Gabi na naman at hinihiling ko na palaging umaga na lang sana at hwag ng sumapit ang gabi. Pero, sa lahat ng gabi ito na yata ang masaya para sa akin.
Pagkatapos kung sumayaw at gumiling kasama sina Luisa at Maureen marami na namang pera ang naglipana sa entablado. Sayang lang wala si Roxy at ilang gabi na siyang hindi namin nakakasama at hindi namim alam kung bakit. Basta na lang hindi siya namin nakikita at para siyang tinago sa ibang kwarto ng casa.
"Tisay may gustong magtable sayo." ani nito. Sabay turo niya sa lalaki na parang pamilyar sa akin na hindi ko lang malaman kung saan nga ba.
"Sige, paki sabi susunod na ako at magbibihis lang muna ako." sagot ko. Nahiya kasi ako na magpakita na ganito ang suot ko.
Makalipas ang limang minuto bumalik na ako sa loob at naupo sa tabi nito.
"Sir, hanap niyo raw ako." tanong ko sabay haplos ng mukha nito.
"Maupo ka!" masungit na utos nito.
"Ang sungit mo naman." sagot ko sabay upo.
"Look! Makinig ka, since ikaw ang baguhan rito. May itatanong ako sayo at sana sumagot ka ng maayos." wika nito.
Napaupo ako ng maayos at kita ko sa mukha nito ang pag seryoso niya. Para akong nagkainteres sa sasabihin nito.
Pasimple nitong hinawi ang suot na coat at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.. Hindi naman ako mangmang para hindi ko malaman ang ibig sabihin ng chapa na suot niya.
"Pul--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko at ilang segundo lamang ito. Para tuloy akong nabitin na ewan. Nang pitikin niya ang noo ko bumalik ako sa ulirat.
"Tumahimik ka. Oo, at wala kang dapat pagsabihan ha. Since, mukhang ikaw ang bago sa lahat at siguro naman mapagkakatiwalaan kita. Ganito, makinig ka isa ako spy sa casa na ito. Matagal na naming minamanman ang lugar na ito. Hindi kasi namin mahuli huli sa akto ang kalakaran rito. At napaka utak ng may-ari nito sa tuwing sasalakay kami ang bilis nitong magawa ang lahat. Ewan ko ba kung may nagtitip sa kanila. Kaya makinig ka ha! Alam kong gwapo ako hwag ka sa mukha ko tumingin." mayabang na wika nito. Ang gwapo sana kaso ang presko kabweset lang.
"Oo nakikinig ako, at teka sino bang nagsabi sayo na sa mukha mo ako nakatingin. Gosh! Napaka assuming mo pala." sagot ko para ipagtanggol naman ang aking sarili rito.
"Okay sabi mo e, sige! Anyway, bukas sasalakay kami ngayong napagtanto ko na tama kami sa mga sapantaha namin. Kaya bukas ng gabi hwag na hwag kang papayag na ikaw ang sasayaw sa entablado. Alam kong ikaw ang star nila sa casa kaya mag-iingat ka. Sayang ka ang ganda mo pa naman at mukha kang bata." sagot nito sabay lagok ng alak.
"Talaga namang maganda ako. Ano bang plano?" usisang tanong ko.
"Is none of your business. Sige na aalis na ako at sundin mo ang mga bilin ko." mariing wika nito sabay alis. Bweset na 'yon hindi man lang nagtip sa akin. Pulis nga kuripot naman.
Nang nakita ko si Sgt. Policarpio ulit umiwas na ako. Natakot kasi ako sa sinabi ni Maureen kagabi. Ayokong maisama sa mga naikama nito.
Habang nasa kwarto ako palaisipan sa akin ang sinabi ng preskong pulis na 'yon. Hindi ko alam kung pulis ba talaga siya o nilalansi niya lamang ako. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip.
KINABUKASAN
Tinanghali nang ako'y magising medyo nasa utak ko parin ang sinabi ng pulis kuno na naka usap ko. Pero, paano kung tama siya. Susundin ko ba ang gusto niya? Makikinig nga ba ako sa kan'ya. Ang hirap naman ng sitwasyon ko hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kumatok sa kwarto ko si Madam Maverita hindi ko alam kung bakit niya ako sinadya sa kwarto ko.
