Chapter 17

1130 Words
Hindi muna ako umuwi ng bahay at binulabog ko ang kaisa-isang bestfriend ko na si Lucas. Habang nagda drive ako tinawagan ko na siya at sumagot naman ito. "Yes! Dre, may problema ka no. Babae??" bungad na tanong nito sa akin. "Hmm! Wala, nasaan ka ba?" tanong ko. "Nasa office malamang pero, mamaya uuwi na rin ako." sagot nito. "I see. Pwede ka bang mag hang-out mamaya?" tanong ko. "Pwede naman dre, saan ba?" "Sa house of corveen." sagot ko. "Okay, see you dre.." Matapos ang usapan namin nagdrive na ako ulit. Matiwasay naman akong nakarating. Hihintayin ko na lang dito si Lucas. Nag order na rin ako ng alak na iinumin namin para ready na pagdating nito. Twenty minutes later. Lucas just arrived and we talked seriously. "Seriously, dre. A single widow Mom? Wala na bang iba. Hindi sa ayaw ko sa kan'ya pero, bro binata ka. Pag-isipan mong mabuti." wika nito. Nilagok ko muna ang alak bago ko siya sinagot. "And why not. She deserved to be loved, dre. She's a different woman. May katangian akong nakita sa kan'ya. At mahal ko na siya agad." sagot ko. Alam kong tatawanan niya ako sa sinabi ko. Pero, ayos lang dahil ayon naman ang totoo. Mahal ko si Dahlia ng totoo, akala ko nga noong una talagang infatuation lang ang lahat. Na nalilibugan lang ako sa kan'ya pero, habang tumatagal at nakikilala ko siya marami akong nadiscover. "Mahal! That's bullshit, Yvo Ynarez. Nagpapatawa ka ba, in love in a short period of time. I don't believe you." natatawang sagot nito. "And why not?? Mabait siya at nakita ko kung gaano siya kabuting tao at isa 'yon sa mga katangiang nagustuhan ko rito." sagot ko at lagok ulit ng alak. "Dre, saan mo ba nakilala yan. At ganon ka kahumaling sa taong sinasabi mo. Hindi sa nakikialam ako ha. Ang bilis naman kaaga. Naka move-on ka na ba kay, Amanda?" tanong niya at bigla pang siningit ang babaeng 'yon. "Hwag mo nga mabanggit banggit sa akin ang pangalan ng cheater na babaeng 'yon. Sa bar ko siya nakilala dre, biktima siya ng casa na niraid namin." sagot ko. "What the f**k, dre. Casa? Are you out of your mind. Do you think would your family accept her? Look, prominenteng angkan ka kabilang. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo kung malaman nila yan. Mag-isip ka nga, Yvo!" sermon nito sa akin. Pero, wala naman akong pakialam kong ayaw nila kay Dahlia. "I don't care dre, hindi naman sila ang makikisama sa girlfriend ko. At kung hindi nilang tanggapin wala naman na akong magagawa roon. Basta mahal ko siya bro at walang makakapigil noon sa akin. Alam mo naman hindi ba kapag nagmahal ako, mahal ko talaga. At ipaglalaban ko hanggang dulo." mariing sagot ko. At hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko. "Anyway, bahala ka dre, hindi na ako makikialam sayo. Malaki ka na at alam mo na yan. Ayon lang naman ang nakikita kong magiging problema niyo kung saka sakali. Pero, kung sa kan'ya ka sasaya e, sino ba naman ako para pigilan ang kaligayan mo." sagot niya. "Thank you, dre.." sagot ko naman. Nag order pa ako ng alak nang makitang kaunti na lang pala ang iniinom namin. Marami pa kaming napag usapang dalawa at maging siya ay may problema rin. Buntis kasi ngayon si Helena at siya ang daddy ng bata. Kaso hindi pa siya handa at lalong hindi pwede sapagkat ipinagkasundo na siya ng pamilya niya sa babaeng napupusuan nito para sa kan'ya. Ayaw ng pamilya niya ng kahihiyan. Hindi kasi lumaking mayaman ang girlfriend nito. "Alam mo dre, naiintindihan kita. Ayoko lang na magaya ka sa akin. Hindi ko man lang maipaglaban ang taong mahal ko. Pero, kung hindi ko gagawin mapuputol ang generation sa pamilya namin." malungkot na sagot niya. Alam naman niya na hindi dapat pero, kailangan. "Hindi pa naman huli ang lahat dre, enggagenent pa lang naman yan. If I were you ipaglaban mo ang mag-ina mo. Ano kung maputol hindi naman na uso yan ngayon. Ang sa akin lang rin ay maging masaya ka at alam kong si Helena ang makakapagpasaya sayo." pangungumbinsi ko rito. "Dre, how I wish may magawa nga ako.", "Magagawa mo yan dre, at ngayon pa lang kumilos ka na. Wala naman na silang magagawa kung kasal ka na. Hindi naman nila mapapa annul basta basta ang kasal mo gayong nasa legal age ka naman." dagdag ko pa. Napakagaling ko talaga mag advise sa iba pero, sa sarili ko wala akong ma advise. "Do you think it will work, dre? Hindi ba magiging problema ang gagawin ko?" "Malaking eskandalo at problema ito dre, ngunit lilipas rin naman yan at matatabunan ng bago. Pero, kayong dalawa ng taong mahal ay liligaya." "Okay dre, thank you. I will fight them." sagot ni Lucas at ngayon pa lang. Masaya na ako para sa bestfriend ko. Tinapos na namin ang pag-iinom at medyo late na rin. Ayoko ng mag drive ng masyadong gabi. "Thank you sa pagsama dre, sa susunod na lang ulit." paalam ko pagkatapos kung lagukin ang huling shot glass na hawak ko. Pasipol sipol pa ako palabas ng Corveen. Sumakay ako sa sasakyang dala ko at nagmaneho kahit nakainom na rin ako. Medyo okay naman ang pagmamaneho ko. Nagpatugtog pa nga ako ng mga pang pagising na kanta para lang hindi ako antukin sa byahe. Habang nakikinig ako ng music at sinasabayan ito sa pagkanta. Natawa ako ng marinig ang kantang torpedo na pinasikat ng mang-aawit. Hindi naman talaga ako torpe sadyang mahiyain lamang talaga ako at hindi masyadong palakaibigan noon. Nasanay kasi ako na mas unti mas masaya. Nakaka kalahati na ako ng lyrics ng kanta saka pa may biglang humarurot sa harapan ko at nag take over. "Gago 'yon ah. Hindi man lang nag dahan dahan at gusto pang maka abala. Binilisan ko rin ang pagmamaneho at hindi ko namalayan na may sasakyan na paparating at bigla na lang itong bumanga sa akin. Unti unting nawala ang malay ko bago ako dalhin sa ospital. At wala na akong maalala ni isa man lang sa nangyari. Habang masaya naman si Dahlia na nanunuod ng television. At isang flash repot ang lumabas. (Good evening! I know it's late now. Gusto ko lang ipaalam sainyo na isang aksidente ang nangyari sa kahabaan ng Monumento. Ang kinilalang biktima at kritikal ang kundisyon ay dinala sa malapit na pagamutan.) Hindi naman niya maintindihan ang sinasabi nito. Basta ang alam niya lang may banggang at salpukan. I-o-off na sana niya ang television ng marinig ang pangalan nito. (Ang biktima at kritikal ang kundisyon ay si Mr. Yvo Ynarez, ayon sa nakitang mga ID's nito nang pagkaka kilanlan ng biktima.) Natigil si Dhalia ng marinig na tinawag ang pangalan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD