Three

1751 Words
Three Ana's POV In just one week, every thing went to a mess. Sa ilang araw mula noong bumalik sila galing sa Pilipinas, kala nila maayos na ang lahat. Sinundan pa nga ni Kuya Malik ang Ate Issay niya sa Paris para makasama ang pamilya nito. pero in just one snap of a finger nagkaloko-loko ang lahat. Iniwanan ng Kuya Malik niya ang Ate Issay niya, without listening to her Ate Issay's explanation regarding sa misunderstanding nilang dalawa. Inatake sa puso ang tatay ng Ate Issay niya at ngayon nakaconfine ito sa ospital dahil nacomatose ito. Nawala ang lahat sa ate Issay niya sa kadahilanang kinamkam lahat ng kinilala nilang kaibigan nilang lahat na si Dylan Smith na pinalabas na kasal na ito sa ate niya. May kaso pa si Ate Issay niya ngayon na kinakaharap ng dahil sa bridge of contract na ginawa ng ate niya. hindi alam ng Elena's Secret ang ginawang trabaho ng ate niya sa Pilipinas. Tapos isama pa si Benjamin na mula noong dumating sa Paris wala ng ibang ginawa kundi ang kulitin siya ng kulitin. Kahit na nga hindi na niya ito pinapansin wala pa din ginawa ito kundi ang magpapansin sa kanya ng magpapansin. "Ate are you alright?"tanong niya sa ate niya. Nasa ospital sila ngayon at binabantayan ang tatay nito. kakauwe lang ng mga kapatid niya kasama ang nanay nila at ang kambal. Nagpaiwan siya para naman may kasama ang ate niya doon ngayon gabi para makapagpahinga naman ito kahit papaano. Busy kasi ito sa paghahanap ng magiging attorney nito dahil maging ang attorney ng daddy nito bumaliktad na at kay Dylan na nakapanig. "To be honest Ana, hindi"nakatulala nitong sagot habang nakatitig sa daddy nito. Niyakap niya ito at hinimas sa likod ito. ito lang ang kaya nilang ibigay na comfort ditto ngayon. Wala naman kasi silang cash na naitabi kasi naman lahat inaasa nila sa ate Issay niya. kaso ngayon alam niyang kailangan na nilang bumukod sa ate Issay niya para naman makaluwag ito. "Kaya mo ito Ate. Ditto lang kami lago sa ligod mo"pagpapagaan pa niya sa loob nito. Naramdaman niyang may tumulong luha sa kanyang braso. Naiintindihan niya ang lahat ng nararamdaman ng ate niya, nakita niya noon kung paano ito nasaktan ng malaman niyang may asawa na si Kuya Malik niya. pero nandoon ang daddy nito kaya naman nakayanan nito bumangon. Pero ngayon maging ang tatay nito na pinaghuhugutan nito ng lakas kailangan din ng supporta. "Ate, babalik na lang kami sa Pilipinas. Doon nalang magpatuloy ng pag-aaral 'yong dalawa. Kahit paano kung nandoon kami mababa lang ang standard of living. Kaya na namin, doon nalang ako maghahanap ng trabaho. Para naman wag mo na kaming intindihin masyado"bulong niya ditto. "Pero...kailangan ko kayo dito"umiiyak na sagot nito. "Sorry ate, alam ko naman iyon. Kaso kung nandito kami malaki ang expenses mo. Imagine wala ka ng work ngayon, tapos si Daddy Harrison nandito pa sa ospital. The company is not on your hands now. Ayaw ko naman maging burden pa kami sayo"paliwanag niya. Umiling naman ito sa sinabi niya, hindi nalang niya ito pinilit sa naisip niya. Pinilit niya itong pagpahingahin muna, at sinabing siya na ang magbabantay. Nang makaidlip na ang ate Issay niya naupo naman siya sa katabing couch nito. Nagcecellphone siya ng biglang may kumatok sa pintuan. Ilang sandali pa pumasok doon si Benjamin kasama ang mga kaibigan ng Kuya Malik niya at ang mga kaibigan ni Ate Issay. "My loves okay lang ba kayo ditto?"tanong sa kanya ni Benjamin. Napapikit siya, hanggang ngayon kasi kinukulit pa din siya nito. hayagan na ang pagsasabi nito na gusto siya nito. Naririndi na nga siya sa kakulitan nito, mukha naman siyang matinong tao sa unang tingin mo pero kapag nangungulit na daig pa ang elementary student sa pagiging makulit. Hindi na nga niya ito pinansin. "Hey, Ana kamusta si Tito Harrison?"si Ate Kyla na ang nagtanong sa kanya. "Wala pa ding pagbabago, Ate Kyla"sagot niya. "Si Issay kamusta naman siya? Hindi niya kasi nasasagot ang tawag namin"si Ate Carla naman ang nag-aalalang nagtanong. "She's fine naman ate, kaso talagang nahihirapan siya ngayon sa lahat ng nangyayari. Bakit naman kasi kung kailan kailangan ni Ate Issay si Kuya Malik doon naman siya missing in action"naiinis niyang sagot. Napabuntong hininga naman ang mga kaharap niya sa sinabi niya. "Kakausapin namin si Malik pagbalik namin sa Pilipinas, for now kung ano man ang kailangan niyo na tulong nakahanda kaming tumulong"ani naman ni Marco. Buti pa ang mga kaibigan ni Kuya Malik niya may concern sa kanila. Dati botong boto siya kay Kuya Malik para sa Ate Issay niya. pero ngayon galit siya sa lalaki kasi iniwanan nito ang kapatid niya. Ang akala niya kasi mabait na lalaki si Kuya Malik niya. pero gaya lang din ng ibang lalaki ito manloloko din. Kaya naman hindi daw nagseseryoso sa mga lalaki kasi paasahin lang ng mga ito ang mga katulad niyang babae. "Dito lang ako my loves, hindi ko kayo iiwanan."sabi pa ni Benjamin sa kanya. Napataas naman ang isang kilay niya sa sinabi nito. hindi naman niya kinakausap, pero nagsasalita pa ito ng ganon. "Hindi ko naman sinabi sayo na magstay ka"pagtataray na niya sa binata. Naiirita na kasi siya sa totoo lang. "Kahit na, may kusa naman kasi ako"nakangiti pang sagot ng binata. "Kyla, Carla?"boses iyon ng ate Issay niya. Nagising siguro sa mga boses nila, isa pa mababaw lang ang tulog nito ngayon. "Girl"nag-aalalang lumapit ang mga ito sa Ate niya. "Ate labas lang ako"paalam niya. Ng tumango ang ate niya doon naman siya lumabas. Balak niyang magpahangin muna sa labas, madami namang kasama ang ate niya doon kaya okay lang na nasa labas siya. "Hey"boses iyon ni Benjamin. Mariing napapikit na naman siya ng marinig niya ang boses nito. hindi niya alam na sinundan pala siya nito sa labas. "What?"mataray niyang baling ditto. Bumuntong hininga naman ito at nakatitig lang sa kanya. Natigilan naman siya sa pagtataray ng makita ang gwapong mukha nito na mukhang malungkot na ewan. "I'm sorry, ako na ang hihingi ng sorry para kay Malik. alam ko galit ka sa kaibigan ko, pero isipin mo nalang nasaktan lang ang kaibigan ko. Babalik iyon ako na nagsasabi sayo hindi niya kayang tiisin sila Issay"simula nito. Inirapan niya ito, naiinis siyang lalo kasi umaasta itong abogado ng kaibigan nito. "Pwede ba, hindi ko kailangan ng explaination mo para sa side ng kaibigan mo. Ano ka ba ni Kuya Malik abogado niya, isa pa hindi naman sakin nagkasala ang kaibigan mo sa Ate ko."angil niya. "I know, pero kasi nararamdaman ko damay tayo sa nangyayari"sagot nito. Nagtataka naman niyang tinapunan ng pansin ang binata. Hindi niya kasi maintindihan ang sinasabi nito. "Anong damay tayo ang pinagsasabi mo dyan?"takang tanong niya ditto. "Tayo, kasi alam ko na alam na alam mong gusto kita. Pero dahil sa ginawa ni Malik, mas lumayo ang loob mo sakin kahit na hindi pa man ako nakakalapit sayo ng tuluyan"seryosong sagot nito. Inirapan niya ito. "Alam mo, madami namang babae dyan. Hindi mo kailangan na mag-aksaya ng panahon sakin. Kasi tama ka, malabong mangkaroon ng tayo"sagot niya at nagpasya ng pumasok sa loob ng hospital. Hindi niya naman kasi alam talaga kung bakit naiinis siya ng sobra sa binata. Kung dahilan ba ay ang pagiging makulit nito o ang nangyayari ngayon. Naguguluhan din naman kasi siya sa totoo lang. ..................... Worst comes to worst. Sa dalawang linggo na comatose ang tatay ng Ate Issay pumanaw din ito dahil muling inatake sa puso habang nasa comatose stage ito. sobrang nasasaktan ang ate niya wala naman silang magawa ngayon kundi ang tanggapin nalang ang lahat. Dahil sa dalawang linggong nagstay sa ospital sila ate Issay at ang daddy nito, malaking bill ang binayaran ng Ate niya kasama pa ang pagpapalibing sa tatay nito. pinadala pa kasi ng ate niya ang labi ng tatay nito sa New York para doon ilibing sa tabi ng nanay nito. Sa sobrang laki ng ginastos nito halos nasaid ang ipon ng ate niya. wala naman silang naitabing malaking pera noon kasi hindi nila inasahan ang ganitong pangyayari. Napilitan na ang ate niyang pauwiin sila sa pilipinas nito. Hindi na kaya ng ate Issay niya ang suportahan pa ang pag-aaral ng mga kapatid niya. maging ang gastusin sa pang-araw araw kung nandoon pa silang mag-anak. Naiintindihan naman nila iyon kasi wala ng ibang pagkukunan ng pera ang ate niya. dahil hanggang ngayon nakafreeze ang bank account ng tatay nito. nawala na din ng tuluyan ang modeling agency ng mga ito at napunta sa Dylan Smith na iyon. Maging ang mga kaibigan ng ate Issay niya ay pinauwi na din nito sa Pilipinas. "Kamusta na kaya ang ate mo at mga pamangkin?"nag-aalalang tanong ng nanay niya. Nasa probinsya na sila ng tatay nila ngayon doon sila tumuloy ng dumating sila sa Pilipinas. May kapirasong lupa kasi doon ang yumaong tatay nila. Doon sila nagpatayo ng maliit na bahay nila noong nasa Paris pa sila. Noong nag-aaral kasi siya nagpart-time job siya noon, at ang sinusweldo niya doon ay inipon niya para tubusin ang lupa nila sa probinsya at pinatayuan nila ng maliit na bahay. "Iniisip ko nga din po sila 'nay."nag-aalala ding sagot niya. Tumatawag naman ang ate niya sa kanila halos araw araw kaso kulang pa din iyon, dahil sanay silang kasama nila ito palagi. Ngayon lang kasi sila nagkalayong pamilya ng ganito, na alam niya magtatagal din bago ulit nila makita at makasama ang ate niya. "Ate ano ng gagawin natin ngayon?"tanong sa kanya ng bunso nilang kapatid. "Dito kayo nila nanay, maghahanap ako ng trabaho. Ako naman ang tutustus sa ate ngayon. Kailangan nating magtulong tulong. Nakakahiya naman kay Ate Issay kung aasa pa tayo sa kanya ngayon"paliwanag niya sa kapatid niya. "Saan ka naman maghahanap ng trabaho ate?"tanong sa kanya ni Lance. "Papatulong ako kila Ate Carla, baka may alam sila. Isa pa halos magkakaparehas ang course namin kaya sigurado matutulungan naman siguro nila ako"sagot niya. "Pupunta ka ng Manila anak?"nag-aalala na namang tanong ng nanay nila. "Oo nay, doon kasi malaki ang kita. Collage na si Lance, high school naman si Buboy. Kaya kailangan natin ng medyo malaking raket para naman hindi tayo magkanda baon baon sa utang nay"nakangiti niyang sagot. Wala naman ng nagawa pa ang nanay niya ng magpaalam na siya. Naitawag na din niya naman sa kaibigan ng ate niya ang pagluwas niya ng Manila. Hindi naman sa maliligaw siya sa Manila. Kaso wala kasi siyang matutuluyan na doon ngayon kaya makikituloy na muna siya sa mga ito. Magbabakasakali na siya sa manila baka nandoon ang kapalaran niya ngayon dahil sa Paris wala siyang nakitang trabaho noon. Baka ditto sa Pilipinas ang magiging unang trabaho niya.  .................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD