Chapter 1- Pagsubok

1026 Words
Taong 2000 Malakas ang buhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat, ngunit nanatiling naka luhod si Dhalia sa puntod ng yumaong asawa na kakalibing lang kani kanina lamang. Nagpaiwan muna siya at hindi niya matanggap na iniwan na siya ng mahal niyang asawa. Mula pagkabata ito na ang naging tagapag tanggol niya kaya para siyang napilayan ng namatay ito. At kasabay ng malalaking patak ng ulan na bumabagsak sa kan'yang katawan ay ang rumaragasang luha sa kan'yang mga mata. "Mahal ko, bakit mo naman ako iniwan ng maaga. Huhuhuh!" tanong niya sa puntod nito, kahit alam niyang hindi naman ito sasagot sa lahat ng itatanong niya. Sobrang bilis ng mga araw. Ilang araw lang rin itong lumaban sa sakit nito na stage 4 cancer. Biglaan lang ang nangyari totoong traydor nga ang sakit na ito. Kamakailan lamang malakas pa ang kan'yang asawa at nagulat na lamang siya na nagpadala ito sa ospital dahil may masakit rito lingid sa kaalaman niya ay matagal na rin palang nararamdaman ito ng kan'yang asawa. At dahil sa kahirapan nila ay inilihim nito hanggang sa naging cancer na at huli na rin ang lahat. Wala ngang karapatan siyang mag question sa itaas gayong hindi naman siya palasimbang tao. Hindi pa rin siya naalis sa puntod ng asawa kahit tinatawag na siya ng kan'yang kapatid. Ang nag-iisa niyang kapatid na si Daffodil. "Ate Dhalia, tara na't umuwi na tayo kanina ka pa hinihintay ng anak mo sa loob ng jeep." tawag nito. At doon lang niya naalalang tumayo. Hindi niya namalayan ang oras pati ang anak niya ay nakalimutan niya na. Inalalayan siya ng kapatid patungo sa loob ng jeep. Pagpasok nila sa loob yayakapin sana siya ng kan'yang anak kaso pinigilan niya ito. Basang basa kasi siya sa ulan at ayaw niyang madamay ang anak niya. "Anak, hwag ka munang yayakap sa Mama ha, baka mabasa ka pa at lagnatin." ani niya. Nakita niyang sumimangot ang anak niya pero, wala siyang magagawa kundi magtiis. Nang umandar ang jeep papalayo ng sementeryo nagpaalam na rin siya sa kan'yang asawa. "Paalam, Mahal ko. Hinding hindi kita makakalimutan. Palaging ikaw lang ang laman ng puso't isapan ko wala ng iba pa." pangako niya rito. Pasado alas dos na ng hapon ng sila ay makarating sa kanilang munting tahanan. Umuupa sila sa matandang si Madam Choleng. Maliit na kwarto lamang ito at sakto lang sa kanilang mag-ina. Bayad pa naman ang upa nila ngayong buwan. Hindi nga lang malaman ni Dahlia kung saan ba siya kukuha ng pang bayad sa renta sa susunod na mga buwan gayong baon siya sa utang sa pagpapagamot ng kan'yang asawa tapos mawawala lang rin pala ito. Pagod na naupo siya sa kawayang upuan nila at inabutan siya ng walong taong gulang niyang anak ng tuwalya. Na touch naman siya sa ginawa nito. Sobrang tapang ng anak niya at hindi man lang ito umiyak ng palahaw kanina. Akala niya nga iiyak ito pero, tanggap na agad ng anak niya na wala na siyang Papa. Nang maiabalot niya ang sarili sa towel tumayo na siya para maligo at makapagpalit man lang ng kan'yang damit. Hindi siya pwedeng ganito na lang at pihadong kakalam ang sikmura nilang mag-ina. Hindi sasapat ang paglalabada niya sa mga tustusin ng pag-aaral ng kan'yang anak sa pribadong paaralan. Kaya lang naman niya ito pinasok doon dahil may talyer silang negosyo noong buhay pa ang kan'yang asawa. Kaso ng nagkasakit ito at na confined sa ospital naisanla niya ang kinatitirikang lupa ng talyer hanggang sa naibenta niya na rin ito. Kaya ngayon hindi niya alam kong paano siya magsisimula gayong lahat ng meron sila ay wala na. Paglabas niya ng palikuran nakalanghap agad siya ng mabangong amoy ng sopas. Mukhang nagluto na naman ang kapatid niya. Sinundan niya ang mabangong amoy nito at nang gagaling nga ito sa maliit niyang kusina. "Sorry, ate pinakialaman ko na ang gamit mo. Alam ko naman na pagod ka sa byahe kanina pa." paliwanag nito sa pag-aakalang galit ang kan'yang ate sa kan'ya. "Bakit ka naman magsosorry! Aber! May kasalanan ka ba sa akin?" tanong nito. Agad naman umiling si Daffodil. "Hindi ate, wala naman akong kasalanan sayo. At isa pa masaya ako na kahit papano ay napapatawa na kita." sagot nito ng tahimik lang. "Tama na nga ang drama natin. Nagugutom na rin ako. Tawagin muna si Zion para maka kain na rin tayo ng sabay sabay." mariing utos niya sa kan'yang nakababatang kapatid. Maya maya lang naririnig na niya ang maingay na boses ng kan'yang anak. Dalangin niya na sana hindi bumigay ang anak at nakikitaan niya na rin ito ng kakaibang kilos. Malayo sa mga batang lalaki na kalaro nito. Ayaw naman niyang kumprontahin ang bata at hindi parin naman siya maiintindihan nito kung saka sakali man lang. Habang nasa hapag kainan sila panay katok naman ng tao sa labas ng kanilang pintuan. Tatayo na sana siya kaso pinigilan siya ng kan'yang kapatid. "Ate, uuwi na ako bukas ha. Alam mo naman walang kasama sila Mama at Papa sa bahay. Ako lang ang maasahan niya roon. Mag-iingat ka rito ate ha, lalo na't kayo lang ng pamangkin ko ang narito. Baka kaka emote mo dyan mapabayaan mo ang bata huh. Baka gusyo mong iuwi ko muna si Zion. Pihadong matutuwa ang Mama kapag nakita niya ang apo." "Okay lang kami dito ng pamangkin mo at hwag mi na kaming alalahanin. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko." sagot niya. "Mabuti na ang magkalinawan tayo ate. Alam mo naman malayo ang Davao dito sa Laguna kaya hindi tayo pwedeng magpadalos dalos na basta na lamang na gawin ang gusto mo. Palagi mong iisipin na asawa mo lang ang nawala sayo at nar'yan pa rin ang anak mo na naka alalay sayo. Maswerte ka mahal na mahal ka ng anak mo. Kaya ate hwag mong sayangin ha." mahabang paliwanag nito. At hindi na siya nakapag pigil pa kumain na siya. Habang nakain sila hindi naman mawala wala sa isipan niya ang mga bayarin na naiwan ng kan'yang asawa gayong aabot na yata ito ng isang Milyon o higit pa. Ngayon pa nga lang sumasakit na ang ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD