Four

2058 Words
Four Benjamin's POV Fvck!... Naibato niya ang mga papel na nasa lamesa niya. Iyon ang mga reports ng mga kinuha niyang private investigator. Mula kasi ng iwanan niya sa Paris sila Ana wala na siyang balita doon. Sapilitan kasi silang pinauwi ni Malik sa Pilipinas dahil sa company nila. Bigla nalang kasi nawala si Malik na hindi nila alam kung nasaan lupalop nagtago ang loko. Sa pagstay nilang tatlo nila Marco at Jake sa Paris ng halos isang buwan madaming nangyari sa company nila. Kinailangan nilang magtrouble shoot at hindi kaya ng isang tao lang ang gagawa kaya naman bumalik silang lahat sa Pilipinas. Sila Marco at Jake naisama nila ng sapilitan ang mga babaeng mahal ng mga ito. Pinayagan na kasi ni Issay ang mga ito na pwede ng bumalik ang mga ito sa Pilipinas. Hindi katulad nila Ana na nagstay pa muna sa Paris kasi kailangan pa ito ni Issay doon. Nawalan naman siya ng komunikasyon kay Ana mula noon. "I want a decent report!!!...dalawang linggo na mula ng dumating dito sila Ana at hanggang ngayon hindi niyo pa alam kung saan ang location nila"galit niyang baling sa mga tauhan niya. "Sir, lahat naman po ginawa naming. Kaso talagang mahirap kasi wala pang kahit na anong record dito sa Pilipinas ang pinapahanap niyo. Tangin NSO birth certificate lang ang meron sila at lahat iyon ay nakarehistro sa Tondo Manila"paliwanag naman ng tauhan niya. "Kung kinakailangan niyong haloghugin ang buong manila gawin niyo, makita niyo lang ang pinapahanap ko"nanggagalaiti niyang sagot. Sasagot pa sana ang mga ito ng senyasan niyang umalis na sa opisina niya. baka kasi kung ano pa ang masabi niya. Tawagin na siyang OA, kasi naman kailan lang naman niya nakilala si Ana pero kung makapagreact siya kala mo naman asawa niya ang nawawala. Samantalang nililigawan pa lang naman niya si Ana, hindi pa nga siya pinapansin nito. Masisisi niyo pa naman siya, na love at first sight lang naman siya. At ang PLAYBOY kapag nainlove minsan lang. iyon ang motto nilang magkakaibigan. Kaya naman stick to one silang apat pagdating sa mga babaeng tinitibok ng puso nila. Si Malik lang ang naiba noon sa kanila, may pavirgin virgin pa kasi siyang nalalaman noon. Gusto ni Malik dapat virgin ang mapapangasawa niya kahit hindi pa nito mahal basta virgin niyang makuha pakakasalan nito. Speaking of Malik, hanggang ngayon kasi hindi pa din nila nalalaman kung nasaan ang loko nilang kaibigan. Ang huling kita nila sa kaibigan nilang si Malik noong nasa Paris pa sila, at halos tatlong buwan na ang nakakaraan mula noon. Wala tuloy siyang mapagtanungan kung saan pwedeng magstay sila Ana. "OUT!!!"sigaw niya sa taong pumasok sa loob ng opisina niya. Wala kasi siya sa mood na makipag-usap pa sa ibang tao. Gusto lang niyang mapag-isa at mag isip. "Wow, init ng ulo mo ha"sita sa kanya ni Marco. Nang tingnan niya ang pintuan hindi lang pala si Marco ang nandoon maging si Jake. "Anong ginagawa niyo dito?"nakapout na tanong niya sa mga ito. Sigurado siya aasarin na naman siya ng mga ito. kasi naman noong huling nagkausap silang tatlo inasar lang siya ng mga ito. "Masama na bang puntahan ka namin dito?"tanong naman ni Jake. Nakaupo na ang mga ito sa receiving area niya kahit na hindi pa niya sinabi. "Oh ano naman nga ang dahilan niyo at nandito kayo ngayon?"naiinip niyang tanong sa mga ito. "Bumalik na si Malik"si Marco ang unang nagsalita. "At ang loko, girlfriend na niya si Naomi"dagdag ni Jake. "Tangina!!!"napamura siya sa nalaman. Napasabunot pa siya sa sarili niyang buhok sa nalaman niya. Ang pumasok agad sa isip niya si Ana, tiyak 'yon magagalit na naman si Ana. Damay na naman siya nito kapag nagkataon. Agad-agad siyang tumayo at akmang lalabas ng opisina niya. "Saan ka pupunta?"takang tanong sa kanya ni Jake. "Pupuntahan ko ang tarantado"madiin niyang sagot. Naramdaman niyang sumunod sa kanya ang mga ito, mabuti na lang din iyon para naman may aawat sa kanya kung sakaling magwala siya. Nang makarating siya sa tapat ng opisina nito, kinausap niya ang secretary nito. tinanong niya kung nandoon ang amo nito. "Sir, ayaw pong magpaistorbo ni Sir Malik"alangan na sagot naman nito "s**t, wala akong pakialam"sagot niya at dumiretso na sa