Chapter 2- Pagsubok (Part 2)

1011 Words
Hindi pa nga niya natatapos ang unos na problemang kinakaharap. Isa na namang pagsubok ang ipinagkaloob sa kan'ya. "Misis, two lines, buntis ho talaga kayo. Bakit parang ayaw niyong maniwala? Mag-iingat ho kayo at ibibigay ko ang reseta na kailangan niyong bilihin." sagot ng doktora na nag check-up sa kan'ya pagkatapos niyang mahilo kanina. Hinahabol kasi niya ang insurance at investment nang namayapa niyang asawa ngunit parang pinagsakluban ng langit at lupa siya ng malamang sarado na ang CUP. Hindi agad nakaimik si Dahlia sa kan'yang nalaman. Nang iabot ng doktora ang mga reseta tulala pa rin siya at hindi malaman ang kan'yang gagawin. Takot siya na baka hindi niya magampanan ang magiging responsibilidad niya sa magiging bagong anak gayong mag-isa na lamang siya sa buhay. At may isa pa siyang anak na binubuhay. Nang maka alis siya sa clinic na kung saan siya dinala na tumulong sa kan'ya. Marahil nga tama rin na nalaman niya ma buntis siya para mapaglagpag niya ang bata sagabal lang kasi ito sa tatahakin niyang buhay. Habang naglalakad siya hindi niya namalayan ang paparating na Van at siyay nasagasaan. Hindi naman magkamayaw si Madam Mavirita nang may mabanggang babae ang kan'yang driver. "Putang ina naman, Tasyo oh! Hindi ka talaga nag-iingat sa pagmamaneho mo. Ano namatay ba??" tanong ng ginang na may-ari ng Van na nakasagasa kay Dahlia sa daan. Kagagaling lang nito sa labas para i-check ang nabangga. "Buhay pa ho siya ma'am at maganda. Kailangan natin siyang tulungan at dalhin sa ospital para magamot." wika ni Tasyo na kinakabahan at baka makulong pa siya. "Anong pinagsasabi mo, tara na't baka marami pang maka kita sa atin." mariing utos niya. "Pero, ma'am sayang naman si Tisay at baka pwede mo siya magamit--" natigilan ito at nakuha naman ni Mavirita ang nais ipahiwatig ng driver niyang si Tasyo ng makita mula sa bintana ang napakaganda dalagita. Kuminang ang mga mata niya at tila naka jackpot siya sa babae. "Bweno, sige Tasyo bumaba ka ulit room at buhatin mo ang babae na 'yon tutulungan natin siya." utos ni Mavirita sa kan'yang driver na si Tasyo at agad namang tumalima ito at bumaba ng sasakyan. Pagbalik niya bitbit na niya ang maganda at maamong mukha ng dalagitang nabangga nila. Mukha lang dalagita si Dahlia dahil bata pa naman talaga siya nag-asawa pero, ang totoo nasa bente dos anyos na siya kaso lang maagang nabyuda. Muling nagising si Dahlia sa pagkakatulog at pilit inalala ang nangyari kung bakit siya nasa loob ng ospital. Hinawakan niya ang kan'yang ulo na sumakit dahil na rin sa pagkaka alog nito gawa ng pagkakabangga sa kan'ya. Natahimik siya ng may pumasok na dalawang tao na hindi naman niya kilala. "S-Sino po kayo? Bakit kayo nasa kwarto ko ngayon?" sunod sunod na tanong niya sa mga bagong dating na panauhin. "Hindi na mahalaga ineng, nandito ako para mag offer sayo ng trabaho." sagot ng may edad na babae siguro ang tantya niya nasa kwarenta'y anyos pa lamang ito. "Ano po bang trabaho yan? Hindi po ako nakapag aral ma'am kaya wala akong alam sa mga kumpanya.." sagot naman ni Dahlia na tinawanan ng malakas ng driver nito na si Tasyo. "Hahaha! Hindi ka nakapag aral tapos maghahangad ka ng magandang trab--" natigilan ito ng sikuhin ni madam Maverita. "Husto na! Manahimik ka dyan, Tasyo at baka hindi kita matantya at ikaw ang mapalayas ko ngayon din." banta nito nahintakutan naman si Tasyo kaya natahimik. "Bweno, ineng ika'y ba ay marunong sumayaw? Kumanta?" tanong nito habang sinisipat ang kabuuhan niya mula ulo at hanggang paa at balik ulit sa kan'yang ulo. "H-Hindi rin po at sanay lang ho akong magtanim sa bukid namin. Kung hindi nga lang ako dinala ng nobyo ko dito sa Maynila hindi ho ako makakarating rito." sagot niya. Tumikhim ang ginang. Medyo nagulat siya sa sinabi nito. "Ineng may nobyo ka na pala." aniya. "Oho! Pero, patay na po siya. Nagsama po kami noong buhay pa siya." sagot niya at hindi rin niya malaman kung bakit ba niya kinukwento rito ang buhay niya. "Bweno! Basta hindi siya magiging sagabal sa mga business transactions natin. Siya nga pala buntis ka pala ineng, kaso nakunan ka at wala na ang bata sa sinapupunan mo. Kailangan mong manatili muna rito para makapag pahinga. Hwag mo ng isipin ang mga gastusin dito at ako na ang bahala sayo. Basta sisiguradihin mo lang na magta trabaho ka sa akin. Maliwanag ba???" tanong ng ginang. "O-Opo, ma'am!!" sagot niya na nauutal pa. Hindi pa naman niya alam ang trabaho na papasukin niya para sa kan'ya hulog ng langit ang ginang dahil sinagot na nito ang panalangin niya na magkaroon ng trabaho para mabuhay niya ang anak na si Zion. Habang paalis na ang ginang at ang kasama nitong tinawag na Tasyo naulinigan niya ang sinabi ni Tasyo. "Naku! Madam tiba tiba ka talaga kay Tisay!! Tiyak ko pagkakaguluhan yan ng mga parokyano." wika nito. "Tama ka naman dyan, Tasyo kaya may bonus ka sa akin." sagot ng ginang na pangiti ngiti pa. Pagka alis ng dalawa palaisipan kay Dahlian kung ano nga bang trabaho ang sinasabi nitong papasukin niya. Pero, ang mahalaga meron na siyang trabaho at kahit anu pa man 'yon at tatanggapin niya ng maluwat sa dibdib niya. Ipinikit na niya ang mga mata at nagdasal. Pinagdasal niya ang pagkawala ng anak niya. Mabuti na rin 'yon kasi ayon rin naman ang plano niya. Mas napabuti nga lang at hindi na siya nakagawa ng kasamaan. Ayaw niya rin naman sana gawin 'yon kaso ayaw niya rin naman na lumaki ito sa kan'ya na salat sa buhay. Hirap na nga siya sa anak na si Zion madaragdag pa ba siya. Kung buhay lang sana ang asawa niya hindi siya maghihirap ng ganito. May kaya sa buhay ang pamilya nito at may sariling business sila kaso lang ayaw sa kan'ya ng mga magulang nito kaya itinakwil ang asawa niya. Kahit ng namatay ang asawa niya hindi niya man lang nakitang sumilip ang mga byenan niya at talagang tinikis nila ang sariling anak dahil sa pride nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD