Nagmamadaling pinuntahan ko ang ospital na nabanggit ng reportet kanina. Madali lang naman puntahan ang lugar at malapit lapit lang rin sa aming bahay.
Wala pa ngang isang oras nakarating na ako sa ospital sakay ng taxi, binayaran ko lang ito ayon sa metro na nakalagay sa harapan ng upuan ng driver.
Nagmamadali akong pumasok sa loob. Agad kong hinanap ang information section para magtanong kung nasaan ang boyfriend ko. At nang mahanap ko agad ito tinanong ko ang isang attendees roon.
"Good evening Miss, ako nga pala ang girlfriend ni Mr. Yvo Ynarez, saan ko po ba siya makikita?" tanong ko sa labis na nag-aalala.
Nakita kong pinasadahan ako ng mapanuring tingin ng babae. At alam ko naman na hindi siya naniniwala na girlfriend nga ako nito.
"Hmmp! Girlfriend ka niya? Sure ka ba dyan, miss?" tanong ulit nito.
"Oo, girlfriend niya ako. Nasaan ba siya sabihin niyo naman sa akin oh." pakiusap ko.
"Okay.. Nasa operating room pa ang pasyente. Paki hinitay na lang sa labas at nandoon na rin naman ang pamilya niya." sagot nito.
Hindi ko maihakbang ang aking mga paa at medyo natatakot ako sa narinig ko. Pamilya niya? Hindi ko alam kong handa na ba akong makita sila pero, gusto ko ring malaman ang tunay na kalagayan ng aking boyfriend. Kaya sa huli napagdesisyunan ko ng puntahan ito.
Nasa malapit na akong bahagi ng operating room at tanaw ko na sa labas ang pamilyang tinutukoy ng nurse kanina. Pansamantala akong natigilan ng makita ang dalawang ginang at isang babae na halos kaedaran lang ni Yvo, marahil kapatid niya ang babae. Palapit na ako ng palapit sa kanila ng matigilan ako sa narinig kong sinabi ng isang ginang sa babaeng akala ko ay kapatid ni Yvo.
"Tita, mabubuhay pa ba ang fiance' ko?" tanong nito.
"Mabubuhay siya hija, hwag ka ng mag-isip pa ng masama. I'm sure he'll survive his operation." pagpatahan ng ginang sa babae na umiiyak.
"Fiance'? hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero, hindi naman ako bobo. Naiintindihan ko ang sinabi nito sa wikang english. May ibang girlfriend ang boyfriend ko. All this year niloloko niya lang ako. Napaka hayop niya talaga. Sana mamatay na siya." usal ko at hindi mapigilang umiyak ng umiyak sa sakit na aking nararamdaman. Para akong kakapusin ng paghinga ng mga oras na 'yon.
Nagtatakbo ako palabas ng ospital at agad na pinara ang taxi na paparating. Nang tumigil ito sumakay agad ako at sinabi na dalhin ako sa Analia's Home Executive Subdivision. Nakuha naman agad ng taxi driver ang sinabi ko at maya maya lang rin nararamdaman ko ng umaandar ang sasakyan. Hindi ko akalain na nagpakatanga ako sa taong manloloko. Napakasama mo Yvo, napakasama mong tao.
Lulan ng taxi impit na iyak ang aking nagawa buong byahe. Mabuti na lang talaga na hindi kami nagtagal at nalaman ko lahat ng kalokohan niya sa akin. Hinding hindi ko siya mapapatawad.
Nakarating ako ng bahay at nagbayad bago bumaba ng taxi. Nanghihina akong naglakad papasok ng bahay. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Ang sakit sakit ng puso ko at naninikip. Hindi ko akalain sa pangalawang pagkakataon na binuksan ko ang puso ko sa taong manloloko pa.
Pinunasan ko na ang luha na pumatak sa aking mga mata. Naisip ko na wala palang saysay ang pag iyak ko, mabuti nga iyon nalaman ko agad hindi yong matagal na. Pinayapa ko ang aking kalooban maging ang aking isipan. Naglakad ako papasok ng kwarto at nahiga sa kama hanggang sa nakatulog na rin ako.
Kinabukasan panibagong umaga at araw na haharapin ko na muling mag-isa. Hindi ako pwedeng magpatalo sa lungkot na aking nararamdaman at kawawa ang aking anak. Bumangon ako at nag unat unat ng katawan bago lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para magluto ng aming almusal. Tulog pa ang dalawa at ako pa lang ang tanging gising ng ganito kaaga. Kinuha ko na ang lahat ng mga kakailanganin kong rekados para sa pagkaing iluluto ko. Nakita ko ang bacon at ham sa loob ng freezer ng buksan ko ang regrigerator. Kinuha ko ito at pinawala muna ang yelo na bumalot roon. Ang sumunod kong ginawa ay ginayat ko ang bawang at sibuyas maging ang luya na gagamitin ko naman sa pang gisa para sa sinangag na aking lulutuin para mamaya. Masarap kasing iparehas ito sa bacon at ham. Nagsimula na akong maggisa ng lahat ng aking rekados at ng maamoy ko na ang aroma ng bawang na napakabango at paborito ko talaga ito noon pa man. Naalala ko pa nga na madalas ko itong ipaluto sa aking Itay noong magkakasama pa kami sa probinsya. Masarap kasi ang lasa ng sinangag kahit na bulad lang ang aming ulam. Bulad~~ isa itong pagkain na isda na pinatuyo ng ilang araw sa araw na binudbudan ng nakapakaraming asin.
Nang matapos akong makapagluto isa-isa ko ng hinango at inalis sa kawali sabay lagay sa kinuha kong plato. Pagkatapos lumabas na ako ng kusina at dinala sa hapag kainan ang mga bitbit kong dalawang pato at nilapag ko sa ibabaw ng lamesa. Tinakpan ko muna ito at pupuntahan ko na muna ang dalawa sa kani kanilang kwarto.
Una kong pinuntahan ang anak kong si Zion na papasok sa school. Ihahatid ko kasi muna siya sa school bago ako magpunta sa palengke para magtinda muli. Ang tindahan lang naman ang tanging pang kabuhayan ko na tumutustos sa lahat ng pangangailangan namin sa bahay.
Kiniliti ako ang talampakan ng aking anak at kumilos ito ng bahagya ngunit nanatili pa rin itong natutulog. Muli kong kiniliti ang binti naman nito ngunit mas lalong hindi man ito gumalaw kaya ang sunod kong kiniliti rito ang kan'yang kili-kili na malakas ang hatak na kiliti nito sa kan'yang katawan kaya napabalikwas ito agad ng bangon. "Mama, naman e," nakabusangot na wika ng aking anak na si Zion.
"Sorry, anak kailangan ko ng gisingin ka at baka mahuli ka na sa school may pasok ka ngayon hindi ba?" paliwanag ko rito at baka magtampo sa akin ang aking anak bagay na ayaw na ayaw kong mangyari talaga.
"Mama, opo. Hala!" wika nito sabay bangon at takbo sa labas.
Tumayo naman agad ako at sumunod rito.
Naupo na ang aking anak sa hapag ng ito'y maabutan ko. Wala na rin ang panis na laway sa mukha nito tanda na nakapag linis na ito nang kan'yang mukha para kumain.
Sunod naman na pinuntahan ko ay si Daffodil papasok pa lang sana ako sa loob ng makita kong mulat na ang mga mata nito ngunit taimtim na nagdarasal kaya naman hindi ko na rin muna ito inabala pa.
Naglakad na ako pabalik sa aking anak at sinabayan na itong kumain. Maganang kumain ang aking anak kaya natutuwa ako at wala rin siyang pili sa mga pagkain na inihahain ko sa kan'ya.
"Mama, tapos na po akong kumain. Maliligo na ako." wika na ito sabay tayo sa upuan at naglakad palapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Sorry po Mama, nakalimutan ko pong humalik sainyo paggising ko at nagmamadali na po ako." hinging paumanhin nang aking anak.
"Hindi anak, ayos lang naman. Sige na maligo ka na at susunod na rin ako sayo pagkatapos." taboy ko rito.
Nagsimula na akong bumalik sa pagkain ng marinig ko ang boses at yabag ng paa ng aking kapatid palapit sa kinauupuan ko.
"Good Morning ate Dahlia." bati niya sa akin.
"Good Morning, Daf." ganting bati ko naman rito.
"Ayos ka lang ba ate?" tanong ni Daf.
"Oo naman, ayos lang ako. Bakit mo naman natanong?" balik na tanong ko rito.
"Wala naman ate, maga kasi ang mga mata mo. Umiyak ka ba?" usisa nito sa akin.
Umiling iling ako. "Hindi ah, napuyat lang ako sa pinanuod kong Korean Drama. Alam mo naman ang ate mo avid fan ng mga korean movies." alibi ko at inba na ang usapan.
"Siya nga pala kamusta naman ang school mo? Nag-aaral ka ba naman ng mabuti?" tanong ko at pagkatapos sumubo na ako ng pagkain at nginuya ng panti-unti.
"Maayos naman ate, opo nag-aaral ako ng mabuti. Sa katunayan nga yan ate kasama ako sa honor sa klase ngayong first grading." proud na sagot ng aking kapatid sa tanong ko.
Napangiti ako sa aking narinig . "Mabuti naman , mag-aral ka ng mabuti para hindi ka magaya sa akin ha. Alam mo naman hindi ko natapos ang highschool. Kaya ikaw na lang ang mag-aral hanggang Kolehiyo para ikaw na ang makatulong sa mga magulang natin. At isa pa ang edukasyon ang tanging sandata mo sa lahat ng gustong tumapak ng pagkatao mo. At tatandaan mo na hindi ka dapat tapaktapakan g mga tao at lalong maloko ng mga gagong lalaki sa paligid mo." bilin ko sa kan'ya at ayokong magaya siya sa akin.
"Wow! Ate naman hugot ba yan. Break na kayo ni kuya pogi?" sabay tanong nito.
"Hmmm! Hwag na hwag mo ng babanggitin sa loib ng pamamahay natin ang sinungaling na lalaki na 'yon. Nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ko rito. At medyo tumaas ng bahagya ang aking boses.
"O-Opo, ate. Sorry po hindi na mauulit." garaggal ang boses na sagot nito tila natakot siya sa sinabi ko.
"Sige, mag asikaso ka na para makapasok ka na sa school at aalis na rin ako." sagot ko sabay tayo at pasok sa kwarto ng anak ko para asikasuhin ito ng maka alis na kami ng bahay.