Two days later nang bumalik ako ng ospital para dalawin si Yvo, katatapos ko lang magtinda sa palengke at dumiretso ako ng ospital. Hindi na ako nagtanong pa sa information section at naglakad na ako patungo sa room nito. Pero, ang ipinagtataka ko ay kung bakit wala na ito sa room niya. Ano bang nangyayari? Mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. At nang nakita ko ang isang nurse na nagbabantay kay Yvo noon.
"Nurse, pwede pong magtanong?"
"Yes, ano po 'yon?"
"Nasaan po ang pasyente sa room 206?" tanong ko rito. Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Sorry, ma'am. Hindi niyo po ba alam? Ikinalulungkot kong ipaalam sainyo na patay na po ang pasyente dyan." sagot ng nurse.
"Ho? P-Patay?? Kailan pa??" tanong ko at pinipigilan ang luhang malapit ng bumagsak. Hindi ako makapaniwalang patay na ito.
"Yes, ma'am! Pagkagabi lang rin po namaalam ito." seryosong sagot ng nurse sa akin. At kita naman sa mukha nito na nagsasabi siya ng totoo.
"S-Salamat." sagot ko habang gumagaralgal ang aking boses. Habang naglalakad ako. Hindi ko namalayan na pumatak na ang mga luha sa aking mga mata. Sobrang hindi ko akalain na sa isang iglap wala na ito. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Panghihinayang na sana niyakap ko na siya ng mahigpit bago ako umalis. O hindi na lang ako umalis sa tabi niya. Ang sakit sakit naman halos hindi ako makahinga. Nangangatog ang tuhod ko ng sandaling 'yon at anumang oras lang ay pwede na akong bumagsak. "Yvo! Bakit??? Bakit???"
Hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng ospital at doon sinisigaw ang pangalan nito. Paulit ulit kong sinigaw ang pangalan niya habang nakatingin sa kalangitan. "Bakit, ang daya daya mo. Bakit iniwan mo ako. Bakit sa pangalawang pagkakataon namatayan na naman ako ng taong mahal ko. Bakit??? Ano bang kasalanan ko sa mundo??" tanong ko habang sumisigaw. Halos hindi ko na nga pinansin ang mga taong nakapaligid sa akin. Napaluhod ako sa kalye at umiyak ng umiyak. Ito na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Bakit, si Yvo pa?? Si Yvo na natutunan ko ng mahalin. At muling nagpanumbalik ng saya at ngiti sa akin. Bakit siya pa?? Bakit???"
Hanggang sa bumuhos ang ulan. Lalo akong naawa sa sarili ko. Tumayo ako at ginaw na ginaw. Hindi ko namalayan na nawalan na pala ako ng malay.
Nagising na lamang ako nasa clinic na ako at may mga nurse sa tabi ko. Hindi ko alam na nalakad ko pala ang kabilang kalye sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Yvo." usal ko.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Taga saan ka ba?" tanong ng matanda sa akin. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lamang siya nakita.
"Medyo nahihilo pa rin po ako. Sino nga po pala kayo?" tanong ko rito.
"Ako ang nagdala sayo dito, nakita kita na walang malay sa daan." sagot ng matanda.
"Ganon po ba! Pasensya na po sa abala, uuwi na po ako at baka hinahanap na ako ng anak at kapatid ko." sagot ko.
"Naku! Neng, magpahinga ka na muna at baka mahimatay ka na naman." sagot nito.
"Hindi na po at kailangan ako ng anak ko." sagot ko. Pero, pinigilan nila ako at hindi pinaalis.
"Hindi maaari at hindi ka pa magaling. Tatawagan na lang namin ang pamilya mo para ipaalam na nandito ka. Nag-a-alala lang ako sa kalagayan mo neng, baka mapaano ka kung lalabas ka agad rito. Kaya mas mabuting mag umaga kana lang rito bago umuwi. Nang masigurado natin na maayos ka na talaga at hindi ka na mahihimatay pa." aniya.
"Pero, may anak po ako at hinihintay na niya ako." sagot ko at umiiyak na ako.
"Hwag ka ng umiyak neng lalo ka lang mahihirapan. Ang gawin mo magpahinga ka na muna at magpagaling baka maisipan nila na pauwiin ka na kapag magaling ka na. Sa ngayon dumito ka na muna para maalagaan ka nila dito." ani ng matanda. Wala na akong nagawa kundi umiyak ng umiyak na lang.
Kinagabihan nagising ako na parang may natawag ng pangalan ko ngunit hindi ko naman siya makita. Palinga linga ako sa paligid ng makita ko si; "Yvo, ikaw ba talaga yan???" tanong ko na hindi makapaniwalang nandito siya at nakatingin sa akin..