"Tisay, mamayang gabi ikaw ang magsasayaw ulit." ani nito. Hindi ko alam kung papayag ako. At naisip ko ang sinabi ng pulis kagabi.
"Madam medyo masama po ang pakiramdam ko ngayon. Baka pwedeng hindi na muna ako magsayaw." sagot ko at sinadya kong mag ubu ubuhan para makita niya na may sakit ako.
"Ano ba yan pinag gagawa niyo sa mga katawan niyo. Uminom ka ng gamot at magpahinga mamaya galing ka na niyan." pagalit na wika nito base sa tono ng boses niya.
"Okay po, madam." sagot ko at baka magalit pa siya sa akin kong hindi ako susunod sa gusto niya. Bahala na nga mamaya kong babalik ang pulis na 'yon. Kong magkataon magtatago na lang ako.
Nang maka alis na si Madam Maverita. Nahiga na ako at pinanindigan ko na talagang may sakit ako. Kaso ginising naman ako ni Maureen at kailangan na raw naming mag asikaso para mamayang gabi. Wala na akong nagawa kundi bumangon at mag ayos nang aking sarili.
Pagpatak ng alas syete ng gabi nagsisimula na kaming pumila at ayan na nga ang hudyat na kailangan ko ng sumayaw sa entablado. Sobra akong kinakabahan sa mangyayari pero, ayokong ipahalata sa lahat. Nang umakyat na ako sa entablado at nagsimula nang sumabay sa maharot na saliw ng musika ang aking malambot na balakang na may kasamang pag giling habang pinapatakam ko ang lahat ng kalalakihang nanunuod.
Lahat sila ay sabik ng muling masilayan ang pinakatatago tago ko sa mga kakarampot na kasuotang suot ko ng oras na 'yon. Panay linga ko naman at hinahanap ang mukha ng lalaki na nakilala ko kagabi ngunit wala siya ngayon rito. Sabi ko na nga ba pinagloloko ako ng lalaking 'yon. Ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw sa maharot na musika hanggang sa nang aalisin ko na ang saplot na suot ko biglang nagkagulo ng pumasok ang mga sibilyan na may dalang baril. Sabay sigaw ng; "Raid! Walang kikilos ng masama sainyong lahat. Dumap kayo dapa bilis." sigaw ng mga pulis at sunod na pumasok ang mga media. At hindi ko alam ang gagawin ko ng oras na 'yon hanggang sa may lumapit sa akin. "Tsk! Tsk! Ang tigas ng ulo mo talaga ano." wika nito sabay hubad ng suot niyang coat at tinakip sa halos hubad ko ng katawan. At nang lumiwanag ang paligid kitang kita ko ang gwapo nitong mukha. At tama nga ito sa mga sinabi niya sa akin. Isa siyang pulis at ngayon sila sasalakay.
Dinala niya ako sa kwarto at pinaupo. "Dito ka na muna at mag bihis ka. Hahanapin pa namin ang mga kasama niyo." wika nito. Hindi ko alam kung saang room ito at hindi ako pamilyar. Umalis na ito at naiwan ako hanggang sa hinanap ko ang switch ng ilaw at halos manginig ang buong katawan ko na makita ang mukha ni Roxy na putlang putla. Nilapitan ko ito at sumigaw ako ng pagkalakas lakas ng mahawakan ko ang malamig niyang katawan. Patay na ito at ilang araw na. Kaya pala hindi namin siya nakikita dahil patay na siya. Hindi ko maiwasang rumagasa ang luha sa mga mata ko. Kahit naman hindi kami naging okay noon naging maayos naman ang naging samahan namin ng mga sunod na araw. Sobrang sakit lang na hindi nila binigyan ng maayos na libing ito.
At dahil sa sigaw ko narinig ito ng pulis kanina at bumalik sa kinatataguan ko.
"Bakit ka ba nagsisigaw dyan??" tanong nito sa akin.
At nang nakita niya ang bangkay ni Roxy agad siyang tumawag sa hawak niya na hindi ko naman masyadong nakita basta naririnig ko lang ay naghahanap siya ng back up..
"Sige na kumalma ka na dyan. Halika na at ilalabas na kita. Kailangan mong pumunta ng presinto para mahingian ka namin ng statement. Naroon na rin ang iba mo pang kasama sa mobile car. " ani nito. Tumayo na ako at suot ko parin naman ang coat nito at infairness ang bango nito parang hindi pinawisan.