katleya at tumawa. "Oo."
Tumawa nang malakas si Blue.
"Asul!" sigaw ni Red. Dinaganan niyang muli ang kambal niya. Sinakal niya ito gamit ang braso niya. "Bunganga mo kasi. Kainis ka!"
Tawa lang nang tawa si Blue dahil narinig pala ni Katleya iyong mga kapilyuhan na ginagawa ng kambal niya.
•••
Ibinalik na ng Daddy ni Blue ang susi ng kanyang sasakyan at dahil iyon sa tulong ng kanyang Lala na bumisita kahapon sa mansion nila. Papasok na siya ngayon ng school gate sa university nila.
Nang makita niya si Manong guard na nagsumbong kay Red, inirapan niya ito. Napayuko lang ang guard dahil natakot ito sa mukha ni Blue.
Ipinasok na niya ang sasakyan. Inihinto niya ito sa kinatatayuan ng guard. Sobrang nakaaawa tingnan ang guard sa mga oras na ito dahil makikita mo ang panginginig niya dahil sa takot. Mata pa lang ni Blue na sinabi ng Lala niya na parang mata ng isang demonyo. Kaya walang rason para hindi masindak ito.
"S-sir. So-s-sorry," panginginig sa tuhod na paghingi ng paumanhin ng guard.
Inilabas ni Blue ang kanyang mukha sa bintana at sinilip talaga ang mukha ng guard na kasalukuyang nakayuko. Nang magtama ang kanilang mga mata, dinilaan niya ito.
"Blehhh."
Nagpaharurot na ng takbo si Blue at pumunta na sa sariling parking lot. Pagbaba niya sa kanyang sasakyan, bumalik ito sa loob dahil nakalimutan niyang bitbitin ang paborito niyang chocolate drink na chuckie. Nang magsimula na siyang maglakad, nakita niya si Selena.
"Selena!" pagtawag nito. Napalingon ang dalaga.
Binilisan ni Blue ang kanyang lakad para puntahan ito. Pagdating niya, tinapik niya ito.
"Hi," pagbati ni Selena.
"You look pale," anang Blue.
"May sinat," aniya.
Hinawakan ni Blue ang noo nito. "May lagnat ka. Bakit ka pa pumasok?" Kinuha nito ang bitbit na bag ng dalaga. "Ihahatid na kita sa clinic."
"Huwag na. Okay lang ako. Salamat."
"Hindi puwede. Makinig ka sa akin. Kailangan mong magpahinga." Inalalayan niya ang dalaga. Binuksan niya rin ang isang chocolate drink na hawak niya at ibinigay sa dalaga. "Inumin mo 'yan para magkaroon ka ng energy."
"Wala akong gana."
"Tsss!" Ipinilit niya ito. "Kunin mo na. Maiinis na talaga ako sa iyo."
Walang nagawa ang dalaga kaya tinanggap na lang niya ito at ininom. "Salamat dito."
"Welcome."
Palihim na nakangiti si Selena nang masaksihan na may ganito pa lang ugali ang binata. Hindi niya inaasahan na may busilak itong puso. Ang akala niya, pagpapasarap lang sa buhay ang alam nito, pero nagkamali siya roon. At this moment, Selena believes Blue is better than fiction.
~~~