Chapter 4- Trabaho

1304 Words
KINABUKASAN Sinundo nga ako ni Mang Tasyo sa bahay kung saan kami nakatira ngayon. Wala akong masyadong kaayos ayos sa sarili ko at nagpaalam na rin ako sa anak at kapatid ko. Hindi ko kasi alam kung anong oras ba ako makakabalik. Hindi ko rin alam kung saan at anong trabaho ba ang papasukin ko. Pagsakay ko sa Van na alam kong pagkamay-ari ni Madam Maverita. Naramdaman kong pinaandar na rin ito ni Mang Tasyo. Medyo malayo ang byahe namin pero, hindi na rin ako nagtanong pa. Hanggang sa tumigil ito sa isang malaking gusali na hindi ko pa nakikita kailanman. "Nandito na tayo, bumaba ka na." utos nito sa akin kag'yat nagmamadali na rin akong bumaba at sumunod kung saang pintuan siya nagtungo. Sa una ay naguguluhan pa ako hangga't napagtanto ko na hindi normal na trabaho ang pinasok ko. Kaliwa't kanan ang mga babaeng nagsasayaw sa entablado na halos kakarampot lamang ang kanilang suot sa mga maseselang bahagi ng kanilang katawan. Sa araw na 'yon namulat ako sa trabahong pinasok ko. Nang makita ako ni Madam Maverita nilapitan niya agad ako. "Oh! Tisay nandito ka na pala. Halika at ipapakilala kita sa mga makakasama mo dito." ani nito. Sumunod na lamang ako at ayokong magalit siya sa akin. "Girls, this is Dahlia pero, sa loob ng casa tawagin niyo siyang Tisay. Maliwanag ba??" tanong nito sa lahat ng mga babaeng halos hubad na rin sa aking harapan. "Hello! Tisay, ako pala si Roxy. Ang star coaches rito. Kung may mga practice tayo kailangan mong sumabay sa amin. Ayoko ng kukupad kupad, maliwanag ba?" paninindal agad nito sa akin. Hindi naman ako natakot sa sinabi niya pero, mas natatakot ako sa kahihinatnan ko rito. "Oo, nakikinig naman ako." sagot ko. "Mabuti na ang nagkakaliwanagan. Ayoko ng bida bida dito." sagot pa nito. "Tama na nga yan ate Roxy. Hi ako nga pala si Maureen." pakilala ng isa pa sa akin at sa tantya ko nasa bente lamang ang edad nito. Napaka bata niya para pasukin ang ganitong trabaho. Lalo na't ang isa pang nagpakilala sa akin. "I'm Luisa, kinagagalak kitang makilala ate Tisay." lambing ng isang bata na sa tantya ko ay disi otso pa lamang ito. "Tama na nga yang arte niyo halika na't mag ensayo at mamaya manunuod si Madam Maverita sa performer niyo. Ayokong mapapahiya kay Madam alam niyo yan kaya umayos kayong lahat. Maureen samahan mo na si Tisay sa kwarto niya ng makapag palit na siya ng damit niya." utos nito kay Maureen. "Okay ate." sagot naman ni Maureen. Sabay baling ng tingin sa akin. "Halika na ate Tisay, sumunod ka sa akin." yakag nito sabay ngiti sa akin. "Sige.." sagot ko naman. Habang naglalakad kami doon na ako naka kuha ng tyempo rito para magtanong. "Anong ginagawa mo sa lugar na 'to? Dapat nag-aaral ka pa hindi ba?" tanong ko. "Aral? Hindi na uso 'yon sa akin ate. Basta napapalamon ko ang pamilya ko masaya na ako. Aanhin ko naman yan kung mamatay naman kaming lahat sa gutom." sagot niya sa akin. Para akong nahabag sa sinabi niya. Sa murang edad niya pasan na agad niya ang buong pamilya niya. "Pero, bakit ikaw ang bumubuhay sa pamilya mo? Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko. At hindi naman sa nang hihimasok ako ng buhay niya. "Sabay na namatay ang mga magulang namin sa isang aksidente at tatlo kaming kapatid ko ang himalang nabuhay. Ako ang panganay kaya ako dapat ang bumuhay sa kanila, ate Tisay." sagot naman nito. At sa pagkakataong 'yon hindi ko maiwasang humanga sa kan'ya. Siguro nga kung ako rin ang nasa katayuan niya ay gagawin ko ring magsakripisyo sa mga kapatid ko. "Ganon ba! Teka, ilang buwan ka na bang nagtatrabaho rito sa casa?" tanong niya. "Taon na rin ate Tisay at sanayan na lang kung paano ko sisikmurain ang mga gabi gabi na may gumagalaw sa akin." sagot niya. "Gumagalaw? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at bigla akong kinabahan kung tama nga ba itong trabahong pinapasok ko. "Opo, ate Tisay. Kapag natipuhan ka kasi ng mga parokyano bibilhin ka nila ayon sa presyong mapagkakasunduan at may shares ka naman roon." sagot niya. "Ano??" 'di makapaniwalang tanong ko. Hindi ko inasahan na magbebenta kami ng katawan dito. Ang alam ko lang magsasayaw..Parang ngayon pa lang gusto ko ng umatras sa napagkasunduan namin. "Sige na ate Tisay mamili ka na dyan ng susuotin mo para mamaya at marami na akong naikwento sayo. Ikaw ate bakit ka nandito?" tanong niya. "Trabaho ang pinunta ko rito pero, hindi ko alam na ganito ang trabahong kasasadlakan ko." sagot ko. "Hindi mo ba alam 'yon ate Tisay? Hindi ba sinabi sayo ang trabahong pinasok mo?" tanong niya sa akin. "Hindi. Ngayon ko lang nalaman. At kong mas maaga kong nalaman hindi ko ito papasukin." sagot ko dahil 'yon naman ang totoo. "Pero, nandito ka na ate. Mahirap tumakas dito at malalagot ka kay Madam Maverita napaka sama niyang kaaway. Pinapatay nila ang mga taong nakakatakas dito. Kaya kong gusto mong maka alis dito ate Tisay magpa take-out ka na lang sa labas. Tiyak kung makaka alis ka sa impyernong lugar na ito." sagot niya. Hindi na natapos ang usapan naming dalawa ng pumasok si Roxy. "Bilisan niyo dyan at kayong dalawa na lang ang hinihintay." masungit na wika nito. "Opo ate Roxy tapos naman na kami, hindi ba ate Tisay?" sabay baling na tanong niya sa akin. "Oo, palabas na rin kami." sagot ko. Pala isipan sa akin ngayon ang sinabi ni Maureen. Magpatake out, kanino naman? Ayoko na sanang tumagal pa rito at ayoko nang sinasabi niyang magpapagalaw. Buong buhay ko ang asawa ko lang ang nakagalaw sa akin kaya hindi ko maaatim na may yumurak sa p********e ko na sino man. Lumabas na kami sa kwarto at nagsimula nang mag ensayo. Ginalingan ko para matapos agad ang ensayo namin at doon pa lang pinuri na agad ako ni Madam Maverita bagay na hindi nagustuhan ni Roxy. "Good job girls. At lalo na sayo Tisay. Kong ganyan ka lagi wala tayong magiging problema sa trabaho." wika nito. Pagka alis ni Madam nilapitan ako agad ni Roxy sabay sabi na; "Bida bida, kakasabi ko lang diba kanina ayoko ng bida bida. Kung gusto mong tumagal dito makisama ka na lang." mariing wika nito at hinawakan niya ang buhok ko nang mahigpit hanggang sa makaramdam ako ng sakit. Sobrang sakit ng anit ko para na akong mabubunutan. "Bitawan mo nga siya Ate Roxy." saway ni Maureen. "Hwag kang makialam rito kong ayaw mong sayo ko ibunton ang galit ko. Isa ka ring bida bida." galit na bulyaw nito sa aming dalawa ni Maureen. Ngayon pa lang parang hindi na nga ako tatagal sa trabahong kinasadlakan ko. Pero, paano nga ako makaka alis gayong walang ibang daanan ang casa kundi ang kaisa isang pintuan na puro gwardya. Tiyak mamatay ako kung tatakas ako ngayon. Kaya tama si Maureen hihintayin ko ang sinabi nitong take-out at mas gagalingan ko para mapansin ako ng sino mang magte take-out sa akin. Pagkatapos ng aming ensayo pinabalik na kami sa aming kwarto para ayusan ang aming sarili. Kitang kita ko kung paano sila mag-ayos lalo si Maureen ang pula ng labi niya at pisngi. Hindi ako sanay sa ganitong ayos ng aking mukha pero, kailangan kong sumabay sa kanilang lahat.. At pagkatapos akong ayusan ni Maureen halos hindi ko na nakilala ang aking sarili sinabayan pa ng kakarampot na kasuotang suot ko na litaw ang aking clevage at singit. Naiiyak man pero, wala akong magagawa kundi sumabay sa agod ng bago kong mundo.. Bilang isang entertainer nang mga parokyano.. "Bilisan niyo nar'yan na sila." pagmamadaling utos ni Roxy sa amin. At kitang kita ko ang talim ng kan'yang tingin sa akin na parang gusto akong sakmalin na lang anumang oras na kan'yang naisin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD