Chapter 6- Pagkasuklam sa sarili

1031 Words
Isa buwan ang nakakaraan at unti-unti na rin akong nasasanay sa kalakaran ng casa. Ang mahalaga may pera akong naipapadala sa anak at kapatid ko saka ko na iisipin ang sarili ko. Hindi ko akalain na aabot ako sa ganito nakakapagod man pero, kailangan kong tanggapin na dito nakasalalay ang hindi pagkalam ng pare parehas naming sikmura. Pagkatapos nang aking performer may isang parokyanong pilit akong tini table at hindi ko 'yon tatanggihan bagkus alam ko na sa pagtable niya sa akin malaki ang perang maiipon ko para kung sakaling maka alis ako sa kumunoy na kinasadlakan ko makakabangon pa rin akong muli. Naupo ako sa upuan kung nasaan ang table nito. Nagpakilala siya sa akin na; "Hello! Tisay, I'm Sgt. Policarpio. Byudo at mayaman." bungad na pakilala niya sa akin. "Nice to meet you, Sgt. Policarpio. Nice! I'm Tisay kilala nyo naman na siguro ako at hindi ko na rin kailangan pang ipakilala ang sarili ko sayo sa gabi gabing alam ko na laman ka ng casa." diretsahang sagot ko. "Alam mo sayang ka hija, napaka ganda mo at bakit ka nagtitiis na magtrabaho rito?" tanong niya. As if naman may magagawa akong umalis dito. Kung makatakas man ako malamig na bangkay na ako panigurado. "Wala naman akong dahilan para umalis dito, Sgt. Mas mahalaga sa akin ang matugunan ang pangangailangan ng anak ko. Katulad mo ay byuda na rin ako at wala akong magagawa kundi magtrabaho para mabuhay kami ng anak ko." prangkang sagot niya at ayaw niya nang paligoy ligoy pa. "Ang bata mo pa para ma byuda hija. Anyway, salamat at nagpatable ka sa akin ngayong gabi. Heto pala ang tip mo.." nakangiting wika nito sabay abot sa akin ng limang libo. Ayos na rin kaysa ma zero ako ngayong gabi. Agad kong inipit ang limang libo sa loob ng bra na suot ko. "Oh! Paunang bayad pa lamang yan. Sa sunod mas malaki ang ibibigay ko sayo kung magpapagalaw ka sa akin." wika nito. Para akong natuod sa sinabi niya. Alam ko naman ang pinupunto niya pero, handa na ba ako? Buong buhay ko ang nakasiping ko lang sa kama ay ang asawa ko. Siya lang at wala ng iba pa ni nobyo niya siya lang rin. "Ehem.. Sgt. Policarpio, pasensya na at hanggang table muna ako sa ngayon." sagot ko.. Hinawakan niya ang kamay ko. "Okay, lang Tisay makakapag hintay naman ako. Anyway, lumalalim na rin ang gabi uuwi na ako at bukas babalik na lang ako baka sakaling pumayag ka na." sagot nito. Ngiti lang ang iginawad ko rito. Habang mag-isa na lang ako sa table. Napansin ko ang isang lalaki sa bandang dulo. Lalapitan ko sana siya kaso bigla naman itong umangat ng ulo. Nabatubalani ako sa kakisigan ng ginoo. Gwapo rin ito kahit mukhang problemado. Umalis na ako sa table at bumalik sa kwarto ko ng biglang may humawak sa kamay ko at dinala ako sa madilim na kwarto ng casa. Dinilaan niya ang leeg ko at natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin sa oras na 'yon. Hindi siya nagsasalita at lantaran na niya akong nilalapastangan. Panay hikbi lang ang aking nagawa sa takot na patayin niya ako. Pero, nang huhubarin na niya ang saplot ko buong lakas na akong pumiglas at hindi ko alam kung paano ako naka takas rito. Hindi ko na inalam kung sino siya at sobrang dilim ng paligid. Pasalamat na lang talaga ako na hindi natuloy ang masama niyang balak na gawin sa akin. Sa kwarto umiiyak ako ng tahimik at ayokong may makarinig sa akin dahil nagpapahinga na ang lahat. Saksi ang gabi kung paano ako nasusuklam sa sarili ko na bakit ako pumayag sa trabahong ito. Panay ragasa ng luha ko at pumasok sa balintataw ko ang anak kong si Zion. Miss na miss ko na siya lalo ang yakap at paglalambing nito sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. KINABUKASAN Panibagong umaga nang pagkasuklam sa aking sarili. Wala akong ganang makipag usap sa lahat at hindi ko na rin nasabi ang mga nangyari sa akin kagabi. Paano ako magsusumbong kong hindi ko naman nakita ang muntik na lumapastangan sa akin. "Ate Tisay kamusta ang gabi mo?" tanong ni Maureen at mukhang alam niya na ang pagpayag ko sa pagtable. Siya kasi ang nagsabi sa akin na mas okay magpatable para mas malaki ang kita at solo ko na 'yon wala akong share roon. Kumbaga extra tip na namin 'yon. Ang pinaghahatian kasi namin ang mga hinahagis na libi libong pera sa entablado pagkatapos naming sumayaw. "Ayos lang Maureen. Mabait naman ang naka table ko." sagot ko. "Sino si Sgt. Policarpio ba??" tanong niya at nagulat ako kung bakit alam niya. "Oo siya nga." sagot ko. "Naku! Mag-ingat ka sa kan'ya ate Tisay. Lahat yata kami tinikman niya. Hanggang tikim lang siya at isang beses ka lang niya babayaran pero, susulitin niya ang ibabayad niya sayo at pagkatapos wala na." sagot nito habang nagliligpit ng higaan. "Tinikman, anong ibig mong sabihin Maureen?" naguguluhang tanong ko. Isang buwan na rin naman ako sa casa pero, hindi ko parin gamay ang mga salitaan nila rito. "Ate Tisay naman parang inosente sa s*x. Kantutan ganon." bulgar na salita nito. "Sa tanda noon kaya pa ba ng tuhod niya?" pabirong tanong ko. Pero, sinadya ko lang na magbiro para pagtakpan ang takot at medyo kinabahan ako sa sinabi mi Maureen. Mabuti na nga lang rin kagabi hindi siya mapilit sa akin. Nakita niya yata na hindi ako sanay at baguhan ako sa mga ganyan. "Oo ate, tirik ang mga mata mo kay Sgt. Siya ang naka virgin sa akin kaya nga natuto ako hehehe." proud pa na sagot nito. Para akong nalungkot sa narinig ko. Kung makakatakas lang talaga ako rito isasama ko si Maureen para ko na kasi siyang nakababatang kapatid na rin. At ayokong maiwan siya rito. Pati na rin ang mga kasamahan ko ililigtas ko sila. Napag alaman ko na ang casa ay ilegal na pinapatakbo ni Madam Maverita. Sa umaga kasi isa lang siyang coffee store pero, pagpatak ng gabi nag-iiba ang kalakaran dito. Ganon kautak ang may-ari ng casa at kaya hindi sila mahuli huli man lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD