Tatlong Linggo mula ng na ospital si Dahlia at sinundo na siya ni madam Maverita. Tulad ng sinabi nito dinala siya sa isang bahay at naroon na rin ang nakababatang kapatid niya na si Daffodil at ang anak niyang si Zion. Agad siyang niyakap ng anak ng makita siya nito.
"Mama, mabuti na lang nandito ka na po. Namisd kita, Mama ko." paglalambing ng kan'yang anak na si Zion.
Niyakap naman niya rin ang anak sabay bulong dito na. "Namiss ka rin ng Mama anak. Alam mo ba marami akong ikukwento sayo." ani niya.
"Tulad ng ano po, Mama??" tanong ng bata na nahihiwagaan sa sinasabi ng kan'yang Mama.
"Mamaya anak magpapahinga lang ang Mama ha." sagot niya rito.
"Okay, Mama maglalaro na lang muna kami ni Auntie Daffodil." wika nito sabay halik sa labi niya.
Nang maka alis na ang anak at kapatid niya doon na siya kinausap ng matanda.
"Bweno, Dahlia hindi na rin kami magtatagal ni Tasyo bukas na bukas ipapasundo kita sa kan'ya para magsimula ka na agad sa trabaho mo. Maliwanag ba??" tanong ni Madam Maverita sa kan'ya. Pero, hindi parin naman nito sinasabi ang trabaho na inaalok niya.
"Sige po. Siya nga pala, paano po ang upa namin dito sa bahay?" tanong niya.
"Hwag munang alalahanin pa. As long as you work for me, the monthly rental is fee. Okay na ba? Pwede na kaming umalis?" balik na tanong niya rito.
"Oho! Maliwanag naman na sa akin ang lahat." magalang na sagot niya.
"Okay, good." sagot naman nito sabay lakad papalayo at sinundan na lamang niya ang bulto nito na papalayo sa kan'ya.
Naglakad siya sa loob ng kabahayan. Well masasabi niyang maganda ito at malinis. Hindi nga lang sobrang laki pero, ayos na sakanilang tatlo. Nagsimula na siyang maglinis at makialam ng mga gamit sa loob. Nang matapos siya nagpahinga muna at hindi namalayang nakaidlip saglit. Nagising na lang siya sa halik sa noo ng kan'yang anak.
"Mama, we can play now?" tanong ng bata.
"Ahmmm! Later na anak pagod ang Mama. Kayo na lang ulit ni Auntie Daffodil mo ang magplay." utos niya sa anak. Nakita niyang lumungkot ang mukha nito pero, wala siyang magawa kundi sanayin ang anak sa kapatid niya para hindi na rin mahirapan ang bata kapag palagi siyang wala sa bawat araw. Ayaw niya naman magtampo ang kan'yang anak pero, kailangan niya na rin kasi na magtrabaho para sa kanilang tatlo. Sa pasukan mag-aaral na rin si Daffodil sa highschool at siya na ang magpapa aral sa kan'yang kapatid ng mabawasan naman ang gastusin ng kanilang mga magulang sa dalawa nilang kapatid.
Inayos na niya ang kanilang tanghalian at ayaw niyang malipasan ng gustom ang anak at kapatid. Di bali nang kakaunti ang pagkaing nakahain sa hapag basta't hindi magugutuman man lang.
Nang matapos siyang makapag ayos tinawag niya na muli ang dalawa. Sa pagkakataong 'yon nakangiti na ang kan'yang anak at tumabi sa kan'ya.
Pinagsilbihan niya ang kan'yang anak. Pinag himay niya pa ito ng isdang bangus at baka matinik pa ito.
"Kain ng kain lang anak ha. Magpalaki ka at laging makikinig kay Auntie Daffodil kapag wala ako dito sa bahay." bilin niya sa anak. Natigilan ang bata sa pagsubo sabay sabi na; "Bakit, saan ka naman pupunta Mama?" tanong ng inosenteng bata.
"Hmm! Anak, may trabaho na kasi ang Mama at kailangan kong pumasok araw-araw roon. Kaya si Auntie Daffodil mo na lang lagi ang madalas mong makakasama." sagot niya.
"Okay, Mama. Makikinig po ako lagi kay Auntie Daffodil. Pero, saan ba ang work mo Mama?" tanong ulit ng anak. Hindi niya masagot ito sapagkat hindi rin naman niya alam kung saan at ano ang trabahong papasukin niya.
"Kain ka na anak, malayo ang trabaho ng Mama. Pero, ang pangako ko sayo sa unang sweldo ko magtutungo tayo sa gusto mong pasyalan. Ano nga 'yon ulit anak?" paglalambing niya rito.
"Ah! Yong nakita ko po sa telivision. Yong napakaraming isda Mama." sagot nang bata.
"Ocean Park 'yon, Zion. Sikat at dinarayo 'yon sa Maynila." singit ng Auntie Daffodil ng bata.
"Opo, ayon nga Auntie Daffodil. Aasahan ko po 'yon, Mama. Maraming salamat na po agad ngayon pa lang." wika ng bata.
"Opo, anak. Tutuparin ng Mama ang pangako ko. Mahal na Mahap kita, anak ko." madamdaming wika niya sa anak.
Nang matapos na silang kumain na tatlo. Hinayaan na ni Dahlia na magligpit ng kanilang pinagkainan ang kan'yang kapatid.
"Sige ilagay muna lang yan sa lababo at paki hugasan na rin, Daf." mariing utos niya at bilin sa kapatid. Tinawag niya pa ito sa palayaw nito.
"Opo, ate." magalang na sagot ni Daffodil sa kan'yang ate Dahlia.
Habang siya naman ay nakipaglaro na nang chess sa kan'yang anak. Nahihiwagaan siya dahil sa murang edad ng kan'yang anak ay nakahiligan nitong maglaro ng chess bagay na hindi niya naman paboritong laruin. Napapangiti siya ng nanalo ang kan'yang anak.
"Mama, hindi ka naman nanalo sa akin." bibong sagot nito. Kaya ginulo niya ang buhok ng bata na ikinatawa na lang nito.
"Sorry, anak! Alam mo namang walang alam si Mama sa chess, e' dama lang naman ang nilalaro namin noon ng Auntie Daffodil mo." alibi niya at ayaw niya lang isipin ng kan'yang anak na hindi siya marunong na maglaro ng chess. Nasakit lang kasi ang kan'yang ulo sa pag-iisip.
"E, di mag dama na lang tayo, Mama. Kung ayon ang ibig mong laruin?" tanong ng bata.
"Okay po Mama!" nakangiting sagot ng bata na tuwang tuwa na napagbigyan niyang muli. Sa totoo lang napakababaw lang naman ng kaligayahan ng kan'yang anak. Kaso lang sa pagkamatay ng Ama nito bigla na lang naglaho ang kasiyahan ng bata. Hindi gustong makita ni Dahlia ang sinapit ng asawa at sa murang edad ng anak niya ay saksi na ito pagkawala ng Ama niya.
"Hindi na anak, okay lang naman sa Mama kung anong gusto mong laruin. Hindi naman na hirap ang Mama sa ganyang laro. Sige na umulit na lang tayo ulit kung gusto mo pa." tanong niya sa anak.
"Natalo na naman ulit kita, Mama." masayang wika ng bata.
"Opo nga, ang galing galing mo talaga anak ko. Sige na maligo ka na nang makatulog ka na rin. Mag aayos na lang muna ang Mama rito ha." ani niya sabay kiss sa labi ng bata. Nakasanayan na nilang mag-ina ang paghalik sa labi bagay na hindi naman naiba sa kanilang dalawa.
Natahimik si Dahlia ng makapag isa na lamang siya. Iniisip niya kung buhay pa sana ang Asawa hindi siya makakapagtrabaho ng wala sa oras kaso nangyari na ang lahat lahat kaya wala siyang magagawa kundi maghanap buhay para mabuhay silang mag-ina.