Habang lulan kami ng mobile Van tahimik lang ako katabi ko si preskong pulis. At nang mabasa ko ang apilyido nito Ynarez. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kan'ya umiwas ako ng tingin.
"Are you done checking with me? Sabi na nagwagwapuhan ka talaga sa akin, Ms.--" preskong wika nito sabay natigilan ng hindi niya masabi ang pangalan ko.
"Kapal mo naman, sinong nagsabing gwapo ka?"
"Ako!!" sagot nito.
"Dahlia Espinosa, ayan ang buong pangalan ko. Byuda at may anak na walang balak pumasok sa isang relasyon." sagot niya.
"Hala! Ang advance mo naman Mrs. Dahlia, hindi ko naman tinatanong kong anong pangalan mo." sagot nito. Tila para siyang napahiya sandali sa mga sinasabi nito.
Nang nalalapit na kami sa himpilan ng pulisya bigla akong kinabahan sapagkat hindi ko alam kung ano nga ba ang mga itatanong nila sa akin roon. "Mrs. Dahlia nandito na tayo. At yong namatay niyong kasama nasa morgue na rin. Napag alaman namin ayon sa autopsy namatay siya sa sakit na HIV. Hindi man lang siya pinaospital at baka sakaling gumaling pa siya." wika nito. Nagulat ako sa isiniwalat niya sa akin. Hindi ko alam na ganon ang sinapit nito. Pero, kung alam ni Madam na may sakit siya bakit hindi man lang ito pinagamot.
Nauna na itong bumaba at sumunod naman ako. Naabutan ko sina Maureen at Luisa katatapos lang nilang kuhanan ng statement at hindi nila naiwasang maging emosyonal nang makita ako.
"Ate Tisay, mabuti naman ligtas ka. Akala namin napaano ka na rin kagaya ni ate Roxy." wika nito na naiiyak pa.
"Okay lang ako. Kayo kamusta na?" tanong ko sa kanila.
"Heto ate okay lang rin, hinihintay na lang namin sunduin kami ng mga magulang namin. Pasensya ka na ate Tisay hindi ka na namin mahintay pa ni Luisa. Nagpapasalamat ako na nakilala kita ate, mag-iingat ka palagi." wika ni Maureen at sabay paalam na rin sa akin. Hindi tuloy maiwasang maiyak ako sa paghihiwalay namin. Para ko na kasi silang mga kapatid ni Luisa kaya nalulungkot rin ako. Pero, sa kabilang banda masaya ako na sa wakas makakauwi na rin sila sa kani kanilang bahay.
Sinundan ko na lamang ng tingin ang dalawa bago ako pumasok sa loob para kuhaan ng statement ng mga ito.
Pagpasok ko sa loob pinaupo nila ako at tinanong isa-isa na nasagot ko naman. Maya maya lang nilapitan na ako ng pulis na tumulong sa akin. Si Prosecutor Ynarez. Pulis nga talaga siya at kitang kita ko naman.
"Tara na Dahlia, at ihahatid na kita sa bahay mo." offer nito. Pero, tumanggi ako at parang napaka espesyal ko naman sa taong ito para samahan pa niya ako.
"Hwag ka na ngang makulit dyan. Maraming mga masasamang tao no. Kailangan mong ihatid at hwag ka ng tumanggi pa." mariing wika nito. At kahit naman umayaw ako tama siya masyado ng gabi sa labas at hindi ko naman gustong mapahamak pa.
"Sumunod ka sa akin." sunod na wika nito bago naglakad palabas ng himpilan. Sumunod naman ako at nagtaka ako kung bakit hindi siya sa mobile car sasakay.
Nang makita niya ako tinawag niya ako.
"Oh! Ano pang tinatayo tayo mo dyan. Pumasok ka na hwag mo nang hintayin na buhatin pa kita at hindi mangyayari 'yon." masungit na wika nito.
"Oo heto na nga papasok na." nakabusangot na sagot ko. Hindi man lang kasi ito maging sweet man lang. Kikiligin pa sana ako sa kan'ya.
Tahimik itong nagdrive papalayo ng himpilan. Ituturo ko sana ang daanan patungo sa bahay ko pero, mukhang hindi na kailangan pa. At alam na rin nito kung saan ang lugar ng aking bahay. Nang pumasok ito sa loob ng subdivision namin nagtaka ako ng kawayan siya ng guard. Ganon ba siya ka popular at kilala siya pati ng guard dito.
Hindi ko na lang pinansin pa ito. Masaya ako na finally makakauwi na ako sa anak ko. Gustong gusto ko ng mayakap ang anak ko ng mahigpit. Hindi na ako maghahanap ng trabaho pa at magtatayo na lang ako ng maliit na negosyo para panimula ko. May mga naipon naman ako sa mga share at tips at sahod ko. Tama na 'yon para makapag simula na rin ako.
Pagdating namin sa labas ng bahay. Excited akong bumaba at nag doorbell at napaiyak ako ng muling masilayan ang aking kapatid na si Daffodil. Niyakap ko siya agad pagka bukas niya pa lamang ng gate. At nawala sa isipan ko ang preskong pulis na naghatid sa akin.
"Ate Dahlia mabuti naman umuwi ka na rin. Nag aalala na ako sayo ng sobra hindi kit matawagan sa telepono mo. Ano bang nagyari sayo?" tanong ni Daffodil sa akin kaso wala ako sa huwisyo para magkwento pa. At ayoko na rin sanang ipaalam pa rito.
"Mahabang istorya Daf, pwede bang papasukin mo muna ako nang makapag pahinga na rin ako..At bukas na tayo mag usap. Ang anak ko kamusta na siya?" tanong ko dito.
"Tulog na si Zion ate. Sige bukas na nga lang at nang makapagpahinga ka na rin ate." sagot ni Daf.
Pumasok na ito sa kwarto at naiwan naman ako sa sala.. Hanggang sa naalala ko ang preskong pulis kaya tumayo ako para magpasalamat rito. Lumakad ako at lumabaw ng gate kaso hindi ko na ito nakita rito. Kaya bumalik na lang rin ako sa loob para makapagpahinga na rin dahil lumalalim na rin ang gabi.
Habang nakahiga na ako at hindi parin mawaglit sa isipan ko ang mukha ng preskong pulis. Pabaling baling ako sa kama kaya tumayo na lang rin ako para kumuha ng tubig. Nilagok ko ang malamig na tubig para mahimasmasan ako sa mga iniisip ko. Hindi ko na dapat iniisip pa ang preskong pulis na 'yon at hindi naman siya dapat ko pang isipin. Sapalagay ko naman hindi na ulit kami magkikita nito. Muli akong bumalik sa kama at sinubukang ipikit ang aking mga mata hanggang sa dalawin na rin ako ng antok at pagod at nakatulog na ako ng mahimbing na wala ng iniisip pa na kahit ano. Ang mahalaga naka uwi na akong ligtas sa bahay namin at makakasama ko na rin ang anak ko at sisiguraduhin kong hindi na kami magkakawalay pa.