pinto at binuksan ito. Sabay sabay pa silang napamura ng mabungaran si Malik at Naomi. They are in the middle of a hot sceen. Nagme-make-out lang naman ang gago. "Bullshit!!!"react ni Malik. "D*ckhead"sagot naman niya dito. "Ano bang problema niyo?"asik naman ni Naomi. "Wag ka ngang sumabad"ani naman ni Marco. "Hey, wag niyo namang pagsalitaan ng masama ang girlfriend ko. Kung hindi niyo kayang itrato ng maganda ang girlfriend, I don't mind all of you out in my office now"galit nasagot ni Malik sa kanila. Sarcastic naman siyang napangisi sa nakita niyang reaction ni Malik. "Eh gago pala itong hayop na ito eh...you Malik kung ano man ang tumatakbo sa isip mo ngayong tarantado ka isip mo muna ang mga anak mo at si Issay. Kailangan ka nila, wag mong pairalin ang ulo mo sa baba gago."gigil na sabi niya dito. He saw Malik's reaction, nakuha pa ng loko na magsmirk sa kanila na para bang wala itong pakialam sa sinabi niya. "Wala na akong pakialam sa kanila. Sawa na ako kay Issay, si Naomi na ang gusto ko ngayon"iyon lang ang sagot nito at hindi na sila pa hinarap at walang pakundangan na nakipaghalikan na naman ito kay Naomi. As easy as that Malik dismissed them and throw away their friendship. "Tanginang Malik na iyan. Ano bang nasa utak ng gagong iyon?"gigil na turan ni Jake ng nasa loob na sila ng opisina ni Marco. Tahimik lang siya ngayon, nag-iisip ng pwedeng mangyari. "There is something between Malik and these g*ddamn situation"ani naman ni Marco. "Puta, kaibigan tayo ni Malik. pwede niya naman sabihin satin ang problema niya. makikinig naman tayo at tutulong pa"nanggagalaiting sagot naman ni Jake. Napailing naman siya sa lahat, wala naman na siyang masabi sa ngayon kasi naman napupuno na siya ng galit sa nangyayari. "Tangina, ngayon lang ako naipit ng ganito"bulong niya. "Ikaw lang ba?, sigurado kami din ipit din sa situation na ito"react din ni Jake narinig din pala siya nito. "Problema talaga, lalo na sakin"dagdag pa ni Marco. Nagtataka naman silang dalawa ni Jake na tiningnan ito. "Buntis si Kyla...pag nalaman niya ito lagot ako baka umurong sa kasal yon"problemadong paliwanag nito. "s**t"sabay pa nilang mura ni Jake. Talagang magkakaibigan silang apat mga tanga pagdating sa pag-ibig. "Gago, bakit ginaya mo si Malik na binuntis muna bago pinakasalan"sermon ni Jake kay Marco. "Para sure na"tipid naman na sagot ni Marco. Napasandal siya at pinikit ang mata, siguro siya din ganon ang gagawin kung sakali. Lalo pa sa kaso ng mga kaibigan niyang pinagtaguan dati ng mga mahal ng mga ito. "Bro, nakita mo na ba si Ana?"tanong ni Marco sa kanya. Dumilat siya at parang pagud na pagud siyang tumingin sa mga kaibigan niya. isama pa ang malalim na buntong hininga na kalamo kakapusin na siya sa hangin sa sobrang lalim. "Nope, no idea kung saan sila pwedeng tumuloy pagdating nila dito sa bansa"sagot niya. "Tinanong ko na si Kyla ang sabi niya wala siyang alam kung saan tumuloy sila Ana. But I doubt, may alam sila Kyla pagdating kila Ana or mismong kila Issay. Hindi lang nila sinasabi dahil sa nangyayari kila Malik at Issay ngayon."turan ni Marco. "Kahit na kumuha na ako ng private investigator hindi pa din nila mahanap sila Ana. Ang nakikita lang talaga nilang pwedeng address nila Ana eh iyong sa Tondo lang, pati na din ang dating apartment nila na bigay ni Malik. bukod doon wala na"pagud na pagud niyang paliwanag sa mga ito. "Wala din kasi akong mapipiga kay My Love ko"ani naman ni Jake. "Seriously Jake my love tawag mo kay Carla?"nakakunot noon a tanong niya sa kaibigan. "Oo"nakakunot din ang noo nito na sagot. Hindi kasi niya naririnig ang endearment nito kay Carla, at imposible naman na hindi naririnig nito ang tawag niya kay Ana. "Ahh, alam ko na kung bakit mo tinanong...uy ako ang nauna sa endearment na 'yon. Magisip ka ng sayo, wala kang originality"mukhang nakuha na niya ang sasabihin niya. Napailing nalang siya sa kalokohan ng kaibigan niya. mukha kasing gago kung magsalita, parang high schooler lang. ........................... Ana's POV Naipasok siya sa isang school nila Ate Kyla niya bilang instructor sa mga kumukuha ng TESDA sa dress making. Okay naman ang sahod kaya tinggap na niya, hindi siya pwedeng maging choosy sa trabaho magugutom ang nanay at kapatid niya sa probinsya. Wala kasing ibang pagkukunan ang mga ito ng pagkakakitaan doon. Hindi naman niya pwedeng pagtrabahuhin ang nanay nila kasi mahina na ang kalusugan nito. may maintenance pang gamot ang nanay niya. Isa pa puro mga trabaho sa bukid lang ang pwedeng pasukan doon, kaya hindi pwedeng magtrabaho ang nanay niya. masyado pang bata ang kapatid niyang bunso. Si Lance naman nagpaalam sa kanya na magworking student ito para makatulong sa kanila na pinayagan naman niya. "Good morning Ma'am"bati sa kanya ng mga estudyante niya. "Good morning"ganting bati niya sa mga ito. Nagsimula na siyang magdiscuss tungkol sa dress making. Basic lang naman ang mga dini-discuss niya sa mga ito. hindi din naman siya nahirapan kahit pa nga ang iba sa mga ito mas matanda pa sa kanya. "Next class, magdala na kayo ng mga materials niyo for actual demostration"iyon ang huli niyang bilin sa mga ito bago siya nagpaalam. Naglalakad siya papuntang faculty room ng may tumawag sa kanya. noong una ang akala niya si Ate Issay niya ang tumatawag pero si Ate Kyla pala niya iyon. "Hello, ate Kyla napatawag ka?"masayang sagot niya. "Hi, Ana kamusta ang work mo?"simula nito. "Okay na okay ate, salamat pala ate Kyla ha"sagot niya. "Don't bother, ano ka ba, maliit na bagay lang iyan compared naman sa naging work ko sa ate mo. Mas malaki ang naipon ko noong nagwork ako sa ate mo eh ikaw iyan lang naitulong ko"sagot naman nito. Napangiti naman siya na parang nakikita naman siya nito. "Good morning ma'am"bati sa kanya ng mga estudyanteng nasasalubong niya sa hallway. "well, Ana invite kita ha...next week is my wedding ikaw ang nilagay ko as one of my brides maid in the place of your Ate Issay"masayang turan nito. "Wow, ikakasal ka na pala ate, congrats ate"sagot naman niya. "Yap, lokong Marco kasi nagdeposit ba naman sakin ayun kailangan ko tuloy magpakasal sa lokong Marco na iyon kundi pagagalitan ako nila Mama at Papa alam mo naman di ba na conservative ang parents ko"paliwanag nito. Ngumiti siya pero hindi naman umabot sa mata niya ang saya. Hindi naman sa bitter siya kaso kaibigan kasi ni Kuya Malik niya ang mapapangasawa ni Ate Kyla niya. naisip niya bigla ang ate Issay niya. napabuntong hininga nalang siya sa biglang pagkaalala ng ate niya. "I also talk to Issay naman before I said that I'm getting married to Malik's friend. Naguguilty ako Ana"may himig na parang nasasaktan ito. "Don't be ate Kyla, hindi naman kasalanan ni Kuya Marco ang nangyayari kila ate Issay at Kuya Malik"ani naman niya. "Yeah, kaya lang hindi pa din mawaniwala sakin na maguilty. Being happy with Marco while my bestfriend suffer's b'coz of my husband's bestfriend"paliwanag nito. "Hay, stop the drama ate Kyla. Bawal ang nega sayo ngayon masama 'yan sa baby mo. Basta pupunta ako sa kasal niyo"pag-iiba niya ng usapan. "Sure, punta ka sa bahay. Maybe a day before the wedding to get your gown. Then I will text you the exact detailed of my wedding pwede ba?"masaya na ulit ito habang nagsasalita. "Yeah, sure ate"sagot naman niya. Nakarating na siya sa faculty room ng matapos ang usapan nila ni Ate Kyla niya. hindi pa man nag-iinit ang pwet niya sa pagkakaupo ng may tumawag na naman sa kanya. nang tingnan niya ang kapatid pala niyang si Lance. "Ate si Nanay"hindi pa man siya nakakasalita na bungad ng kapatid niya. Bigla naman siyang kinabahan sa tono ng pagsasalita ng kapatid. "Bakit anong nangyari kay Nanay?"nag-aalala na din niyang tanong sa kapatid. "Nasa ospital kami ate"sagot naman nito. Hindi na niya tinapos pa ang sasabihin ng kapatid niya agad siyang tumayo at kinuha ang bag niya at nagpaalam na uuwi na siya. Dumaan din siya sa administrator ng eskwelahan na pinapasukan niya para magpaalam na aabsent muna siya sa pagtuturo dahil may emergency sa pamilya niya. buti nalang at pumayag ito. Nagmamadali na siyang umuwe, hindi na nga siya dumaan sa apartment niya at dumeretso na siya sa bus station para umuwe sa kanilang probinsya. Lord, sana po walang nangyari masama sa nanay namin. Paulit ulit na dasal niya habang nasa biyahe siya pauwe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD