Chapter 21

1148 Words
YVO POV Kanina pa umalis si Mommy pero, hindi pa rin siya nakabalik. Medyo nag-a-alala na rin ako at hindi mapalagay kaso paano ako makaka alis rito. Tadtad lang naman ako ng mga apparatus na naka kabit sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng 'to sa akin. Maya maya lang narinig ko ang pagclick ng doorknob at mukha ni Dhalia na malapit nang umiyak ang nabungaran ko. Nagtatakabo itong lumapit sa akin. "B-Babe, okay ka lang ba?" tanong nito kasabay ng pag garalgal ng kan'yang boses. Hindi ko akalain na tutuparin ng Mommy ko ang sinabi nito sa akin. "Okay na ako babe kasi nandito ka na." lambing ko sa kan'ya. "Sus! Bakit ka ba kasi naaksidente? Anong nangyari?" tanong niya sa akin. "Hindi ko rin malaman babe, sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa ilang segundo lang sumalpok sa akin ang sasakyan. "Tapos?" "Nawalan na ako ng malay. Paggising ko nandito na ako." sagot ko naman. "Nakita na ba kung sino ang bumangga sa sasakyan mo?" tanong nito. "Hindi ko alam babe, maybe. Sorry, kung hindi ako nakapunta sayo. Babawi ako kapag magaling na ako." aniya. "Hindi mo kailangang bumawi babe. Okay lang at naiintindihan ko. Ang kailangan mo ngayon ay magpagaling ka ng makauwi ka na ng bahay mo. Hayaan mo nandito naman ako para alagaan ka. Hindi kita pababayaan, basta ipangako mo sa akin na lalaban ka." wika nito. Gustuhin ko man siyang yakapin kaso maraming naka kabit sa katawan ko. Kaya nakuntento na lang ako sa pag hawak ng kamay niya. Basta nasa tabi ko siya pakiramdam ko lumalakas ako. "Syempre naman babe, gusto na nga kitang mayakap. Kaya magpapagaling agad ako." sagot ko at totohanin ko talaga 'yon. Nang malapit ng mag hapon, medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil uuwi na ito at maiiwan na naman akong mag-isa. Ayaw ko sana siyang paalisin dito kaso naiintindihan ko naman na kailangan niyang umuwi at baka hinahanap na siya ng anak niya. "Oh! Anong mukha yan? Alam ko na nalulungkot ka ba?" tanong nito sa akin. Tumango tango lamang ako at hindi pa rin kasi ako masyadong maka kilos. "Hwag ka ng mag-alala babalik naman ako bukas pero, magbubukas muna ako ng tindahan. Alam mo naman di ba na iyon lang ang pinagkakakitaan ko pang tustos sa mga gastusin namin sa bahay. Nag thumbs up sign lang ako rito at hinalikan niya ako sa labi ng mabilisan lang. Kung pwede ko lang siyang halikan ginawa ko na. Sobrang namimiss ko na rin siya at ang lambot ng labi niya. "Aalis na ako at mag-iingat ka rito ha." paalam niya sa akin. Wala naman akong magagawa sapagkat naka confined ako rito. Haixt!! Sinundan ko na lang rin ang bulto nito na papalayo. Kinagabihan hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Wala rito si Mommy tanging nurse lang ang nagbabantay sa akin at panay check ng vitals ko. Pinagala ko ang paningin ko at mas lalo lamang akong naboring. Hindi ko man lang nakuha ang cellphone number nito. Itatanong ko sana kay Mommy kanina kaso hindi naman na ito pumasok sa loob at hinatid lang si Dahlia. Naniniwala ako na magugustuhan rin siya ng Mommy ko lalo ang nakakabilib niyang nakaraan. Mag uumaga na ng dalawin ako ng antok. Kinaumagahan nagising ako sa ingay ng boses na naulinigan kong nag-uusap. Idinilat ko ng bahagya ang aking mata nakita ko sina Mommy at Abuela. Hindi ko alam ang kanilang pinag uusapan pero, nang marinig ko ang pangalan ng girlfriend ko na curious ako. Dinig na dinig ko ang sinabi ni Abuela. "Get rid of her." "But, Mom! Ayokong masaktan ang anak ko. Sorry, hindi ko magagawa ang gusto mo." "If you can't do it. I'll show you what I've got." Hindi ko gusto ang tinatakbo ng usapan nila. At nasasaktan ako, hindi sila ang ang magdedesisyon sa buhay ko. Sa galit ko tinabig ko ang vase sa gilid nang table kaya gumawa ito ng ingay. Napatigil sila at napatingin sa direksyon ko. Agad lumapit sa akin si Mommy. "Son, are you okay?" tanong nito. Maging si Abuela ngunit sinamaan ko lamang siya ng tingin. Gusto kong sigawan siya pero, hindi ko magawa. Ayokong mawalay na naman sa akin ang mahak ko. Hinding hindi ako makakapayag. "Apo? Bakit, may nararamdaman ka ba?" tanong nito sa akin pero, sinimangutan ko lang siya. "Zandra, dapat talagang sa ibang bansa mo na ipagamot ang apo ko. Hindi siya gagaling rito." "Pero, Mommy!" tutol ng aking Mommy kaso mapilit ang abuela ko. "No, but! This is for the sake of my only grandchild." Gusto kong itapon lahat ng bagay na mahawakan ko pero, paano hirap na hirap akong gumalaw. Galit na galit ako sa pakikialam ng abuela ko sa buhay ko. Lumabas ang Mommy ko at sumunod naman amg abuela ko. Gusto kong tumakas pero, hindi ko magawa. Wala na akong silbi. Nang dumating ang Nurse na nagbabantay sa akin. Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. "Mr. Ynarez, ano po 'yon? May iuutos ka ba?" tanong nito. Sinubukan kong magsalita kaso pautal utal. "O-Oo! P-Ppplease h-hhhelp me." ayan lang ang namutawi mula sa aking bibig. "Help? Bakit?" tanong niya ulit. "A--" pinilit kong magsalita kaso hindi ko na magawa. Lumuluha na lang ako sa sobrang galit na nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. "Paano kitang matutulungan kong hindi mo masabi sa akin. Wait, may kukunin lang ako at babalik ako." wika nito. Maya maya lang bumalik ang Mommy ko at lumapit sa akin. "Son, are you alright?" tanong nito. Paano ko sasabihin na hindi ako okay. Masakit sa kalooban ko ang pinag gagawa nila. Tanging ang mga luha ko lang ang sunod sunod na pumatak tanda na nasasaktan ako sa mga desisyon nila. Matanda na ako at hindi nila pwedeng diktahan ang buhay ko lalo na ang lovelife ko. Kung sino ang mamahalin ko at hindi. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko pero, tinabig ko. Wala akong ganang makipag usap sa kan'ya. Alam ko naman na sunod sunuran lang siya sa gusto nilang lahat at kahit kailan hindi ko napakinggan ang boses niya sa mga usapin ng aming pamilya. Palagi lang siya sang-ayon sa mga gusto ng mga taong nakapaligid sa kan'ya. "Sorry, anak! Alam mong wala akong magagawa kapag ang abuela mo na ang magdedesisyon. Pasensya na anak, gagawin ko 'to kasi ito ang makakabuti sa'yo." naiiyak na wika nito. Gusto kong isigaw sa kan'ya na hindi ko ikakabuti ang gagawin nilang paglayo sa taong mahal ko. Pero, anong magagawa ko wala akong lakas na ipaglaban ang gusto ko. Nagulat na lang ako ng maraming pumasok na nurses sa loob at inaayos na nila ang hospital bed ko hanggang sa nararamdaman ko na lang na tinutulak na nila ako palabas ng kwarto. Gusto kong magsisigaw at magwawala pero, wala akong magawa. "Damn you all!!" hiyaw ng isipan ko kasabay ng pagluha ng mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD