Chapter 24

890 Words
Isang taon na pala ng mamatay si Yvo. Pero, parang kailan lang ang lahat. Habang nasa palengke ako kasama ko si Benjo ang pinsan ko na lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran dito. Akala niya yata ay ganon lang ka simple ang buhay rito. "Dahlia, buti kaya mong buhayin ang pamangkin ko?" tanong ni Benjo sa akin. Dalawang taon lamang ang agwat ko sa kan'ya kaya hindi na ako nagpapatawag ng ate at isa pa sa tangkad niya na 5'9 mas mukha akong bata sa kan'ya kong pagmamasdan. "Oo naman malaki naman kahit papaano ang kita ko dito sa palengke. Alam mo ba swerte sa akin ang pwesto na 'to. Simula na nagtinda ako rito walang araw na hindi ako nakakabenta ng paninda kung 'di man maubos halos kalahati ang nauubos." sagot ko habang nagbibilang ako ng pera sa kaha. "Talaga ba! Ang galing mo naman talaga Dhaleng.." ani niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Hindi ko gustong tinatawag ako sa palayaw ko. "Oh! Bakit ang sama mong makatingin dyan, Dhaleng?" ulit nito. Kaya naman nabatukan ko na siya. "Aray! Ang sakit non ah. Bakit ka ba nangbabatok dyan?" tanong nito sa akin. "Talagang hindi lang batok gagawin ko sayo kapag hindi ka tumigil kakatawag sa akin ng Dhaleng. Dahlia ang pangalan ko dito kaya umayos ka huh." banta ko rito. Ang pangit naman kasi talaga ng palayaw ko it sounds duling. "Okay, Dhale--" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng nakita niyang hawak ko ang malaking upo at ihahagis ko na sa kan'ya Kinuha niya sa kamay ko ang upo. "Sayang 'to, mabebenta pa kaya ito. Ikaw talaga hindi ka talaga mabiro biro." sagot nito sa akin at gusto pa yata akong asarin. "Hwag mo akong mabiro biro dyan at hindi ako nakikipag biruan sayo. Dyan ka na nga." inis na wika ko sabay walk-out. Pupuntahan ko ang karinderya ni Aling Chameng, siya lang kasi ang gusto ng tyan ko ang luto. Hindi na kasi ako nakakapag baon pa at bibili lang ako ng ulam at kanin sa kan'ya. Nang makarating ako roon kumpulan ang mga tao. Hindi ko alam kung sino na naman ang pulutan nila sa tsismisan. Sumingit na lang ako. "Aling Chameng, ano ho ang mga lutong ulam niyo ngayon?" magalang na tanong ko rito. "Dahlia, ikaw pala. Meron akong menudo, adobo, sinigang, kare-kare at fried fish, chicken and pork." sagot naman nito. "Sige po pa order ng isang kare-kare, tatlong balot ng kanina at isang adobo." sagot ko naman. "Okay, saglit lang Dahlia ha." wika nito. Habang ako naman ay naupo at naghihintay rito. Hanggang sa hindi ko namalayan na tapos na itong magbalot at hinihingi na sa akin ang bayad. "140 Pesos lahat." aniya. Dumukot ako ng pera sa wallet at inabot rito ang 150 pesos at wala akong eksaktong 140 pesos sa loob ng wallet. Agad naman niya akong sinuklian ng 10 pesos. Inabot niya sa akin ang isang supot na naglalaman ng lahat ng aking order. "Salamat ho." sagot ko. "Walang anuman, Dahlia. Balik ka ulit bukas ha." nakangiting wika ni Aling Chameng bago pa man ako umalis. Nakakatuwa rin talaga ang matandang 'yon at palagi siyang palabati at palangiti. Bumalik na ako sa tindahan at naabutan ko si Benjo na nakaupo. "Benjo tara kain na tayo?" yakag ko rito. Tumayo na siya at lumpit sa akin. "Ano ba yang mga pinamili mo?" tanong niya sa akin. "Mamili ka na lang at kukuha lang ako ng maiinom natin." sagot ko. "Sige sige." Hindi ko na hinitay pa ang sagot niya basta na lamang akong umalis at nagtungo sa cooler para kunin ang dalawang softdrinks na nakalagay sa plastic. Sinarw ng mabuti qng cooler at naglakad na rin ako pabalik kay Benjo. Nilapag ko ang softdrinks sabay upo sa tabi nito. Kinuha ko ang plato at kanin para ibuhos. Kumakain na ako ng magsalita at magtanong si Benjo. "Bakit pala hindi man lang nagkaboyfriend pagkatapos mamatay ni kuya?" tanong nito. Natigilan ako sa pag nguya ng baka at sinagot ang tanong niya. "Simple lang gusto kong magfocus sa anak ko. At wala na akong panahon sa mga ganyang bagay." sagot ko. Wala naman akong panahon para ikwento pa rito ang mga nangyari sa akin last year. "Kunsabagay, mas okay na nga ring hwag ka na muna mag boyfriend at baka hindi naman tanggap nito ang magiging anak mo." sagot naman ni Benjo sa akin. "Oo at wala na akong balak pa." sagot ko. Matapos naming kumain ng tanghalian. Nagpahinga na muna kami ni Benjo at mamaya na lang ulit magbubukas ng tindahan. Habang nakahiga ako sa folding bed at siya naman sa ibabaw ng mga malalaking cooler nakahiga. Napapa isip ako kung buhay pa si Yvo baka ganito rin kami ngayon. Pero, hanggang pangarap na lang ako. At kailanman hinding hindi na ito mangyayari pa. Sa itaas na lang ulit kami magkikita. Habang inaalala ko ang tungkol rito hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Sobra akong nalulungkot na maaga itong kinuha sa akin kagaya ng aking namayapang asawa. Ganito siguro talaga ang kapalaran ko ang palaging nawawalan ng kabiyak. Kaya ayaw ko ng sumubok ulit at baka mamatay na naman at maiwanan lang ako. Pinunasan ko ang mga rumagasang luha sa aking mga mata at pagkatapos ipinikit ko na rin ang aking mga mata at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD