Pagkagaling ko sa palengke dumaan na muna ako ng Mall at may bibilhin ako para sa aking anak. Malapit na kasi ang kaarawan niya at gusto kong regaluhan siya ng toy car na gustong gusto niya. Pumasok ako sa Mall at nagtungo sa toy section. Pagkahawak ko sa toy car halos malula ako sa mahal ng presyo nito. Naka ilang ikot na nga ako pero, hindi talaga nababa sa libo ang presyo nila. Haixt! Napagod lang ako pero, wala akong napala kaya naman umuwi na lang ako ng bahay at magdadapit hapon na rin. Susunduin ko pa ang anak ko sa school.
Nang may pumarang jeepney agad akong sumakay at umandar na rin ito. Pina abot ko lang ang aking bayad sa mga nasa unahang tao. Umayos ako ng upo at sumandal na. Medyo napagod rin ako sa dagsa ng tao sa palengke masaya na rin naman dahil kapag dagsa maraming tsansa na makabenta ng marami.
Trenta minutos ang tinagal ng byahe ko at tanaw ko na ang school ng anak ko. Medyo malapit na rin naman ito sa bahay namin. Pagbaba ko ng jeepney naglakad agad ako patungo sa gate at nakita ko na nasa waithing shed na ang anak ko at hinihintay na rin ako. Agad itong nagmano sa akin pagkakita niya. "Mama, mabuti ay nandito ka na. Naiinio na po ako, at gusto ko na ring umuwin ng bahay." lambing ng aking anak sa akin.
"Okay, anak. Akin na yang bag mo at ako na ang magbibitbit." wika ko sabay kuha rito ang bag sa likod niya at sinukbit ko sa isang bahagi ng aking balikat. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at naglakad na kaming dalawa. Masayang nagkukwento ang aking anak kaya hindi namin namalayan na nasa harap na kami ng terminal ng tricycle. Doon kasi ang sakayan patungo sa aming bahay. Singkwenya peso ang bayad dito kasi especial kung tawagin nila. Sumakay kami rito at pinauna ko nang pumasok ang aking anak at sumunod naman ako. Maya maya lang pagkakaupo ko umandar na rin ito.
Panay kwento pa rin ang aking anak at wala naman akong maintindihan sa sobrang ingay ng motor ng tricycle medyo mabilis kasi ang pagmamaneho nito. Kaya naman wala pa ngang kalahating oras ay nakarating kami sa bahay. Nagtataka ako ng makababa ng tricycle. Inabot ko na ang bayad sa driver at umalis na rin ito. Nagtataka kasi ako kung bakit may malaking sasakyan na nakaparada sa tapat ng aming gate. Hindi ko naman naalala kung may kilala akong ganitong sasakyan. Palapit na ako ng palapit sa may gate ng bumaba ang sakay ng magarang sasakyan at nakilala ko kung sino siya. Siya ang kasama ng babae na fiance' ni Yvo. Natatandaan ko na tinatawag pa nito ang ginang na Mommy. Pero, bakit nandito siya? Ano namang kailangan niya sa akin.
"Hija, ikaw ba si Dahlia?" tanong ng ginang na tila sinusuri ang kabuuhan niya. Nakatingin kasi ito sa mukha niya pababa hanggang paa niya sabay balik sa mukha niya.
"Ako ho, bakit niyo po ako kilala?" magalang na tanong ko.
"Hindi kita kilala personal hija, pero ang anak ko kilalang kilala ka niya. And--" hindi nito natuloy ang sasabihin kasi inaya na siya ng kasama niya na pumasok sa loob ng kotse. Kumaway siya sandali sa matandang nasa loob. Napatingin rin ito sa akin sabay sumimangot. Hindi ko naman sila kilala kaya wala naman silang mapapala sa akin.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa hija, hinahanap ka ng anak ko. He needs you hija." sagot nito.
Kumurap ang mga mata ko. "Bakit niya ako kailangan? Naroon naman ang f--" natigilan ako.
"Hindi ba ikaw ang girlfriend ng anak ko?" tanong nito.
"Opo, noon." sagot ko.
"Wait! Hija, hindi kita maintindihan. Anong noon? Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo? Ang anak ko na ang nagsabi mismo na girlfriend ka niya. Kinakahiya mo ba ang anak ko? The nerved! Ikaw pa talaga ang may ganang ikahiya ang anak ko. I'm so dissapointed on you. Sana hindi na lang ako nagpunta rito." wika nito sabay taas ang toni ng kan'yang boses.
"E bakit nga ho kayo nagpunta dito. Pinapunta ba kayo ng manloloko niyong anak? Paki sabi sa kan'ya hwag na niya akong guluhin pa. Magsama sila ng babaeng pakakasalan niya." magalang pa rin na sagot ko.
"Fiance' ano bang pinagsasabi mo. The eggagement was cut. Ayaw nang magpakasal ng anak ko. Kaya nga hinahanap ka niya para pakasalan niya." wika nito na kinagulantang ko.
"Ho? Kasal? Kami??" sunod sunod na tanong ko at mas lalo yata akong naguluhan.
"Yes, kaya nga pinapunta niya ako rito. Para papuntahin ka ospital. Kung hindi ka sasama ay wala kaming magagawa." wika nito.
"Ano pong kalagayan niya?" tanong ko at nag-aalala na rin ako. Gusto ko sana siyang puntahan kaso nasaktan na ako dahil akala ko niloloko niya ako.
"To tell you prankly hija, my son is not okay. Hindi niya maigalaw ang kalahating bahagi ng katawan niya lalo na ang paa niya." malungkot na wika nito.
"Okay po, pasok po muna kayo ma'am." yakag ko rito.
"Okay, hindi na hija. Nandyan ang Mama hahanapin niya ako. Anyway, call me Mommy na lang. And welcome to our family." wika nito. Natigilan ako hindi ganito ang ini expect ko na mangyayari. Buong akala ko kasi lalaitin ako ng pamilya nito gaya ng mga napapanuod ko sa telebisyon kapag mayaman ang pamilya ng lalaki at mahirap naman ang babaeng kagaya ko. Pero, nagkamali ako napakabait ng Mommy nito.
"Sige po magbibihis lang ako sandali at pasensya na po galing kasi akong palengke." sagot ko at nagmamadaling pumasok sa loob.
Naabutan ko na nakain na ng meryenda ang anak ko. Napaka independent na talaga nito. Gustuhin ko man siyang isama kaso ospital kasi 'yon at maraming sakit ang mga tao roon.
"Anak dito ka na muna sa tita Daf mo ha. Aalis lang ang Mama at babalik rin ako agad." paalam ko rito para hindi niya ako hanapin mamaya.
"Okay po Mama, opo mag-aarap na lang po ako." sagot nito sabay ngiti.
Mabuti naman nakakaintindi talaga ang anak ko. Kaya maswerte ako sa anak ko kaya kong may bagay na ipagpapasalamat ko sa namayapa kong asawa ay ang iniwan niya sa aking anak namin kahit na nawala na siya.
Nagmamadali akong nagtungo sa comfort room para mag hilamos. Hindi na ako naligo at ayokong pag hintayin sila ng matagal sa labas at nakakahiya. Tama lang yan na mawala ang lansa na amoy na galing sa palengke na kumapit sa aking katawan..
Pagkatapos nag bihis na rin ako at nag ayos ng matapos lumabas na ako ng bahay at kinatok ko ang sasakyan nito kaya pinagbuksan niya ako ng pintuan.