YVO POV
Nagising ako na maraming apparatus ang naka kabit sa mga katawan ko. "Anong nangyari?" tanong ko sa sarili ko. Nang balikan ko ang nag daang nangyari kagabi. Ang natatandaan ko lang naman ay nag-inom kami ni Lucas sa Corveen at umuwi na ako pagkatapos. Hanggang sa nabangga ako. s**t! Nabangga ako? At nasa ospital ako. Medyo masakit pa ang ulo ko at kalahati ng katawan ko ay hindi ko maigalawa partikular na ang ibabang bahagi ng aking katawan. "Anong nangyayari?" malakas na sigaw ko. Naghugysterical na ako sobra. Nang marinig ako ng Mommy ko agad itong o
pumasok sa loob at napasimangot ako ng makita ko kung sino ang kasama niya.
"What are you doing here? Hindi ba break na tayo at tapos na ang panloloko mo sa akin." bulyaw ko rito.
Nakita kong kumunot ang noo ng aking Mommy at binalingan ito ng tingin. "Is that true hija? Are you cheating on my son?" tanong ni Mommy. Sa pagkakataong 'yon hindi agad nakasalita ito.
"Let me explain tita and Yvo. It was a plan." sagot niya pero, hindi ko siya pinakinggan pa.
"I don't want to hear any explanation coming for you. Get lost! I don't want to see you anymore here." sigaw ko at nakita ko naman na nilapitan ito ng Mommy ko at pinalabas. Hindi ko gustong makita siya ang gusto kong makita ang girlfriend ko. Pero, paano ko siya makikita o matatawagan man lang. Hindi ko naman alam ang cellphone number niya, kainis bakit ba hindi ko naisipang kunin ito noon. Haixt!!
Pagbalik ni Mommy mabuti naman wala na ang babaeng 'yon. Lalo yata akong magkakasakit kapag nakita ko ang pagmumukha niya. The nerved na ipangalandakan pa niya sa harap ng Mommy ko na kami pa. Ang kapal ng mukha niya pagkatapos nila akong lokohin na dalawa ng pinsan ko pa.
"Hijo, pinaalis ko na siya. Totoo ba ang lahat ng sinabi mo kanina?" tanong ni Mommy at mukhang wala nga siyang alam, sapagkat tahimik lang rin ako.
"Yes, Mom! Nahuli ko sila ni Vince ng pinsan ko pa. They f*****g s*x on Vince condo's. I can see it on my two eyes, Mom. Kaya hindi ko sila mapapatawad. But, wait Mom. Why I can't move on half of my body. Is there anything wrong? Tell me, Mom! Be honest, please. I need to know." wika ko.
"Son, half of your body was damage because, of the accident. And we didnt know if you--" gumaralgal na ang boses ng aking Mommy at bigla na lang siyang umiyak sa harapan ko. Sa labis na pagtataka. Medyo nakaramdam ako ng takot sa gusto pa nitong sabihin.
"Mom." usal ko sabay pilit na inaabot ang kamay nito ngunit daliri niya lang ang aking nahawakan. Nakita kong nagpunas ng luha ito. "Sorry, son! Hindi ko kayang sabihin sa ngayon. Ang gusto ko magpagaling ka." ani niya.
"Okay, Mom. I'll understand. Can I have a request?" tanong ko.
"Sure, what is it son?" balik na tanong niya sa akin. At alam ko naman na susundin nito ang gusto ko.
"Can you help talk my girlfriend, name Dahlia. I can give her address to you, if you want too. Please, Mom. I need my girlfriend right now." pakiusap ko at sana nga lang pumayag siya sa gusto ko.
"Girlfriend? Saan mo naman nakilala yan, sigurado ka bang hindi yan maloloko? Hijo, pinoprotektahan lang kita ha. Ayoko ng maulit ang ginawa niya sayo." sagot nito.
"Hindi po Mommy, well in-fact mabait siya sobra at pag nakilala mo siya matutuwa ka sa kan'ya." sagot ko.
"Okay, sige pupuntahan ko. Magpapasama ako sa driver. Teka alam ba niya na nasa ospital ka? Bakit hindi mo siya tawagan?" tanong nito.
"Hindi po niya alam Mommy. Hindi ko rin alam ang cellphone number niya." nakayukong sagot ko.
"W-What?? Girlfriend mo ba talaga yan hijo, ako nga ay hwag mong pinagloloko dyan. May girlfriend bang hindi mo alam ang cellphone number. Unless taga bundok yan at walang alam sa technology?" natatawang sagot sa akin ni Mommy.
"Hindi naman Mommy, probinsyana siya pero hindi galing ng bundok. Sabi ko naman sayo kakaiba siyang babae. At siya nga pala Mommy, single Mom at byuda na siya." sagot ko.
"W-What???? Ano ba yang pinapipili mo hijo, ilang taon na yan at baka kaedaran ko pa yan ha." biro ulit nito sa akin.
"No! Mom, actually ahead ako ng 5 years sa kan'ya." sagot ko at totoo naman 'yon. Bata pa si Dahlia sa akin kaso maaga siyang nag asawa sa hindi ko rin alam na dahilan, wala naman siyang nakwento sa akin kaya ayaw ko ng usisain pa. At isa pa wala na rin ang asawa niya kaya hindi na kailangang pag usapan pa.
"Ganon ba! Kawawa naman pala siya hijo, mag-isa na lang niyang tinataguyod ang anak niya. Mukhang tama ka at gusto ko siyang makilala ng lubusan. Sige maiwan na muna kita rito at pupuntahan ko na siya. Magpahinga ka na pagbalik ko kasama ko na siya." ani ng aking Mommy. At alam ko kapag sinabi niya ay tutuparin niya.
Nang maka alis na si Mommy hindi na rin ako mapalagay sa higaan ko. Gusto ko nang hilahin ang oras para makasama ko na siya. Sabik na akong makita at mayakap ang mahal ko. Haixt! Kainis naman kasi kung hindi sana nangyari ito baka magkasama kami ngayon. Kamalasang araw naman at sa akin pa talaga nangyari.
Ipinikit ko na ang aking mga mata. Hanggang sa gupuin na rin ako ng antok dala ng mga gamot na pumapasok sa aking katawan.