Two

1836 Words
Two Ana's POV Mabilis lang lumipas ang bakasyon nila sa Pilipinas, parang kulang ang dalawang linggo na bakasyon para sa kanya. hinahanap pa din ng katawan niya ang Pilipinas , iba talaga kung nasa bansang sinilangan ka. Ngayon ang araw ng balik nila sa Paris, gusto sana niyang magstay pa ditto kahit mga ilang araw o linggo pa. kaso hindi naman niya pwedeng pabayaan ang mga kapatid niya at ang nanay niya. hindi din niya pwedeng iasa sa ate Issay niya ang mga ito. Kasi sa kambal pa lang kulang na ang oras ng ate Issay niya. Siya naman talaga ang panganay na anak kaya dapat lang na siya ang bahalang mag-alaga sa mga kapatid niya. Swerte na nga silang mag-anak dahil nadala sila ng Ate Issay niya sa ibang bansa at doon nakapag-aral. Nahihiya siya kasi ang Ate Issay niya ang lahat ng may sagot sa kanilang gastusin sa ibang bansa kaya naman iyong two years course lang ang kinuha niya para naman makatulong na siya agad sa mga ito. Pagbalik nila sa Paris maghahanap na siya ng trabaho, kahit na may halos may tatlong buwan pa bago siya makatapos ng pag-aaral niya. tapos naman na niya halos lahat ng kailangan niyang gawin sa school, kulang nalang talaga makuha niya ang Diploma niya. Kinausap na niya ang school nila na hindi siya papasok at hahanap na siya g trabaho, at pumayag naman ang eskwelahan niya. Nasa airport na sila ngayon at kinailangan niyang gumamit ng comfort room kaya naman hindi niya nakitang dumating ang ate Issay at kuya Malik niya na kasama ang kambal. Pagbalik niya agad niyang natanaw ang mga ito. papalapit na siya ng mapansin niya ang lalaking kausap ng kuya Malik niya. Napatigil siya sa paglapit sa mga ito at pinakatitigan ang kausap ng Kuya Malik niya. There was only one word to describe the standing infront of her Kuya Malik and Ate Issay. Where his eyes were the green of fresh dew glinting in the sunlight off a leaf of green emerald. His lips were pale and thin and his nose slender and rounded. A prominent jaw curved gracefully around and the strength of his neck showed in the twining cords of muscle that shaped his entire body; strong arms, bold thighs and calves, a firm chest and abdomen. Adonis. May bumonggo lang sa kanyang isang batang babae na tumatakbo kaya naman napabalik siya sa ulirat niya. pinagpatuloy niya ang paglapit sa mga kapatid niya. "Loko, sister-in-law ko yan"narinig niyang sabi ng Kuya Malik niya ng makalapit siya sa mga ito. "Hi, ate. Hi kuya Malik"bati niya sa mga ito at ngumiti ng pagkatamis tamis. Bumeso pa siya sa mga ito ng tuluyan na siyang nakalapit. Maging sa mga kaibigan ng ate Issay niyang sila Carla at Kyla na kararating lang. Binalingan pa niya ang kausap ng Kuya at Ate niya, nanlalaki ang mga mata nito halatang gulat. Pero kahit na mukhang ewan ito ngayon hindi pa din maitatago na ang gwapo pa din ito. "Where have you been?"tanong sa kanya ng Ate Issay niya. Ngitian niya ito bago sumagot. "CR lang"sagot niya. Nakita niyang lumingon ang ate Issay niya sa gawi nila kuya Malik niya at sa iba pang kalalakihan. Ngayon lang niya nakita ang mga ito, hindi naman kasi sila naipakilala ni Kuya Malik niya sa mga kamag-anak nito. mga kapatid kaya ito ng Kuya Malik niya. "Issay, pakilala mo naman ako sa kapatid mo"sabi ng lalaking kanina pa natulala sa kanya. Asumera lang pero pakiramdam naman niya sakanya talaga nakatingin ang lalaki. Nagulat pa siya ng paglingon niya nasa tabi na pala nila ito ng ate niya. "Ayaw kasi akong ipakilala ni Malik"dagdag pa nito. "Ha, ahh...Benjamin this is Ana kapatid ko. Ana this is Benj kaibigan ni Kuya Malik mo"pagpapakilala sa kanila ng Ate Issay niya. So Benjamin pala ang pangalan nito. lalaking lalaki pakinggan. "Hi"todo ngiti pa ito sa kanya. "Ate, ang creepy ha"nasabi niya sa ate niya using Italian word. Sa anim na taon nila sa Paris natutunan na niya ang salita doon hindi nga lang fluent. But atleast kaya niyang makaintindi at nakapagsalita. "Really"natatawa naman na sagot sa kanya ng ate niya. Actually hindi naman creepy, para ngang kinilig siya bigla. Paano ba naman sobrang gwapo na nito kaninang kausap ng Kuya Malik niya, mas lalo pang naging gwapo noong ngumiti ito. and take note sa kanya talaga naka ngiti ito at hindi siya assuming ngayon. "Oo, mukha lang siyang ewan ate. Ganyan ba talaga yan?"dagdag pa niya. ayaw naman kasi niya amin nalang bigla na attracted siya sa kaharap. Kakakilala pa lang niya ditto. "Hey, honey. I didn't know you can speak Italian?"manghang tanong ng Kuya Malik niya ng makalapit na ito sa kanila. "Yeah, konti lang naman. Mas fluent ang mga bata sakin kasi sa school nila"sagot naman ng ate niya. Natutuwaniya kasi mukhang okay na ang mga ito ngayon. Ngayon nakikita na niyang masaya na ang ate niya, masaya na din siya. Lalapitan n asana niya ang nanay niya at mga kapatid ng harangin siya ni Benjamin. "Hey, may boyfriend ka na?"deretsang tanong nito sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya sa tanong nito. napakastraight forward naman nito, wala man lang liguyligoy. Hindi niya ito pinansin at iniwasan niya. kanina attracted siya ditto she also thinks that she had a crush on this guy. Pero ngayon turn off na siya. "Ilang taon ka na nga pala?"pangungulit nito sa kanya pero gaya hanina hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglapit sa mga kapatid niya at nanay. Hanggang sa makalapit siya ng tuluyan sa mga kapatid niya hindi niya pinansin ito, tiningnan na nga ito ng masama nila Lance at Buboy. "Hi, I'm Benjamin Monteverde, friend ako ni Malik."pagpapakilala nito sa mga kapatid niya. Gaya niya hindi naman ito pinansin ng mga kapatid niya. "Whoa...snub ba kayong buong pamilya?"manghang tanong pa nito sa kanila. "Naku hijo pagpasensyahan mo na ang mga ito. minsan talaga hindi nila pinanpansin ang mga taong hindi nila gusto"sagot ng nanay niya. Iniwanan na niya ito at bahala na ang nanay niya na makipag-usap ditto. nape-preskuhan na kasi siya ditto. ....................... Benjamin's POV Hindi siya mapakali ngayon sa loob ng opisina niya, kahapon pa lang niya nakilala si Ana hindi na ito mawala sa isip niya. kapag pumupikit nga siya mukha nitong nakangiti ang nakikita niya. Ngayon lang nangyari sa kanya ito, nababaliw na yata siya. Kung kailan naman tumanda na siya ng ganito ngayon pa siya nakaramdam ng ganito. "Ahhh mababaliw na ako nito"kausap niya sa sarili niya. Kaya naman tumayo na siya at nagpunta na siya sa opisina ni Malik. kakausapin niya ito at kukunin niya ang address nila Issay sa Paris. "Anong kailangan mo?"narinig niyang tanong ni Malik. Sino kaya ang kausap nito ngayon, kaya naman dali dali siyang pumasok sa loob ng opisina nito. doon nakita niya si Marco na prenteng nakaupo na sa couch ni Malik. "Well, magpapaalam lang ako sayo bro, pupunta ako ng Paris"sagot ni Marco kay Malik. Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ng kaibigan niya. "Hep hep, ako ang unang aalis sa inyo"singit naman ni Jake. Hindi naman siya pwedeng magpatalo sa mga ito ngayon. Aba six years ng naglakwatsya ang mga ito kakahanap ng lovelife ng mga ito. Siya naman ngayon ang maglalakwatsya at hahanapin ang lovelife niya. "At sinong nagsabi sa inyo na kayo ang pupunta sa Paris. Ako ang pupunta doon ngayon. Aba puro kayo lakwatsa for the past six years ako naman ngayon"reklamo niya sa mga ito. Nakita niya si Malik na nagtaas ng kilay sa kanila. "What did you say Benj. Pupunta ka ng Paris? For what?"nagtatakang tanong ni Malik sa kanya. "Para kay Ana my love"walang kagatol gatol na sagot naman niya sa kaibigan. "Whoa!!!!!"sabay sabay naman na react ng tatlo. "Wait, are you serious Benj. Si Ana, as in si Anastasia Reyes. Ang kapatid ni Issay?"pagka-klaro pang tanong ni Malik sa kanya. "Oo, bro. at wait din, Anastasia talaga pangalan niya. whoa...lakas maka-Christian Gray"exaggerated na sagot niya dito. Napangisi siya sa naisip niya, what a co-incident naman. He never thinks na makakahanap siya ng Anastasia niya. Like Christian Gray sa fifty shades of Gray. "Don't you dare, hindi pwede si Ana. Bata pa yon bro, and hindi basta basta papayag sila Issay sayo. Lalo pa alam ni Issay ang ugali mo. Kita mo nga itong dalawa hanggang ngayon hirap pa din mapaamo ang mga kaibigan ni Issay, isang sentence pa lang sinabi ni Issay noon sa kanila 'ingat kayo syan mga playboy yan' that's what Issay told the two girl back then"pagbabanta sa kanya ni Malik. Kilala siya ng mga ito, alam ng mga ito kung ano ang tipo niya bukod sa pagiging playboy nilang magkakaibigan noon. Pero he doubt kung alam iyon ni Issay, hindi naman siguro pinagkakalat ng mga kaibigan niya ang hilig niya. "No, bro were a change man"reklamo naman ni Jake. "I know about that. Kakausapin ko si Issay regarding dyan"sagot naman ni Malik kay Jake. "Nah, wag na bro. patutunayan nalang namin yon sa mga girls. Kaya bukas aalis ako para naman masimulan ko na ang pagkuha sa Forever ko"nakangising singit na salita ni Marco. "Who told you na aalis kayong tatlo, no one will leave this company"maauthoridad na utos ni Malik sa kanila. Nakakatawa nga ang reaction ng dalawa niyang kaibigan kaya naman nakigaya na siya. Nagpout siya with a puppy eye pa para magmukha siyang kawawa. "Bro, ang harsh"nakapout na reklamo niya kay Malik. Natahimik silang apat at nagsusukatan ng titigan ng biglang may tumatawag sa kay Malik sa skype. Mukhang ang mga anak nito ang kausap nito hindi nga paipinta ang mukha nito habang kausap nito ang mga bata. Nakigulo pa ang kaibigan niyang si Marco at Jake kaya naman nakigulo na din siya baka sakali nandoon din si Ana. "Its that Kyla?"sabi ni Marco. "Yes tito, its ninang Kyla"sagot ni Duke. "Buddy, can you please fix the camera, I cant see your mom"ani Malik sa anak. "Oppsss sorry daddy"himagikgik naman ang mga anak nito bago inayos ang focus ng camera. Nang maayos na ng mga ito ang focus ng camera doon niya nakita si Issay na inaayusan ni Kyla at Carla. At wow lang ang sexy talaga ni Issay, hindi mo maiisip na nanganak na ito. "What the?!!!"pasigaw na react ni Malik. Napatayo pa ito at agad na tinawag secretary nito. "Arrange my schedule, cancel all my schedule for the whole month. And order my pilot to be ready, I'm going to Paris NOW!!!"nanggigigil nito utos. "Bro, gagamitin mo ung private plane mo, sama kami kahit one week lang kami doon"pagpupumilit niya na isama siya nito. Bihira lang kasi nitong gamitin ang private plane nito, kuripot din kasi ito kahit papano. Kaya nga yumaman ng ganito ang kaibigan niya. Nagbilin pa si Malik sa mga anak nito bago ito tumayo sa kinauupuan at tinapos ang tawag nito. "Ano pang hinihintay niyo. Iiwanan ko kayo dyan"baling naman nito sa kanilang tatlo. At dere-deretso naman siyang naglakad palabas ng opisina. Dali dali naman sila tatlo na sumunod kay Malik. "Sulitin ang libre"nakangisi pang sabi ni Jake habang naglalakad sila palabas ng opisina. Anastasia Reyes, be ready I going to get in no time... .................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD