Nagmamadaling bumalik ako sa bahay ng maalalang hindi ko nga pala naisarado ang pintuan at gate.
"Mauuna na ako, mag-iingat ka sa pag-uwi." wika ko.
Ngumiti lang ito sa akin sabay kindat. Loko loko talaga kahit na kailan. Paano ko ba tatanggihan ang lalaking ito. Na nagpapasaya at nagpapatawa sa akin. Simula ng namatay ang asawa ko ngayon na lang yata ako naging masaya.
"Hatid na kita, babe." aniya.
Kumunot ang noo ko sa tinuran niya. "Babe, ka dyan. Magtigil ka nga dyan, Yvo." saway ko rito.
"Bakit hindi ba kinain ko na yang p--" agad kong tinakpan ang bibig niya. Hindi ko akalain na ganyan siya magsalita.
"Sssshhhh! Hindi lang ako sanay na may natawag sa akin ng ganyan." sagot ko. Pero, hindi nangangahulugan na hindi kita gusto. Sa katunayan nga niyan ay namiss kita at aaminin ko 'yon." dagdag ko pa.
Nakita kong ngumiti siya at lumabas ang mapuputi at pantay niyang mga ngipin.
"Talaga ba, namiss mo ako???" di makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Oo naman, kaya sana hwag ka na ulit mawawalay pa sa akin." ani ko.
Niyakap niya ako sabay sabi na; "Hinding hindi na." sagot nito bago ako bitawan at uuwi na talaga ako baka may nakapasok na sa bahay namin. Kagagahan ko kasi inuna ko pa ang landi ko.
Sinamahan niya ako sa bahay at nagtaka ako na sarado na ang gate. Wala pa naman akong susi na dala. Saan kaya ako magpapalipas ng gabi nito..
"Bakit, babe? May problema ba?" tanong niya sa akin.
"Oo, malaki! Mukhang nilock na ako ng kapatid ko. At sa labas na ako matutulog nito." sagot ko.
"Hmmm! Bakit sa labas doon ka muna sa apartment ko." yakag nito at wala na nga akong nagawa kundi bumalik sa apartment nito.
Pagpasok namin sa loob ginaya niya na ako sa kwarto at sa labas na daw siya matutulog.
"Bakit sa labas ang laki naman ng kama. Dumito ka na lang." yakag ko rito.
"Kasi baka naiilang ka sa akin. Pwede naman ako sa labas. Ayos lang naman sa akin." sagot niya pero, pinilit ko siya.
"Hindi na malaki naman 'to. Sino ba naman nagsabing naiilang ako sayo?" tanong ko rito.
"Wala lang naisip ko lang kasi naman. Ano kasi--" ani niya.
"Kasi ano?" tanong ko sa kan'ya.
"Wa lang, tara na nga at matulog." yakag niya sabay hila sa akin patungong kama.
Magkatabi na kami at nakayakap siya sa akin. Akala ko nga hindi na ulit kami magkikita pa at pasalamat na lang ako na bumalik siya.
Habang nahihimbing na itong natutulog na tahimik ako pinagmasdan ko ang gwapo nitong mukha. Iba talaga ang mukha nito at halatang may lahi. Hanggang sa pumikit na rin ang mata ko at ginupo ng antok.
Kinabukasan maaga akong nagising para ipagluto ito bago ko man siya iwanan ay napag handaan ko man lang siya ng makakain niya. Alam ko naman na uuwi na rin ito mamaya.
Medyo okay naman ang tulog ko at wala akong problema na iniisip. Bumangon na ako at nagtungo sa kusina. Ipinuyod ko lang ang mahaba kong buhok at nagsimula na akong magluto. Nakialam na ako sa kusina niya. Wala nga lang akong makita na healthy na mailuluto kaya naman naisipan ko na lang na gawan ito ng omellete at sinangag. Sinimulan ko na ring magluto para makatapos agad ako. Nang okay na lahat dinala ko na ito sa table at tinakpan. Naghanap lang ako ng papel at ballpen para mag-iwan ng notes rito.
Nang makakita ako ng kailangan ko agad ko itong sinulatan. Sinulat ko lang ito ng mabilisan at inipit sa ilalim ng plato. Bago ako umalis sinilip ko ito at nahihimbing pa rin naman siyang natutulog kaya hindi ko na siya talaga inistorbo pa.
Sinara ko lang ng maayos ang pintuan at gate nito at naglakad na ako pabalik ng bahay. Mabuti na lang medyo madilim pa kaya walang nakakita sa akin. At tiyak kong tsimis ang aabutin ko kung nagkataong may nakakita sa akin ngayon. Marami pa namang tsismosa sa lugar namin.
Pag pasok ko ng bahay nag dahan dahan pa ako sa pagbukas ng pintuan, dahil open na ang gate, wala na itong lock.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay. Mukha ni Daffodil ang nanunuya. Marahil alam niya kung saan ako nang galing.
"Ate, mukhang minadaling araw na kayo." biro pa nito at hindi naman ako nagdeny pa rito.
"Ssshh! Bakit mo kc nilock ang gate hindi tuloy ako nakapasok." tanong ko rito na may kasamang paninisi.
"E, bakit di ko ilalock iniwan mong nakatiwangwang lang. Mabuti na nga lang sumilip ako kundi baka nilimas na lahat ng gamit natin rito." balik na sagot niya at sa pagkakataong 'yon natameme ako. Tama naman siya sa sinabi niya sa kalandian ko mananakawan pa kami.
"Sorry naman na carried away lang talaga ako." sagot ko.
"Okay lang e, mukhang sulit naman ang layas mo. Mabuti nga 'yon nakikita na kitang masaya ulit. Hindi kagaya noon parang palaging pasan mo ang buong mundo. Ang sa akin lang ate, kung gusto mo siya ilaban mo. Habang may oras ka pa at hindi pa huli ang lahat. Ikaw rin baka magsisi ka sa huli." panenermon nito sa akin.
"Hmmm! Gustuhin ko man hindi ba nakaka asiwa. Mayaman siya mahirap lang tayo. Edukado siya samantalang ako ni hindi nga nakatapos kahit Highschool man lang." nalukungkot na sagot ko. Para kasing ang layo talaga ng agwat namin sa bawat isa.
"E, ano. Hindi naman issue ang ganon ate. Basta mahal niyo ang bawat isa at masaya kayo, go for it. I will support you always, ate Dahlia. Kaya kung masaya ka sa kan'ya mas masaya ako ng sobra." sagot niya.
Hindi ko naman maiwasang manubig ang aking mga mata sa sinabi nito. Ang hirap din kasi nang sitwasyon ko talaga. At nangliliit ako sa sarili ko. Feeling ko magiging katawa tawa lang ako sa maraming tawa kung makikita na magkasama kaming dalawa.
"Hindi ko alam kung bakit ba kasi mayaman siya at hindi na lang pulis. Kung noon nga natatakot ako ngayon pa kaya. Sobrang hindi kami magkalevel sa lahat ng bagay." sagot ko.
Lumapit siya sa akin sabay bulong na. "Ate, Dahlia wala ng mayaman sa taong mapagmahal. Ikaw, puro ka taboy iiyak ka naman kapag lumayo." dagdag na pang-aasar pa nito sa kan'ya.
"Sige na magpapahinga muna ako. Medyo puyat rin ako." paalam ko rito. Hwag mo na akong gisingin pa at maglunch na lang kayo ni Zion paggising nito." bilin ko bago ako tumayo at naglakad patungo sa kwarto at sumalampak sa kama. Ilang minuto akong dilat ang mata at nilalamon ng pangamba at pagkatakot.
Hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kaya naman naupo muna siya sandali.. At huminga ng malalim..
Habang si Yvo naman ay nakangiti habang inaalala ang bawat sandali na magkasama silang dalawa. Kinapa kapa niya ito ngunit kumunot ang noo niya na wala siyang makapa na katabi. Nag-iisip siya kung panaginip lang ba ang lahat o talagang nandito siya kagabi. Bumangon na siya at nagtungo sa sink para mag refresh. May ilang skincare rin kasi siyang ginagamit para mamaintain niya ang kutis niya. Hindi siya kaputian at sakto lamang. Nang matapos siyang mag hilamos ng mukha at mag-apply ng kung ano-ano pa kumuha na siya ng malinis na towel at pinunas sa kan'yang mukha.
Paglatapos lumabas na rin siya at nagtungo sa kitchen ngunit bago pa siya makarating roon nakita na niya ang pagkain sa lamesa. Wala naman siyang natatandaan na nagluto siya kahapon. Binuksan niya ang cover at nakita niya ang sinangag sa plato at isang omellete rin. At maging ang note nito sabay basa niya rito; (Good Morning, babe! Na ready ko na ang breakfast mo kumain ka na lang dyan ha. Babalik na ako sa bahay at baka hinahanap ba rin ako ng kapatid ko. Mag-iingat ka palagi.) pagtatapos niya sa pababasa sa iniwan nitong notes para sa kan'ya. Napangiti rin siya sa nabasa lalo na't sa nilagay nito na babe.