YVO POV
Isang buwan ang nakakaraan nang dalhin nila ako sa America at ilayo sa taong mahal ko. Sobra sobra ang galit na nararamdaman ko sa kanilang lahat. Pero, ang hindi ko inasahan ay ang mga ipinakita nilang larawan sa akin. Dahlia w/ other man. Noong una ay hindi talaga ako makapaniwala na kaya niya akong lokohin sa kalagayan kong ito. Ang sakit sakit sobra, kaya ng araw na 'yon. Pinangako ko sa sarili ko na magpapagaling at lakas ako at babalikan ko siya para maghiganti sa kan'ya. Punong puno ng galit ang puso ko sa ginawa niyang panloloko sa akin.
Sinikap kong lumaban at magpakatatag alang-alang sa sarili ko. Gusto ko pang ipamukha sa kan'ya kung sino at ano ang sinayang niya.
Mabilis na lumipas ang mga araw. At ang araw, buwan ay naging taon. Unti unti na rin akong nakakapag lakad muli. Nandito si Nurse Ehra na siyang naging private nurse ko na rin. Half American siya at nakakaintindi siya ng tagalog kaunti lang. Sa Pilipinas siya pinanganak pero, sa America na siya lumaki. Pero, ganon pa man hindi niya nalimutan kong saan siya nagmula.
Madalas niya akong kwentuhan at nakapalagayan ko rin siya ng loob. Sobrang maalaga at mabait kasi siya pero, hindi ko pa rin siya magawang mahalin. Si Dahlia pa rin talaga ang nagmamay-ari ng puso ko. Pero, sinaktan niya ako. At kapag naalala ko na naman 'yon, namumuhi ako sa kan'ya.
"Sir, may kailangan ka pa ba?" tanong niya sa akin. Palagi niya akong tinatawag na sir bagay na naiilang ako, halos magkaedaran lang naman rin kasi kami.
"Sir na naman, diba sabi ko call me Yvo Ehra hindi naman na naglalayo ang edad nating dalawa." giit ko. Nakita kong yumuko ito at tila nahiya.
"Sorry, Yvo! Hindi kasi ako sanay na sa pangalan ko lang tinatawag ang pasyente namin dito." sagot naman niya.
"Hmmmp! Wala namang tao at tayo lang nandito, kaya sundin mo na lang ang gusto ko. Kung ayaw mong sesantehin kita." pabirong sagot ko. Pero, hindi ko naman kayang gawin sa kan'ya 'yon lalo na't mabait siya sa akin at maalaga pa. Naalala ko nga noon ng unang beses niya akong inalagaan. Palagi ko siyang nasusungitan at pinagpapasensyahan niya lang ako. Bilib ako sa pagiging pasensyosa niya. Kahit na masama na ang ipinapakita kong ugali rito. Hindi niya pa rin ako sinukuan at pinakitaan pa rin ng maganda.
"Hala! Hwag naman Yvo, alam mo naman kailangan ko ng trabaho ko. Sige na makikinig na nga ako sayo." sagot niya.
"Ayon 'di mabuti Ehra. Sige na kaya ko naman na dito pwede ka ng umalis. Salamat." pagtataboy ko rito.
"Sige, babalik na lang ako bukas." sagot niya.
Naglakad na ito palabas ng pintuan. Sinundan ko na lamang ang bulto nito na palalayo. Pipikit na sana ako pagkahiga ng pumasok sa loob ng kwarto ko ang Mommy ko.
"Gising ka na pala hijo. Tapos na ba ang teraphy session mo?" tanong nito. As if naman may pakialam siya sa akin. Hanggang ngayong sinisisi ko pa rin siya sa pagkakalayo namin ni Dahlia. At kung bakit may iba ng mahal ang taong mahal ko.
"May kailangan ba kayo? Kung wala magpapahinga na ho ako." matabang na sagot ko rito. At araw-araw kong ipinakita sa kan'ya ang panlalamig na pakikitungo ko rito kahit na Mommy ko pa siya. Naturingang Mommy ko siya pero, hindi niya man lang ako naipagtanggol kay abuela. All my life dinikitahan nila ako sa mga gusto nilang gawin ko. Lahat pinapakialaman nila wala na akong karapatan mabuhay ng gusto ko at maging malaya.
"Galit ka pa ba sa akin, hijo? Sorry, kung wala akong nagawa para pigilan ang gusto ng Mama. Para rin naman ito sayo, para gumaling ka anak. Ayaw kong nakikita kang nahihirapan. Sana naiintindihan mo ang pagpagyag ko. Wala akong ibang hiling na gumaling ka at makasama pa kita ng matagal." madamdaming wika nito. Pero, hindi man lang ako tinablan. Siguro nga kasi galit ako sa kan'ya.
"Tapos na kayo? Bingi ba kayo! Ang sabi ko magpapahinga na ako. At kailan ba tayo babalik ng Pilipinas?" walang gana kong tanong pagkatapos kong bulyawan ito. Masama na kong masama pero, mas masama sila sa ginawa nila sa akin.
"Kapag magaling ka na hijo at sinabi na ng doktor mo. Alam mo naman na kailangang matapos ang teraphy session mo para tuluyan ka ng makalakad." sagot nito sa akin.
"Okay.." tipid naman na sagot ko. At pinapakita ko talaga na wala akong gana kausap siya at ng makaramdam ito.
"Sige na hijo, hindi na kita aabalahin pa. Magpahinga ka na, at magpagaling." sagot nito. Lalapit pa sana siya sa akin para humalik pero, umiwas ako at tumalikod.
Narinig ko na lang ang mga yabag ng stiletto nito palabas ng pintuan at ang langitngit ng pinto pagkasara niya.
Naiwan naman akong mag-isa at nag-iisip kung paano ako makakatakas rito gayong kaya ko naman na maglakad kahit papaano. Gusto ko lang malaman kung bakit niya ako pinagpalit agad agad. Bakit ganon ganon na lang niya ako kabilis na kalimutan. Wala ba akong halaga sa kan'ya at ang mga pinagsamahan namin. At ganon lang kadali niyang itinapon ang lahat lahat ng pinagsamahan namin noon.
Hanggang sa nakatulog na rin ako sa sama ng loob na aking nararamdaman ng oras na 'yon..