Chapter 16

754 Words
Nasa opisina ako ngayon at heto bored na bored. Gusto ko nang mayakap ulit ang babe ko. Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko tapos naalibadbaran rin ako sa secretary ko kung makatingin para akong kakainin ng buhay. Tss. Kababaeng tao e, nagpapakita ng ibang motibo, pasalamat siya hindi ako manyak na tao. Haixt!! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagtatrabaho. Hanggang sa malapit na akong matapos ng biglang pumasok sa isipan ko ang isang ideya. Nagmamadali akong umalis ng kumpanya at hindi na ako nagsabi pa sa secretary ko. Wala naman siyang pakialam, ako ang boss niya. Agad kong pinasibat ang sasakyan papalayo ng kumpanya. Habang nagmamaneho. Napatingin ako sa suot kong wristwatch. Pasado alas kwatro na pala ng hapon at mag a-alasingko na. Iniisip ko kung dadaanan ko ba siya sa palengke o sa bahay na lang niya ako didiretso. Hanggang sa napagdesiyunan ko na lang na sa bahay niya na ako pupunta. Baka kasi kung sa palengke pa ay hindi ko na rin ito maabutan pa. Medyo malapit na ako sa daanan patungo sa apartment ng madaanan ko ang flower shop kaya pasamantalang tumigil na muna ako. Bumaba para magpa arrange ng bulaklak. Nang matapos ako rito bumalik na rin kaagad ako sa sasakyan at pinasibat papalayo roon. Pagkarating ko ng apartment. Pumasok muna ako sa loob sandali bago ako lumabas at nagtungo sa bahay niya. Nag doorbell ako at lumabas ang nakababatang kapatid nito. "Hello!" bungad na bati ko. "Hello! Pasok po muna kayo at umalis lang sandali ang ate." yakag ni Daffodil sa kan'ya. Binuksan na rin nito ang gate para makapasok na siya. "Salamat." "Maupo muna kayo at kukuha lang ako ng inumin." wika nito. At iniwan na siya sa loob ng sala. Iginaya niya ang kan'yang mga mata sa loob. Maayos naman ang bahay nito at malinis. Nang lumabas ang kan'yang anak. Kumunot ang noo nito sabay lapit sa akin. "Sino po kayo? Boyfriend po ba kayo ng Tita Daf ko?" tanong ng bata. "Ah! Ha! Hindi, Zion. Kaibigan siya ng Mama mo. Siya si--" paliwanag sa bata at natigilan ng hindi pala niya alam ang pangalan niya. Kaya naman siya na ang kusang nagpakilala sa sarili niya sa bata. "Hi, little boy. I'm your Uncle Yvo. How are you today?" tanong niya sa bata. "Looking good sir," magalang na sagot naman nito. Maya maya lang dumating na si Dahlia at naririnig na nilang lahat ang boses nito. "Daf, paki tulungan nga ako rito." tawag niya sa ka'yang nakababantang kapatid. Tumayo na ako ng marinig ko ang boses niya. "Yvo?" gulat na wika niya. Hindi niya siguro inaasahan na darating ako. "Yes, babe!" sagot ko sabay nakaw na halik sa labi nito. Pinandilata naman niya ako ng mga mata niya. "Sorry, babe! Nakalimot lang hehehe." sagot naman niya. "Anong ginagawa mo pala dito. Hindi ba may trabaho ka?" balik na tanong niya sa akin. Pero, bago ko pa siya sagutin kinuha ko na ang mga pinamili niya. Alam ko naman mabigat ito. Pinauna ko na siyang pumasok at sumunod naman ako. Sinundan ko kung saan siya tutungo. "Dito muna lang ilagay, aayusin ko na lang mamaya yan. Salamat." wika niya. Nilapag ko na ang bitbit ko at yumakap ng patalikod rito. Inamoy amoy ko ang batok niya sabay bulong. "Hmmm! Ang bango talaga ng babe ko." "Magtigil ka nga baka may makakita sa atin. Teka, halika na sa sala." yakag niya sa akin. "Okay." sagot ko. Nauna na itong naglakad at sumunod na rin ako. Naupo siya sa upuan at tumabi naman ako. "Bakit ka nga nandito?" usisa niya pakiramdam ko para akong bata na sinesermunan niya. "Tapos na ang trabaho ko. At bakit masamang bang mamiss ko ang babe ko." lambing ko sa kan'ya kaso mukhang 'di effective. "Talaga lang ha. Ano ngang pinunta mo rito ng ganito kaaga?" usisa niya at gusto talaga niya akong mapaamin. "Fine! I went here to hired you my personal assistant." "Ano? Naririnig mo ba yang sinasabi mo. Ano namang alam ko dyan. Ni hindi nga ako nakatapos man lang ng high school. Ayoko at okay naman ang kita sa palengke." sagot niya. "Pero, babe!" pilit ko rito. "Hindi talaga pwede babe. Sorry!" sagot nito. At hindi ko na siya pinilit pa at ayoko naman na magtalo pa kami. "Sige, aalis na ako babe." sagot ko, sabay tayo at 'di na rin ako nagpaalam pa rito. Ayoko naman na humaba pa ang usapin namin at mauwi lang sa pagtatalo. Sumakay na ako ng sasakyan at pinasibat ito kaagad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD