Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mainis man lang talaga sa kapreskuhan nito. Minsan sweet pero, angat parin talaga sa kan'ya ang pagiging presko.
Pinaghila niya ako ng upuan ng tumigil kami sa isang restaurant. May pagkasweet naman talaga siya hindi lang niya pinapakita talaga.
"Salamat." ani ko.
Naupo na rin siya sa tapat kung saan ako naka upo. May dumating na babaeng staff sabay abot menu book rito.
"Salamat." sagot niya sabay tuon ng tingin sa menu book at namili. Pinag masdan ko ang babae na parang bulate na inasinan sa galaw nito. Tila nagpapacute siya kay Yvo, bagay naman na hindi nito pinapansin.
"May napili ka na?" tanong niya sa akin.
"Ha! E, wala pa. Wala naman akong menu book." sagot ko. Napatingin siya sa akin at sa staff. "Miss yong menu book ng kasama ko hawak mo pa." wika nito.
Nataranta naman ang babae. "Ah! Sorry sir.." wika nito. At mas lalong nilambingan pa ang boses. Natawa na lang ako ng iabot sa akin ni Yvo ang menu book.
"Here. Mamili ka na para maka uwi na tayo." utos niya. Inabot ko naman at lalo pa akong natawa sa babaeng staff. Natatawa kasi ako na hindi man lang siya pinapansin ni Yvo e, kanina pa siya nagpapacute rito.
"Uhmm! Anong nakakatawa, huh!" tanong nito.
"Wala lang." sagot ko.
Nag focus na ako sa pagbabasa at pamimili ng kakainin ko baka mainis na naman ito sa akin. Nang makapamili na ako tinawag ko ang babae hindi na siya mukhang tangang nagpapacute kay Yvo ngayon.
"Miss ito ang order ko." sagot ko sabay ngiti. Inabot naman niya at binalingan na si Yvo.
"Ikaw sir napili mo na ba ako ay este ang order niyo po." ngiting wika ng babae kaso hindi naman ito pinansin ni Yvo. Basta na lang inabot ang menu book rito.
Nang maka alis ang babae tinanong niya ulit ako kung bakit ako natawa.
"Ano ba kasing tinatawa tawa mo kanina pa?"
"Wala si ateng maganda. Hindi mo kasi pinapansin ang pagpapacute niya." sagot ko.
"Ayon ba, I saw her kanina pa." tipid na sagot nito.
"Oh! Nakita mo pala e, bakit hindi mo man lang pinapansin. Kita mong todo effort sayo." sagot ko sabay tingin sa malayo.
"Bakit ko gagawin 'yon, kasama kita kabastusan naman kong tumingin pa ako sa iba kung nandyan ka naman." sagot nito. Parang wala lang sa kan'ya pero, sa akin iba ang impact nito. Medyo kinilig ako ng kaunti. Kainis talaga siya masyadp siyang pa fall.
Nang dumating ang pagkain namin hindi na kami masyadong nag-usap nito. Gutom na rin kasi ako kaya natahimik na akong kumain. Wala rin naman siyang sinasabi kaya hindi na rin ako nagsalita.
Maya maya lang nagulat ako ng iabot niya sa akin ang bulaklak na binili niya kanina.
"For you, Dahlia." nakangiting wika nito.
Nagulat ako kaya imbes na thank you ang masabi ko. Napa bakit ako na kinalukot ng noo nito.
"Anong bakit sabi ko diba I like you kaya balak kong ligawan ka. Ayaw mo ba?" tanong nito na tumaas na naman ang kan'yang boses.
"Hmmm! E, bakit galit ka dyan. Sinabi ko bang ligawan mo ako dyan." inis na sagot ko rito.
"Hindi ako galit nagsasabi lang ako sayo e, bakit parang ayaw mo sa akin." sagot nito at bumaba na ang tono ng boses niya na kanina ay mataas.
"Hindi naman pala e, sorry! Tatapatin na kita Yvo, hindi pa ako handang pumasok sa relasyon." prangkang sagot ko mas mabuti na rin ito para hindi na umasa pa.
"Maghihintay ako, hindi naman kita minamadali. Hindi rin ako mag-e-expect na sasagutin mo ako. Pero, hayaan mo lang ako na ligawan ka.Promise! Wala akong gagawing hindi maganda." sagot nito.
"Baliw ka ba! Naririnig mo ba ang sinasabi ko sayo. Ang sabi ko wala kang aasahan sa akin."
"Oo narinig ko at hindi ako bingi gusto ko lang talagang alagaan ka, Dahlia. Hindi ako nanghihingi ng anumang kapalit. Basta aalagaan kita ayon lang."sagot niya at hindi na ulit umimik pa.
"Okay.." tipid na sagot ko naman.
Natahimik na kaming parehas at wala nang nagsalita pa. Nang matapos kaming kumain bumalik na kami ng kotse at pupunta na kami ng rest house nito. "Pasok ka na!" wika niya at sa wakas nagsalita rin ito. Kanina pa kasi siya tahimik kaya medyo kinabahan rin ako. Mabuti naman na nagsalita na siya atlis hindi na rin ako mahihirapang pakisamahan siya sa buong byahe. Ayoko naman na magkasama kami at masama ang loob nito sa akin.
Bente minutos ang tantya ko ng sabihin niya na; "Nandito na tayo." aniya.
"Okay!" sagot ko at hindi ko na siya hinintay na alalayan pa niya ako, ako na ang nagkusang magbukas. Namangha ako sa akita ng dalawang mata ko. Kitang kita ko ang ganda ng two storey house nito. Mukha siyang gawa sa mga sikat na mwebles sa ibang bansa.
"Tara sa loob." yakag niya at tumango lang ako sabay sabi na; "Okay."
Magkasabay na kaming naglakad papasok ng loob ng rest house nito. Sinalubong naman kami ng caretaker niya at nagmano dito si Yvo. Nakita ko kung gaano kabait nito sa mga tauhan niya kaya para akong naguilty sa mga sinabi ko. Pero, lamang parin ang iniisip ko na baka mapahamak lang ito at masira ang reputasyon kung madidikit ang pangalan niya sa akin.