Umagang kayganda para sa akin at panibagong pag-asa. Papungas pungas pa ang aking anak habang naglalakad at hindi niya yata napansin ang aking presensya kaya naggdiretso lamang ito sa banyo. Maya maya lang napasigaw ito na; "Mama, ikaw na ba talaga yan??" tanong ng aking anak na si Zion na hindi parin makapaniwalang nasa harapan niya ako.
"Opo, anak nandito na ang Mama at hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa." madamdaming sagot niya rito sabay yakap ng mahigpit.
"Salamat po, Mama. Alam nyo po ba miss na miss ko na kayo Mama. Walang araw na dumaan na hindi ko kayo namimiss Mama." lambing ng aking anak sa akin. Parang nadudurog ang puso ko sa mga sinasabi niya ng sandaling 'yon.
"Miss na miss ka rin ng Mama. Hayaan mo hindi na aalis ang Mama." pangako ko sa anak ko.
"Talagang talaga po ba Mama?" ulit na tanong nito sa akin.
"Talagang talaga anak." sagot ko naman sabay pugpog ng halik rito na ikinakiliti niya.
"Mama naman hehehe. Nakikiliti po ako dyan." hagikhik ng aking anak na si Zion. Tumigil na ako kakahalik sa kan'ya ng maalalang may pasok nga pala ito sa school.
"Halika na anak kumain ka na para makapasok ka na sa school mo." yakag ko dito. Grade one na pala ang aking anak nalate kasi siya ng pasok na dapat ay grade two na sana siya ngayon.
"Sige po Mama..Miss ko na ang mga luto niyo." lambing ng aking anak sa akin.
"Talaga ba anak. Hayaan mo magluluto ng masarap na pagkain ang Mama." sagot ko naman sabay gulo ng buhok niya.
Nang makarating kami sa hapag kainan agad ko siyang pinaupo at ako naman ay kumuha ng aming makakain. Hinayaan ko na si Daf na matulog muna at tanghali pa naman ang alam kong pasok nito sa eskwelahan.
"Anak oh kain ka ng bacon masarap ito." wika ko sabay lagay ng bacon sa plato nito. Agad naman niya itong tinusok ng kubyertos at sinubo.
"Ang sarap nga po Mama. Palagi po tayong kumain ng ganito ha. Natitiyak kong marami po akong makakain." aniya.
"Tama yan anak kain ka ng marami para lumaki ka agad at malusog." sagot ko naman sa anak kong si Zion.
Natahimik na ang anak ko at maging ako. Tinapos na namin ang pagkain at kailangan ko pa siyang paliguan kaso tumanggi ito kaya hindi na ako nagpumilit pa. Napaka indipendent na talaga ng aking anak. Parang kailan lang naman ako nawala sa piling niya.
Maya maya lang naririnig ko na ang sigaw nito kaya tinapos ko na ang pag-inom ko ng kape.
Lumapit ako rito at inabutan ito ng tuwalay na pinang tapis niya sa hubad niyang katawan. Naglakad ito papasok ng kan'yang silid. Sumunod ako rito at inayos ko na rin ang mga gamit niya na dadalhin. Mabuti na lang may nakaplantsa na siyang uniporme kaya hindi na rin ako nahirapan para bihisan siya ng makatapos ako sa pag-aayos sa aking anak. Saka ko naman sinimulang mag-ayos sa aking sarili. Mabilisan nga lang ang pagligo ko at pag bihis. Nag apply lang rin ako ng kaunting pulbos at lip gloss para makaalis kami kaagad. Walang service ang aking anak kaya naghintay pa kami ng dadaang tricycle. Habang nakatayo kami nagulat ako nang may pumatang kotse sa harapan namin at ng nagbaba ito ng bintana. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang may-ari nito. Walang iba kundi ang preskong pulis. Pero, ang ipinagtataka ko hindi niya yata suot ang uniporme niyang pang serbisyo.
"Mrs. Dahlia saan ka paroroon?" tanong nito sa akin. As if naman close kami para sabihin ko pa sa kan'ya kaya hindi ko na lamang siya pinansin pa. Nang kausapin niya ang anak ako kumunot ang noo ko lalo na't ng gumawa siya ng kasinungalingan sa harap ng anak ko.
"Sir, how are you. Did you know my Mama?" english na patanong ng aking anak..Hindi ko naman ito tinuturuan ng ganyan.
"Yah! I'm your Mom's boyfriend." sagot nito.
"Boyfriend??" gulat na wika ng anak ko kaya umentrada na ako.
"Hoy! Damuho ka lumayas ka nga kong ano ano ang sinasabi mong kasinungalingan sa anak ko." galit na wika ko.
"Relax, Mrs. Dahlia ang sabi ko lalaking kaibigan. Hwag ka ngang assumera dyan." balik na asar nito sa akin. Ako pa talaga naging assumera ngayon. Ang kapal talaga ng mukha niya.
"I see." sagot naman ng anak ko sabay ngiti.
"Yah! Saan ba kayo pupunta at ihahatid ko na kayo little boy." sagot ni Yvo.
"Sa school po sir pogi." sagot ng anak ko. Kumunot ang noo ko sa ginamit niyang salita sa pagtawag dito.
"Ah! Ganon ba hatid ko na kayo matagal makasakay rito baka ma late ka pa--" natigilan siya kasi hindi niya naman alam ang pangalan ng aking anak.
"Ano nga pala ang pangalan mo little boy?" tanong niya sa anak ko.
"Zion po. Zion Espinosa." sagot naman ng anak ko. Napasimangot ako kasi kabilin bilinan ko pa naman sa anak ko na hwag ipagsasabi o ipapa alam ang kan'yang pangalan lalo na' sa hindi niya kilala.
"Wow! Nice name nakakapogi pang lalo. Tara na at ihahatid na kita, Zion." yakag niya sa anak ko.
"Sige po." sagot naman ng anak ko.
"Anong sige po, hindi pwede anak. Hindi nati siya kilala at isa pa sab--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin ang kamay ko ng anak ko papasok ng kotse sabay sara. Pinaandar na rin ng preskong pulis ang kotse kaya hindi na ako nakapalag. Nagngingitngit sa galit ang aking kalooban ng oras na 'yon. At nakakabweset naman kasi talaga ang lalaking 'yon.
Nang makarating kami sa school ng aking anak. Bumaba na ako at hinintay kong umalis siya kaso hindi pa.
"Oh! Ano pang tinatanga tanga mo dyn?" masungit na tanong ko.
"Wala naman gusto lang kitang masilayan. Ang ganda mo pala talaga lalo kapag simple lang ang suot mo." papuri nito sa akin at hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o hindi.
"Tsee!" sagot ko sabay talikod at hawak sa kamay ng anak ko para pumasok na kami sa loob ng school.
Makalipas ang isang oras lumabas na ako ng paaralan ng aking anak. Medyo nalungkot ako ng kaunti kasi akala ko pa naman maghihintay siya. "Hoy! Dahlia anong drama yan." hiyaw ng isipan ko.
Naglakad na lang ako at naghintay ng jeep plano ko kasing pumunta ng palengke ngayon para mag tingin ng bakanteng pwesto roon para naman makapagsimula na rin ako. Naisip ko kasing mag tinda sa palengke at sanay naman ako sa probinsya namin noon na maglako ng mga gulay mas mahirap pa nga yong ginagawa namin noon sa ngayon.
Nang may pumarang jeepney sumakay na agad ako at nagpahatid ako sa Farmer's Market doon kasi ang malaking pamilihan rito.
Bente minutos nakarating na rin ako roon at bumaba na. Kanina pa naman ako nagbayad pagkasakay ko kaya baba na lamang ako. Naglakad ako papasok sa loob at nagtanong tanong hanggang sa may lumapit sa akin.
"Ate ganda naghahanap ka raw ng pweseto dito sa palengke?" tanong ng dalagita.
"Oo, neng kanina pa nga ako nag iikot rito. May alam ka ba?" tanong ko.
"Opo, kaso wala pa yong may-ari ate ganda." sagot naman nito.
"Okay, sige hintayin ko na lang." sagot ko naman.
"Sige ate maiwan muna kita rito ha. Mamaya darating na 'yon si pogi." sagot nito.
"Pogi! Ibig sabihin lalaki ang may-ari ng pwesto?" tanong ko sa sarili ko at nasagot ang tanong ko ng makita ko siya.
"Ikaw na naman! Talaga bang sinusundan mo ako?" tanong ko sa preskong pulis. Napaka sobrang coincedence naman na nandito rin siya.
"Sinusundan? Talaga ngang assumera ka no. Teka bakit nandito ka sa paupahan kong pwesto??" tanong nito.
"Hwag mong sabihin na sayo 'to?" nanalalaki ang aking mga mata na tinanong ito.
"Oo, kaya nga ang tanong ko bakit ka nandyan. At yang mga yon at ayon pa at doon akin rin yan at naupa sila sa akin." sagot nito.
"A-Ano????"
"Oo nga!" sagot niya.
Maya maya lang bumalik na ang dalagita at nakita kami.
"Oh! Ate ganda nar'yan na pala si kuya pogi. Sige na mag-usap na kayo at sa kan'ya ka na magtanong tungkol sa kukunin mong pwesto." ani ng dalagita. At doon ko na talaga nakumpirma na sa kan'ya nga ang pwestong uupahan ko.
"Oh! Naniniwala ka na ba. Well, uupa ka 3,000 monthly at 2 mos advance deposits Mrs. Dahlia. Ano kukunin mo ba?" tanong nito.
"Hmm! Oo," sagot ko sabay dukot ng wallet at binilang ko ang dala kong pera kaso nayamot ako at kulang ako ng dalawang libo. Pitong libo lang ang dala kong pera at ang ilan ay barya na lamang na pamasahe ko.
"Pwede bang pitong libo na lang muna. Nasa bahay kasi ang pera ko." wika ko. At sana lang pumayag tong bweset na 'to.
"Hmmm! Ayoko nga kulang ang bayad mo sa iba ka na lang umupa." mariing wika nito.
"Ano?? Napaka gahaman mo naman. Parang dalawang libo lang ibabalik ko naman sayo. Gusto mong sumama ka pa sa bahay ko para bayaran kita roon." inis na wika ko lalo pa ng ngumiti ito.
"Sige, payag na ako sa isang kundisyon. Makikipag date ka sa akin sa Sabado." wika nito. Na ikinalaki ng mga mata ko.
"Date?? At bakit??" balik na tanong ko.
"I like you. And to know you better. Masama ba? Wala naman sigurong magagalit sabi mo byuda ka na. Kaya ano papayag ka ba??" tanong nito. Hindi ko alam kung bakit napapayag niya ako.
"Oo." mahinang sagot ko.
"Good! Akala ko aarte ka pa. Tara na at ihahatid na kita pauwi." ani niya at bago pa ako makapag protesta ay hawak niya na ang kamay ko. Nasumpungan ko na lamang ang sarili ko na nagpapatianod na sumusunod sa lalaking kinaiinisan ko dahil ang presko niya sobra.