Chapter 11

602 Words
Two days later nang makabalik kami mula sa rest house nito. Maayos naman ang aming naging usapan at nilinaw ko talaga sa kan'ya na hanggang kaibigan na lang muna kaming dalawa. Para, ng sa gayon ay hindi siya umasa pa sa akin. Mahirap naman kasi na mag paasa ng tao tapos hindi ko naman magampanan. Habang naglilinis ako ng bahay nakarinig na lamang ako ng doorbell mula sa labas. Kaya iniwan ko muna ang aking ginagawa at pinuntahan sa labas. Paglabas ko nakita ko na may delivery rider sa labas. Nagtataka ako e, wala naman akong natatandaang may inorder ako. "Good morning ma'am, kayo ho po ba si Mrs. Dahlia Espinosa?" tanong ng delivery rider na may dalang bulaklak. "Opo, ako nga. Sino po kayo at bakit niyo po ako kilala?" balik na tanong ko rito. "Paki pirmahan na lang po ito ma'am. May nagpadeliver kasi nito sa address mo." sagot niya. Kinuha ko ang pape at ballpen na inabot niya sa akin para pirmahan. Wala naman akong ibang naiisip na magpapadala sa akin ng bulaklak. "Heto na po." wika ko pagkatapos kong pirmahan ang papel. "Okay, sige ma'am. Salamat." sagot nito sabay abot ng bulaklak sa akin at nagpasalamat na lang rin ako. Pagka alis ng delivery driver saka naman sumulpot si Yvo sa aking harapan. "Woi! Bulaklak yan ah--" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng sinabi ko na; "Ay! T*t* mo maliit." nasambit sa pagkakagulat. Nakita kung natahimik ito at kumunot ang noo. "Sorry, bakit ka ba kasi nanggugulat dyan." bulyaw ko rito. Pero, hindi talaga nawala ang kunot ng noo nito. "Next time na lang ako dadalaw, mukhang nalilitan ka sa--" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nag walk out na ito. Doon ko lang na realize na napikon yata siya sa lumabas sa bibig ko. Malay ko ba kasalanan naman niya 'yon nanggugulat kasi siya at isa pa bakit pikon siya e, maliit nga ba?? Napaisip tuloy ako kung maliit nga ba?? Hmmm! "Gaga ka! Dahlia, ano ba yang pinag-iisip mo r'yan..Alamin ba kung maliit nga." hiyaw ng isipan ko. Bago pa ako maloka pumasok na ako sa loob ng bahay. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala kaso wala man lang ni isang notes ang nakalagay. Mag-isa lang ako sa bahay at nasa school ang kapatid ko at ang anak ko. Mamaya lang rin pupunta naman akong palengke para magtinda ng aking mga panindang gulay at isda. Hindi na muna ako nagkuha ng karne ng baboy at manok gawa ng mag-isa lamang ako na nag aasikaso at baka hindi ko kayanin kung sabay sabay ang bili ng mga mamimili. Naligo na ako at nag-ayos ng aking sarili. Hindi na ako nag spray ng pabango at mangangamoy isda lang rin naman ako mamaya roon. Kinuha ko at sinukbit ang shoulder bag ko bago umalis ng bahay sinigurado ko ring na-i-lock ko ng maayos ang pintuan bago ako umalis. Nag-aabang na ako ng jeep ng makita ko ang sasakyan ni Yvo natitiyak kong sa kan'ya 'yon, pero bakit tila nilagpasan niya lamang ako. Dati rati naman titigil pa ito at magbaba ng bintana para ayain akong ihatid na. "Tanong tanong ka pa sinabihan mo ba naman na maliit ang t*t* niya malamang nagtampo si pogi sayo." side comment ng isipan ko. Haixt! Kung minsan kasi ang bibig ko ay hindi rin talaga matigil. No choice ako kaya maghintay na lang ng jeepney na papara sa harapan ko. Pero, sa kabilang banda tama rin naman 'yon, mas mabuti na ngang iwasan niya ako ngayon pa lang para hindi na ako magdala ng perwisyo sa buhay niya pagdating ng araw..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD