Tumigil kami sa tapat ng ibang bahay pero, hindi mismong sa tapat ng bahay ko. Nagtataka man ako kung bakit doon kami tumigil ngunit hindi na lang ako umimik pa.
"Salamat sa paghatid.." tipid na wika ko.
"Okay! Walang anuman para sayo magandang dilag." wika nito sabay wink.
"Tsee!" inismiran niya lang ito sabay lakad papalayo. Ngunit ng maisipan niya itong sulyapan pumihit siya patalikod at nagtaka siya kung bakit hindi pa ito naalis. Nagtago muna siya sa mga poste na nakita niya at laking gulat niya ng bumaba ito ng sasakyan at pumasok sa bahay na tinigilan nila. Anong ibig sabihin nito?? Naguguluhan ako sa aking nakikita. Siya rin kaya ang may-ari ng bahay na 'yon. Bago ko pa makalimutan na uuwi pala ako sa bahay. Pasimple akong tumalikod at naglakad patungo sa aming bahay.
Mabilis na lumipas ang araw. At hindi ko namalayan na Sabado na pala. Hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto nito. Hindi ko siya lubusang kilala at baka mapaano pa ako sa kan'ya kung sasama ako rito. Pero, sa kabilang banda gusto niya rin namang sumama at para mas makilala niya pa ang lalaki.
Habang nag-aayos siya ng kan'yang sarili napansin ng kapatid niyang si Daffodil ang kan'yang ginagawa at bigla na lamang itong nagtanong sa kan'ya na; "Nag gagayak ka ate, may lakad ka ba?"
"Ah! Oo, may aasikasuhin lamang ako sa palengke. Alam mo ba may nakuha na akong pwesto at bukas na bukas pwede na rin akong magsimula magtinda." sagot ko habang inaayos ang aking kilay na hindi parin nagpapantay. Nakakainis na nga bakit ba kasi nag-aayos ako para saan..Para doon sa lalaking presko na 'yon. Ano nga pangalan niya Yvo, ano 'yon ibon. Hahaha." natatawang laman ng aking isipan at hindi ko namamalayan na natatawa na pala ako kaya nagtaka ang aking kapatid sa kinikilos ko.
"Ate napaano ka bakit ka natawa mag-isa?" tanong nito na kumakamot ng ulo.
"Ah! Wala masaya lang ako Daf kasi alam mo na may pwesto na ako." sagot ko.
"Hindi ate e, parang may kakaiba sayo. Balita ko hinatid ka ng isang lalaki nakaraan ah. Sino 'yon ate?" usisa nito at hindi ko alam kung saan niya nalaman.
"Lalaki? Sino naman nagsabi sayo, aber??" tanong ko rito.
"Hmmm! Si Aling Tasing sa kabilang bahay. Amo daw niya yong lalaki kasi kaya nagtatanong sa akin kung kaano ano kita." sagot niya.
"Ganon ba! Ah! Baka namamalikmata lang ang matandang 'yon. Sige na Daf ikaw na ang bahala rito at kailangan ko ng pumunta ng palengke." sagot ko at bago pa ako maka alis narinig ko na ang tatlong malakas na busina nito. At kilala ko na kung sino ang maingay na 'yon.
"Ano 'yon ate?" tanong ni Daf sa akin.
"Hindi ko alam Daf. Sige na ikaw na ang bahala sa bahay ha. Hwag niyo na akong hintayin pa baka gabihin na ako sa pag-uwi." paalam ko rito. Kaso hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin at nakita niya na pumasok ako sa loob ng kotse. Mabuti na nga lang hindi na lumabas si Yvo at pihadong puro tukso ang aabutin ko kay Daf.
Nang nasa loob na ako ng kotse pinaandar na niya. "Nice! Mas maganda ka pa pala kapag naka ayos. Teka, nag prepared ka pa talaga para maimpress ako. Hwag kang mag-alala matagal mo na akong naimpress." mayabang na ani nito. Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko kung bakit pumayag ako na maka date ito. Kainis! Kaso, wala naman akong magagawa kasi baka bawiin niya ang pwesto sa akin.
"Salamat, matagal ko ng alam na maganda ako." balik na sagot ko rito.
"Siya nga pala Dahlia, bakit mo gustong magtinda sa palengke? Hindi ka naman nababagay doon. Alam mo kung saan ka nababagay?" tanong nito at ginawa pa akong manghuhula sa tanong nito.
"Yon lang ang alam kong trabaho. At ano namang masama kong magtinda ako marangal naman ang pagiging tindera." sagot ko at totoo naman talaga 'yon.
"Alam ko pero, hindi ka nga bagay dyan. Bagay kang maging asawa ko." sagot nito sabay tawa ng nakakaloko. Agad ko siyang sinapok.
"Aray! Masakit yan ah. Parang nagbibiro lang ako pero, kong gusto mo bakit ako tatanggi." dagdag pa nito.
"Talagang masasaktan ka sa akin. Pasayaw ka e, mag driver ka na nga lang dyan. Mamaya maaksidente pa tayo sa pinag gagawa mo." iritang sagot ko rito.
"Oo na boss madam." sagot niya ulit. Pero hindi na ako umimik at bahala siya dyan. Wala akong time makipag bangayan sa kan'ya ngayong araw.
Nang tumigil ito sa pagda drive akala ko ay naroon na kami sa pupuntahan namin kaso nang silipin ko ito. Isa siyang flower shop. Nagtataka man ako kung bakit kami tumigil doon kaso hindi ko na lang pinansin pa. Maya maya lang kinatok siya ng babae sa labas at pinag buksan niya ito ng bintana. Doon na inabot ng babae ang bulaklak na pinag gawa pala niya. Pero, hindi naman niya ibinigay sa akin. Ang weird talaga ng isang 'to. Bibili ng bulaklak hindi naman ibibigay sa ka date niya. Ang labo talaga kung minsan napapatanong na lang ako talaga na lalaki ba talaga siya. Hindi man lang gentleman palagi pa akong binubweset nito. Masaya yata siya kapag naiinis ako o nagagalit.
Nang muli niyang pinaandar ang sasakyan hindi na ako umimik pa at naghintay na lang ako kung saan kami titigil. Medyo malayo layo na ang nilalakbay namin at nangangawit na ang mga paa ko. Sana pala hindi ako nagsuot ng heels. Ang sakit tuloy ng ankle ko haixt! Pati na tuhod ko ganito na yata talaga kapag natanda na.
"Bakit? May problema ba?" tanong nito nang mapansin niya yatang hindi ako kumportable sa kinauupuan ko.
"Wala naman, medyo nangalay lang ang paa ko." sagot ko as if naman may pakialam siya.
Nakita kong may dinukot siya sa ilalim niya at inabot niya sa akin ang cold compress.
"Here, ilagay mo kung saan masakit mamaya wala na yan. Hwag kang mag-aalal malapit na tayo sa Tagaytay." sagot nito.
"A-Ano, Tagaytay? Bakit doon ang napili mo? Ang lawak naman sa Maynila ha. Ang layo layo naman." reklamo ko ng malaman ko kung saan kami magdedate.
"Gusto ko doon at may rest house ako sa Tagaytay at isa pa ayoko ng issue baka may maka kita pa sa atin doon. Malagay pa ako sa alanganin." sagot nito. Kunsabagay tama nga siya. Pulis ito at nakakahiya nga naman na makita na may kasama siyang dating pokpok.
Natahimik na ako at sinimulan ko ng lagyan ng cold compress ang paa ko at medyo nawawala ng nag bahagya ang sakit nito.
Hindi ko alam kung anong date ba ang mangyayari sa amin pero, sisiguraduhin ko na maiinis siya para wala ng kasunod ang date namin. Mabuti ng maaga pa lang mawalan na siya ng amor sa akin. Hindi ko rin naman gustong malagay siya sa serbisyo kapag nalaman ng tao ang nakaraan ko. Tiyak kong ma eeskandalo ito at maging ang anak ko na ayaw kong mangyari pa. Mabuting ibaon ko na lang sa limot ang lahat lahat sa masalimuot kong nakaraan. Wala na rin naman akong balita kay Madam Maverita kung nakulong ba siya o nakalaya. Sa dami ng pera noon posible naman na hindi siya makalaya.
"Nandito na tayo." wika nito kaya natigil na ako sa pag-iisip. Hindi ko na hinintay na pag buksan niya pa ako ng pintuan at alam kong wala naman balak ito. Hindi siya kagaya ng asawa ko na gentleman pero, nang lalabas na sana ako ng kotse nagulat ako ng buksan niya ito at hawakan ang kamay ko para alalayan sa pagbaba. Napatigil ako ng ilang minuto hindi ako sanay na sa ginagawa niya. Ayoko at baka mahulog ako sa kan'ya tapos hindi naman kami pwede. Tiyak kong aayawan rin ako ng pamilya nito kaya hwag na lang.
"Ako na kaya ko naman ang sarili ko." mataray na sagot ko.
"Hmmm! Ikaw ang bahala. Paka arte mo talaga, ikaw na nga 'tong tinutulungan ko kainis ka." wika nito. At doon ko siya unang nakita na nabadtrip sa akin. Parang gusto ko na lang siyang suyuin.. Haixt!!