Chapter 12

1054 Words
YVO POV Hmmm! Ang ganda kanina ng gising ko nag order pa ako ng mga bulaklak para ipadeliver kay Dahlia kasi nahihiya ako na kapag ako ang nag abot baka tanggihan niya. Kaso lang nakakabadtrip talaga ng sabihin niyang maliit ang t*t* ko. Bakit nakita ba niya o nahawakan man lang. Nakakahiya mamaya may tao kanina sa labas at narinig ang sinabi niya. Kaya kanina nakita ko siya sa daan at gusto ko sana siyang isabay at alam ko naman kung saan siya tutungo sa palengke. Pero, tinikis ko siya at naiinis pa rin ako sa kan'ya hanggang ngayon. Habang nasa headquarters ako wala ako sa mood makipag usap sa mga kapwa ko pulis. Kanina pa nga sila nagkakasiyahan sa meeting ni Sgt. McCoy hindi ko alam kung ano bang pinag uusapan nila at hindi na ako nakisali pa. Nakatayo ako rito at nagpapahangin ng makita ako ni Filan. Si Filan ang kababata ko at mas nakakilala sa akin. Sabay kaming nangarap na maging pulis at alam niya rin ang sekreto ko na hindi ko pinagsasabi sa madla. Ayoko kasing inuungkat ang sekreto ko. "Oh! Bro, bakit mag-isa ka yata rito? Hindi ka man lang nakisali sa usapin namin kanina?" nagtatakang tanong nito sa akin. "Ah! Wala lang. Wala kasi ako sa mood ngayon." sagot ko. Sinalat niya ang aking noo na ikinakunot ng noo ko. "Ano ba yang ginagawa mo, Filan para kang tanga dyan." iritableng sagot ko. "Wala ka namang sakit bakit para kang matamlay." nagtatakang tanong nito sa akin. "Wala nga akong sakit bad mood lang talaga ako." sagot ko at ayoko ng magsalita baka tawanan pa ako nito kapag nalaman ang mitsa ng inis ko. "Bakit ka naman bad mood Yvo? Is this is about your abuela? Pinipili ka pa rin ba nilang magquit ka na sa serbisyo?" tanong niya sa akin. At sa lahat kasi si Filan ang may alam ng history ng buhay ko. "Nope! She supportive me bro. Ang abuelo ko ang may ayaw na magpulis ako. You know what the reason is." "Ano nga ba??" naka kunot ang noo ni Filan na humarap sa akin. Kanina kasi medyo malayo siya sa kinatatayuan ko. "Business is business. Hindi ko naman gustong magpatakbo ng kumpanya na pinamana nila sa magulang ko. Kung buhay pa sana si Dad baka hindi niya ako kinukulit ngayon." sagot ko sabay buntong hininga ng malalim. "Bakit nga ba ayaw mo na lang magtrabaho sa kumpanya niyo Yvo, mas safe nga roon. Nakaupo ka lang tapos papirma pirma ng documents. "No! It's not like that, Filan. At alam mo naman bata pa lang tayo gusto ko na talagang maging pulis at magsilbi sa ating bayan, bagay na hindi naman nila maintindihan." "Alam ko naman 'yon, ang sa akin lang bro, bakit hindi mo subukan muna." sagot ni Filan. "Pag sinubukan ko mawawala na ako sa serbisyo at hindi na ako magiging active pa." sagot ko. Ayoko talaga na mag resign bilang pulis. Nakapangako na ako sa sarili ko at tutuparin ko 'yon. Mahirap man ang trabaho namin dito at kahit buhay ko pa ay manganib. "Ikaw ang bahala bro. Sige papasok na ako sa loob baka hinahanap na ako ni Sgt. McCoy." pagpapaalam nito at binagsakan muna siya ng tatlong mahinang sapok sa kanyang braso bago ito pumasok sa loob. Naiwan naman akong nag-iisip. Tama nga ba si Filan? At bago pa ako makapag desisyon biglang nagring ang cellphone ko at agad kong sinagot ito. "Hello!" bungad na tanong ko. Hindi ko na kasi nakita ang pangalan ng natawag baka kasi emergency ito. Narinig ko ang boses ng aking abuela na na tila umiiyak. "La, what happened?" tanong ko. Ngunit hindi naman ito nagsasalita kaya naman inulit ko at sa pagkakataong iyon boses na ng Mommy Zandra ko ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Son, you're abuelo-- Huhuhu!" hikbi ni Mommy at hindi matuloy tuloy ang gusto pang sabihin sa akin. "Mommy, what happened to abuelo? Tell me," ulit na tanong ko. At bigla kong nabitawan ang cellphone na hawak ko ng marinig ko ang sinabi ng aking Mommy. "He's die." paulit ulit ba umuukil sa utak ko ang narinig kong masamang balita. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o hindi. Tila nagulat rin ako sa masamang balita na nalaman ko. Hindi ko na nga pinansin ang cellphone ko na bumagsak sa lapag at nagmamadali na lang pinulot sabay suksok sa aking bulsa pagkatapos umalis na ako. Hindi na ako nakapag paalam ng maayos kay Sgt. At kailangan kong umuwi ng Mansyon para malaman ko ang totoong nangyari. Mabilis kong pinasibat ang aking kulay itim na sasakyan na monterro sport palayo ng headquarters. Hindi ako gumagamit ng sobrang mamahalin na sasakyan at ayokong mabulgar ang aking tunay na pagkatao. Hindi ko gustong makilala ako kasi isa akong Ynarez na susunod sa yapak ng angkan namin. Gusto kong makilala ako ng lahat na isang magiting na pulis na kayang magsilbi ng tapat sa bayan. Ayon ang pangarap ko bagay na hindi kaya suportahan ng abuelo ko.. Pero, ngayong wala na siya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng sandaling 'yon. Pagkarating ko ng Mansyon kung saan kami nakatira talaga. Ang apartment na tinutuluyan ko ay kinuha ko sa developer at binayaran ng buo. May tatlong palapag ito ang dalawa at tatlong palapag at pinaparentahan ko para may iba pa akong income.. Ayoko kasing umaasa lang sa pera ng pamilya ko gusto kong may sarili akong pera galing sa dugo't at pawis ko. Papasok pa lang ako sa loob ng Mansyon ng makasalubong ko ang anak ni Yaya Mildred na si Faith. Sampung taon yata ang agwat ko rito. Isa ito sa dahilan kung bakit ayokong nag i-stay sa Mansyon at dahil mapangahas ang dalagita. Hindi na nga lang ako nag ingay pa ng pasukin niya ako sa kwarto ko noon bago ako lumipat sa apartment. "Sir Yvo, kayo po pala. Mabuti naman nakauwi po kayo." nakayukong wika niya at tila nahihiya. "Oo, nasaan sila Mommy at Abuela?" tanong ko rito. "Umalis po, sir! Pagkatapos nilang makitang walang malay si Don. Condrad na naliligo sa sariling dugo sa comfort room sa kwarto nito." sagot niya sa akin. "Salamat, Faith.." sagot ko at iniwan ko na siya. Susunod na lang ako sa ospital at alam ko naman kung saan nila dinala ang abuelo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD