Five
Ana's POV
Hindi siya nakadalo sa kasal nila Ate Kyla niya dahil sa nangyari sa nanay niya. inatake ng sakit sa puso ang nanay niya sinabayan pa ng mataas na sugar at high blood. Buti nga daw at kinaya pa ng nanay niya ang nangyari atake nito. kaso nastroke ang nanay niya, at ngayon ay bedridden na ito.
Nadagdagan pa ang mga gamot na kailangan nitong inumin.
Nakabalik naman na siya sa Manila para pumasok ulit sa trabaho niya.
Kaya lang ang dami niyang problema ngayon, tuition ng kapatid niya dahil magpapasukan na pati gamit na din ng mga ito, gamot ng nanay nila pati ang sweldo ng mag-aalaga sa nanay niya dahil hindi na ito makakalakad. Pati na din ang therapy ng nanay niya, gastusin sa bahay nila sa probinsya maging sa apartment niya.
Kulang na kulang na ang ipon niya pati na din sa sweldo niya sa pagtuturo.
Minsan nga naiiyak nalang siya sa dami ng iniintidi niya. Ayaw naman niyang tumawag sa ate Issay niya dahil alam niyang madami ding iniintindi ang ate niya doon.
Nasa malalim siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone niya, nagtext ang kapatid niya na naghihingi na nagpangbayad ng kuryente, pangbili ng gamot ng nanay at tuition fee ng dalawa.
Napadukdok nalang siya sa sobrang panghihina niya.
"Ma'am Ana mukhang problemado ka ah"napaangat siya ng tingin ng may magsalita.
Nasa canteen siya ngayon pero hindi naman kasi break time kaya walang mga estudyante at teacher doon ngayon kundi ang mga tauhan lang ng canteen. Meron kasi siyang isang oras na bakante ngayon kaya nandoon siya, ayaw naman niya sa faculty room baka kasi may teacher doon ngayon.
Nakita niya ang isa sa mga estudyante niya. kundi siya nagkakamali Tanya ang pangalan nito. hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa, tantya niya nasa 19 years old pa lang ito samantalang siya naman ay mag 21 na.
"Medyo"pabuntong hininga niyang sagot.
"Pwede kang mashare"naupo na ito sa harapan niya.
Nag-alangan naman siya na magsabi dito ng problema niya, hindi pa naman kasi niya ito gaanong kakilala. Halos mag-isang buwan pa lang naman siya sa trabaho.
"Hmm. Its okay I can handle it pa naman"polite niyang sagot dito.
Tumawa naman ito ng malakas, iyong tawa na kala mo kinikili ito samantalang wala namang nangingiliti dito.
"Alam mo ma'am ganyan din ako dati. Nahihiyang nagshare ng problema sa iba, hangga't kaya kong maghanap ng solusyon gagawin ko. Pero hindi sa lahat ng oras kaya mong magsarili, kailangan mo din ng tulong ng iba"mahabang turan nito.
Pinagmasdan naman niya ito, bata pa naman sila kung tutuusin pero kung magsalita naman ang kaharap niya parang matanda pa sa kanya ito.
"Ma'am Ana kung kailangan mo ng taong makikinig sayo dito lang po ako. Napansin ko kasi wala ka pang masyado kaibigan dito"dugtong pa nito.
"Yeah, bago pa lang kasi ako dito sa manila"sagot niya.
"Galing ka din ng probinsya?"manghang tanong nito.
Nahihiya naman siyang tumango.
"Well partly yes, partly no maybe. I grow up here, pero nang makita ng Ate Issay ko 'yong real father niya sinama niya kami sa New York then migrated in Paris. Nagstay kami doon for about 6 years din then may nangyari lang kaya bumalik na kami dito sa Pilipinas"paliwanag niya.
"Wow, big time pala kayo Ma'am"natutuwang sabi nito.
"Nah, hindi din. Kung alam mo lang"nahihiya niyang sagot.
Hindi niya alam kung bakit nakuha niya din na magshare kay Tanya ng mga pinagdadaanan nila. Halos naubos nga ang oras ng vacant time niya sa pakikipagkwentuha sa dalaga.
Nasabi niya lahat ng problema niya pati na nga ang problema ng Ate Issay niya nasabi na niya din dito.
"Pang MMK naman ang life niyo"natatawa na napapangiwi naman si Tanya ng matapos na siya sa pagku-kwento.
Napatawa naman siya sa sagot nito sa kanya. napabaling siya sa wall clock sa may canteen at nakita niyang five minutes nalang time nan g klase niya.
"Sige Tanya, kita nalang tayo sa next class mo bukas. Salamat sa pakikinig mo ha"paalam niya dito.
Nagpaalam na siya dito, naglalakad na siya palabas ng canteen ng tawagi siya ulit ni Tanya.
"Ma'am Ana!!"tawag nito.
Hinintay niya itong makalapit sa kanya. medyo hiningal pa nga ito kahit na ang lapit lang ng tinakbo nito.
"May alam akong solusyon sa problema mo sa pera. Kaso hindi ko alam kung gugustuhin mo ang iooffer ko sayo"alangan na sabi nito.
"Ano ba iyon?"curious naman niyang tanong.
Nakuha naman kasi nito ang atensyon niya kasi ang sabi nga nito may alam itong makakatulong sa kanya.
"Magkita nalang muna tayo mamaya after ng class. Tapos ipapaliwanag ko sayo mamaya or maybe sama ka sakin para makita mo kung ano ang sinasabi ko sayo"sagot naman nito.
Alanganing ngiti o ngiwi ang lumabas sa labi niya bago siya tumango. Nag-alangan kasi siya sa sinabi nito, parang nakakatakot naman kasi ang trabaho na sinasabi nito.
Pero kung ito lang ang makakatulong sa gastusin nila baka kagatin na niya.
Bahala na nga mamaya. Kung hindi ko naman gusto pwede naman siguro akong umayak. Naisip niya.
Naghiwalay na sila ni Tanya at nagpunta na siya sa klase niya. pero buong maghapon na iyon, walang ibang tumakbo sa isip niya kundi ang tungkol sa trabaho na sinasabi ni Tanya.
Curious na curious na kasi siya na malaman iyon. Ang bagal pa naman kasi ng oras para sa kanya ngayon.
..............................
Napangiwi siya ng makarating sila sa sinasabi ni Tanya na pinagta-trabahunan nito.
Working student pala si Tanya, gaya niya para din makatulong sa pamilya. Isa pa si Tanya din ang breed-winner sa pamilya nito.
"Ma'am Ana, ano gusto mo ba. Malaki ang kita dito"sabi pa nito.
"Pano naman lalaki ang kita dito Tanya?"takang tanong niya.
Tinuro nito ang nagsasayaw sa stage na babae. Naka panty at bra nalang ang suot ng nagsasayaw sa harapan, hindi naman malaswa ang sayaw nito sexy dance nga lang.
Napansin niyang maglumalapit sa stage na lalaki at may iniipit sa garter ng panty ng babaeng nagsasayaw ngayon.
"Sa Tip ka kikita dito bukod sa ibibigay ng may-ari ng bar na ito"bulong sa kanya ni Tanya.
"Sasayaw lang ako, ganon ba?"nahihiya niyang tanong.
Tumango naman ito sa kanya at hinila siya papasok pa sa loob ng club na iyon.
Mukha naman desenteng club ang pinuntahan nila ni Tanya. Pero hindi naman masasabi na desente nga itong talaga.
Ngayon lang kasi siya nakapasok sa ganitong club, sa mga bar mana pa. nakapasok na siya noong college siya sinama siya ng mga kaklase niya minsan.
Magkaiba naman kasi ang ambience ng Bar at ng club kung nasaan sila ngayon.
"Tanya"alangan niyang tawag sa kasama niya.
Nasa dressing room pala sila ngayon. Nagsisimula ng magbihis si Tanya sa harapan niya, may mga kasama itong babae din sa loob na gaya ni Tanya busy din sa pagbibihis at pag-aayos.
"Ma'am Ana okay lang kung ayaw mo. Panoorin mo muna kami sa trabaho ngayong gabi tapos doon ka magdesisyon kung gusto mo ba o ayaw mo"nakangiti naman na sagot sa kanya ni Tanya.
Tumango naman siya sa dalaga.
"Ana nalang Tanya. Wala naman na tayo sa school ngayon"turan niya.
Hinila siya nito sa labas at pinaupo siya sa isang sulok at pinanood nga niya ang ginagawa ni Tanya. Nakita niya itong umakyat na sa stage at nagpole dancing ang dalaga. Magaling ang dalaga sa ginawa nito mukhang bihasa na ito sa ginawa kaya naman wala itong nakikitang naiilang ang dalaga sa pagsasayaw ng nakabra at panty lang.
May mga lalaking nag-hahagis ng pera sa dance floor kung saan sumasayaw si Tanya. Wala naman nangbabastos kay Tanya habang nagsasayaw ito ngayon ni wala ngang lumalapit dito kasi parang nasa isang kulungan si Tanya habang nagsasayaw.
Inobserbahan pa niya ito ng ilang oras, hindi na nga niya napansin na madaling araw na pala.
"Ana, tara na hatid ka na namin"aya sa kanya ni Tanya ng matapos ang trabaho nito.
Matapos kasi itong magsayaw kanina sa stage, nakita niyang umikot pa ito sa mga table sa baba at may mga binigay na alak sa mga tao doon. Tapos nawala ito ng halos isang oras.
Ang sabi nito nagsayaw siya sa VIP room para daw sa isang VIP guest ng club na pinagtatrabahuhan nito.
Nasa taxi na sila, may kasama pa silang isang babae din na kaboarding house daw ng dalaga.
"Bakla nakamagkano ka ng tip ngayon?"tanong ni Liza ang kasama nila.
"Hmmm, tiba tiba ako sa VIP mukhang madatong doon pa lang naka five thousand na ako. Sa mga paabot nalan kanina naka kulang 3 thousand siguro ako"sagot naman ni Tanya sa kabigan.
Tapos binalinga siya nito.
"Ana, madali ang pera doon nakita mo ngayong gabi halos naka 10k ako. Mababa ang 5k ko sa isang gabi sakto lang na panggastos namin. Hindi naman kasi gabi gabi ang trabaho doon dalawa o tatlong beses sa isang linggo lang."baling nito sa kanya.
"Oo nga bakla, alam mo malaki kikitain mo maganda ka sexy maputi, at higit sa lahat sariwa pa kumbaga sa isda bagong huli ka galing sa dagat kaya sariwa pa"dagdag naman ni Liza sa sinabi ni Tanya sa kanya.
"Hindi mo kailangan na magpahawak sa mga manyak na lalaking nanunood sayo Ana. Gigiling ka lang ng konti, kung may lalapit sayo para itake out ka sabihin mo agad para mapalabas ng club. Bawal kasi ang pagtake out sa mga babae doon. Pero may mga gumagawa na ganon, patago lang. kaya safe ka club namin"panghihikayat pa ni Tanya sa kanya.
"Pag-iisipan ko munang mabuti."alangan na sagot niya.
"Sige, araw araw naman tayong magkikita. Pero ito lang ang masasabi ko sayo Ana. Makakatulong ito sa problema mo, desente pa din naman ito kahit papaano. Alam mo naman kasi sa sarili mo na hindi ka maduming babae sa gagawin mong ito."sagot pa ni Tanya.
Tahimik lang sila sa buong biyahe hanggang sa makarating siya sa tinutuluyan na Apartment niya.
Naglinis siya ng katawan at nahiga na siya sa kama niya, nang tingnan niya ang oras alas tres na ng madaling araw. Pero kahit puyat at pagod siya sa manghapon na trabaho hindi siya makatulog.
Naiisip kasi niya ang sinasabi sa kanya ni Tanya.
Keri ko kayang magsayaw ng naka panty at bra lang?. naiisip niya.
"Urgh!!!"nagpapapadyak pa siya sa kama niya at ginulo niya ang buhok niya.
Malaki nga ang maitutulong sa kanya ng trabaho na inooffer ni Tanya. Kaso lang hindi niya alam kung kakayanin ba niya, isama pa na baka magalit sa kanya ang nanay niya at mga kapatid. kung sakaling tanggapin niya ang inaalok nito.
Nagpaikot ikot siya sa kama niya, na iyon pa din ang naiisip niya.
Bahala na...
Hanggang sa nakatulog siyang iyon ang iniisip niya. wala pa din siyang naiisip na desisyon niya para doon.
.......................
Benjamin's POV
Susuko na ba siya?
Iyan ang paulit ulit niyang iniisip, kung susukuan na ba niya ang paghahanap kay Ana. Halos anim na buwan na din kasi siya naghahanap sa dalaga. Maayos na nga ang mga kaibigan niya. naunang kinasal si Marco ngayon naman si Jake na ang ikakasal.
Hindi pa din nila nakakausap ng matino si Malik. ni hindi nga nagpakita si Malik sa kasal ni Marco nagpadala lang ng regalo ang loko nilang kaibigan.
"Bro, stag party itong pinuntahan mo hindi burol"biro sa kanya ni Marco.
Tiningnan niya ang mga kaibigan niya, mukhang mga blooming ang mga ito parang babae lang. paano naman kasi maaliwalas ang mga mukha ng mga ito halata na masaya ang mga ito.
Siya kaya kailan kaya siya sasaya.
Sila ni Malik actually.
Kahit naman ganon ang pakitungo sa kanila ni Malik they consider Malik as their bestfriend pa din. Kahit naman tinataboy na sila nito minsan lumalapit pa din sila dito. they are trying to talk to Malik na ayusin na nito ang buhay nito at puntahan na doon sa Paris si Issay at makipag-ayos na.
Pero minsan talaga ending nilang dalawa ni Malik suntukan. Silang dalawa lang naman taga-awat nila nila Marco at Jake.
"Tangina niyo, painggit naman kasi kayo"biro niya sa mga kaibigan.
Tumawa lang ang mga ito sa sinabi niya. may iba pa silang mga kasama doon sa hotel na pintuhan nila para sa stag party ni Jake. Mga college friend's nila at mga kaoffice work nila.
"Gago, ngayon ikaw ang bitter at kami naman mang-aasar sayo. Aba anim na taon mo kaming inalaskang damulag ka"mayabang na sagot naman ni Jake.
"It's pay back time"pag-aasar pa ni Marco.
Binato naman niya ang mga ito ng throw pillow na nadampot niya.
"Sir Jake, may chika babes ba ngayong gabi?"narinig niyang tanong ng isa sa mga staff ni Jake.
Natatawa namang tumango si Jake bilang sagot. Gago talaga, sabihin kaya niya kay Carla na may babaeng kinuha si Jake para sa gabing ito.
"Oo, meron gift ko sa inyo"sabi pa ng loko.
"Basta ako bro uuwi na ako kapag dumating na ang babaeng sinasabi mo. Mahirap na, ayokong sa sala matulog ngayong gabi"ani naman ni Marco.
"Takot ka bro?"nakuha naman niyang asarin ito.
"Oo naman bro, hirap na madiet pa ako. Alam mo mahirap maging tigang katulad ng iba dyan na ilang buwan ng wala romansa sa katawan"ganting pang-aasar ni Marco.
Alam niyang siya ang pinapatungkulan ni Marco kaya naman tiningnan niya lang ito ng masama.
Nagtawanan naman ang mga ito sa naging sinabi ni Marco. Madami pang naging asaran na nangyari sa loob ng unit. Wala naman silang ibang ginagawa kundi ang inuman at konting kwentuhan. Hanggang sa may nagdoor bell.
Umingay ang mga kalalakihan sa loob na kasama nila. Ibig sabihin siguro ito na ang mga babaeng hinihintay ng mga ito. wala naman siyang gana na makipagflirt sa mga babae ngayon.
Isa sa mga bisita ni Jake ang nagbukas ng pinto.
Mas lalong umingay ng pumasok na ang mga babae sa loob. Tatlong babae ang napansin niyang pumasok sa loob pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy na uminom.
Kasama pa naman niya si Marco at Jake na nag-iinom at hindi na nakigulo pa sa mga kalalakihan na pinagkakaguluhan ang mga kababaihan bagong dating.
"Saan ang room dito magprepare lang kami"mapang-akit pang sabi ng isang babae sa mga lalaki.
"Doon pwede kayong magbihis doon"turo naman ng lalaki sa mga ito.
Napailing naman siya sa nakikita niyang pagkasabik ng mga lalaking itong.
"Bro, ano alis na ako"paalam ni Marco.
"Magstay ka naman ng konti bro. hindi naman tayo lalapitan ng mga babaeng iyan. Sinabihan ko na sila"awat naman ni Jake kay Marco.
Maging siya kasi ay nagpaalam na din sa kaibigan niya, wala talaga siya sa mood ngayong gabi.
Nagpilitan naman silang tatlo na hindi muna sila aalis sa lugar na iyon at iiwanan si Jake. Kasi naman alangan namang umalis din si Jake sa sarili nitong stag party.
"Yes, salamat talaga bro. kahit hanggang 12midnight lang"hirit pa ni Jake sa kanila.
Pinanood nalang nila ang mga kalalakihan na nag-eenjoy na ngayon dahil lumabas na ang mga kababaihan na ngayon ay nagsisimula ng gumiling sa harapan ng mga lalaki.
Natatakpan sila sa likod kaya hindi din nila nakikita ang mga nagsasayaw na babae.
"Hey babe pwede ba kita itake out mamaya?"narinig pa niyang hiyaw ng isa sa mga kaklase nila noong collage.
Iinom na siya ng alak ng marinig ang sagot ng babaeng kinausap ng kaklase nila noon.
"Sorry boys but it's off limits"mapang-akit na sagot ng babae.
Nanlalaki naman ang mata niya ng marinig niya ang boses ng babae. Para kasing pamilyar sa kanya ang boses noon. Kinabahan naman siyang bigla kaya tumayo siya at lumapit sa mga nagkukumpulan sa harapan nila.
"Hey Benj?"tawag sa kanya nila Marco pero hindi niya pinansin.
"Babe anong pangalan mo?"tanong ng mga lalaki sa mga kababaihan na nagsasayaw.
Nang nasa harapan na siya nakita niya ang mga babae na nakahalf mask ang mga ito na nakacostume ng sexy bunny na kulay itim.
"Offlimits din"sagot ng isang babae.
Iba sa sumagot kanina, parehas parehas naman kasi sila ng damit isama pa ang maskara nila kaya hindi niya makilala ang hinahanap niya.
Pero mukhang hindi naman siya mahihirapan kasi biglang tumigil sa ginawang pagsayaw ang isa sa mga babae sa kaliwa. Nakatingin ito sa kanya at kahit na nakamaskara ito alam na niya kung sino ito dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Kaya naman nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay, hinatak niya ito palayo sa mga tao doon.
"Hey, bawal iyan"saway sa kanya ng isa sa mga babae.
"SHUT UP!!!"angil naman niya dito at nagpatuloy siya sa pag-alis sa lugar na iyon.
Kung kanina wala siya sa mood ngayon nanggigigil siya sa galit na nararamdaman niya. hindi naman nanlalaban ang babaeng kasama niya. dere-deretso lang sila sa paglalakad hanggang sa makasakay sila sa elevator.
Nang nasa elevator na sila gigil na isinandal niya ito sa pader ng elevator at walang ingat na tinggal niya ang mascara nito.
"Bakit?"tanong niya sa babaeng kaharap niya.
Pinipigilan niyang magalit dito.
Pero pakiramdam niya sasabog na siya sa sobrang emosyon na meron siya ngayon.
"Benj..."tawag lang sa kanya nito.
Hindi na niya napigilan pa kaya sinalakay na niya ang mga labi nito. ang mga labing halos ilang buwan na niyang pinangarap na matikman.
Fvck...anong nangyari sayo ANA!!!... nanggigigil niyang tanong sa isip niya habang hindi niya pinapakawalan ang labi ng dalaga.
.......................