Ilang araw ng hindi ko nakikita ang preskong pulis. Hindi ko alam kong tuluyan na rin siyang nagalit sa akin. Wala rin siya sa tapat ng bahay ko. Ayon sa mga renter niya ay hindi na nila nakikita na nagpupunta ang may-ari sa bahay nito. Hindi niya malaman kong magagalit ba siya sa sarili niya. Kasi naman kapag nandyan halos itaboy na niya ito at pandirian tapos ngayon parang miss na miss na nga niya ito.
Nakaupo siya sa sala at sabado ngayon gusto niyang magsarado ng tindahan muna para makapagpahinga na rin. Maayos naman ang benta niya ng ilang linggo kaya masaya na siya sa tinubo niya.
Palinga linga siya sa labas at nagbabasakaling mamataan niya ang kotse ni Yvo kaso wala pa rin.
"Hoy! Ate, kanina ka pa dyan panay silip. May inaabangan ka ba?" tanong ni Daf sa akin.
"Ah! Wala naman, natutuwa lang ako sa mga bata sa labas na naglalaro." alibi ko at ayokong mag-usisa pa siya.
"Hmm! Ate Dahlia, hwag mo nga akong pinagloloko dyan. Alam ko hinihintay mo si poging pulis, no." pang-aasar pa nito sa akin.
"Huh! Paano mo naman nasabi, aber!" naka taas ang kilay na tanong ko rito. Para kasing sura na sure siya sa mga pinagsasabi niya.
"Paano e, hindi ba sa kan'ya galing tong mga bulaklak ate?" tanong nito.
"Hindi ko alam, wala naman nakalagay na pangalan." sagot ko at totoo naman kasi 'yon..Ni hindi nga nagpakilala ang nagpadala.
"Hmmm! Sa kan'ya galing yan ate. I think gusto ka niya.." sagot niya. At parang mas kinilig pa siya kaysa sa akin.
"Paano mo naman nasabi yan?" curious na tanong ko rito.
"Syempre nakita ko siya na nakaraan na nagpadeliver ng bulaklak at tinuro ang bahay natin sa delivery rider." sagot nito.
At ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi ng aking kapatid. Pero, aaminin ko namimiss ko talaga ang presensya nito. Para kasing may kulang ang araw ko kapag wala ito. Pero, tila ayaw niya na sa akin at napagod na rin siya kaya hindi na ito nagpakita pa. Haixt!! Sumuko agad akala ko ba gusto niya akong hintayin.
Tinigil ko na ang pag-iisip at nagluto na lang ako ng lunch namin para mamaya. Gusto kong ipagluto sila ng masarap na nilagang baka. Sinimulan ko ng magluto at habang nagluluto ako sa loob ng kusina. Iniwan ko muna ito at nagpapalaga pa naman ako ng baka medyo matagal tagal rin ito at hindi ako gumamit ng pressure cooker.
Naupo ako sa sofa at kinuha ang remote para buksan ang telivision. Manunuod na lang ako ng balita habang naghihintay. Pag bukas ko ng television isang flash report ang lumabas sa screen.
ZNews Live
The one and only the soul heir of the Ynarez Empire. Mr. Yvo Ynarez, ang nag-iisang apo ng namayapang si Don. Condrad Ynarez na isang business tycoon. Maghintay lang po muna at mamaya live nating makakapanayam po ito pagkatapos ng isang patalastas.
Sabi ng reporter at maya maya lang nahagip ng camera ang mukha ng lalaking ilang araw na niyang hinahanap. Si Yvo pero, ibang Yvo na ito. Iba ang kanyang kasuotan at mukhang mamahalin. Mas lalo yata akong nangliit sa sarili ko. Kung noon nga ay pulis na ito nanglilit na ako sa sarili ko ngayon pang isa pala itong bilyonaryong apo ng namayapang si Mr. Condrad Ynarez na nagmamay-ari ng mga shipping Company at Cruise line. Anong laban ko sa mga kababaihang papalibot rito. Pinatay ko na agad ang telivision ng maamoy ko ang nilalaga kong baka sa kusina.
Pagpasok ko ng kusina nilagay ko na lahat ng sangkap rito at mamaya lang rin luto na kaya pinatay ko na ang gas stove at tangke nito.
Medyo para akong tinambol ng kaba ng oras na 'yon. Ngayon alam ko na kung bakit hindi na ito nagpakita pa sa akin. Tama na rin siguro 'yon at hindi naman kami nababagay na dalawa. Iwinaksi ko na ang aking iniisip at naghanda na lamang ako ng aming lunch ng aking kapatid at anak. Pagkatapos tinawag ko na rin silang dalawa para maka kain na kami.
Paglabas ng dalawa hinalikan ako ng anak ko sabay sabi na; "Wow! It's smell look yummy. What did you cook for lunch, Mama?" lambing na tanong ng aking anak na si Zion.
"Nilagang baka anak. Kumain ka ng marami ha. Para maging strong at healthy ka." bilin ko rito.
"Yes po Mama. I will eat more." nakangiting sagot ng aking anak kaya pansamantalang nawala ang lungkot na aking nararamdaman.
Kumain na kami ng sabay sabay at nang matapos bumalik na sila sa kani kanilang kwarto.
Naiwan naman akong mag-isa at hindi ko na rin napigilan ang luha ko na pumatak na. Hindi ko alam kung luha ba ito ng lungkot at namimiss ko na rin ang namayapa kong asawa. Sana kung buhay pa siya masaya ako ngayon. Haixt!
KINABUKASAN.
Araw ng linggo inaya ko ang anak at kapatid ko para magsimba. Kailangan na magpasalamat sa kanya sa paggabay at sa mga blessings na binigay niya sa pamilya ko maliit man ito o malaki.
Nasa loob na kami ng simbahan at nakikinig ng homily ng pari. Hindi ko tuloy maiwasang mapaluha at tila tagos sa kaibuturan ng aking puso ang sinasambit ng pari.
Dapat ko na ba talagang palayain ang aking puso at buksan para sumaya naman ako. Akala ko noon basta nandyan ang anak ko masaya na ako. Mali pala ako at kailangan ko rin ng katuwang sa buhay ko. Kaso, huli na nang marealize ko ang lahat at wala na siya. Wala na iyong taong nandyan para pasiyahin at pakiligin ako. Hinding hindi ko na siyang kayang abutin pa. At isa pa kung talagang mahal niya nga ako sabi niya bakit siya agad sumuko. Kaya siguro bago ako umalis ng simbahan ay kakalimutan ko na siya. Gusto kong palayain na ang puso ko at subukang magmahal ng iba na kauri ko lamang at hindi kagaya niya na langit at lupa naman ako.
Pagkalabas namin ng simbahan biglang umulan ng malakas at para akong nabatubalani ng makita ko ito sakay ng isang magarang sasakyan..
"Yvo???"