Chapter 22

848 Words
GUSTO niya sanang tumalikod at lumabas ng kusina nang makita roon ang kapatid niya at si Tristan pero pinigilan niya ang sarili. Pinilit niyang tinago ang nararamdamang kirot at binati ang mga ito. "Hi," bati rin sa kanya ni Tristan pagkatapos ay bumaling na uli sa kapatid niya na parang ito lang babaeng nage-exist sa mundo. Nagniningning ang mga mata nito kapag tinititigan ang kapatid niya. "Asan nga pala sila, Daddy?" tanong niya para mawala ang bara sa lalamunan niya.Pinilit niyang magmukhang kaswal sa harap ng mga ito. "May pinuntahan lang, babalik din daw agad," sagot naman ni Amelie.  Tumango na lang siya at nilagyan ng juice anjg baso niya.  "Sige akyat na ako," paalam niya at hindi na uli tinignan ang mga ito. Umakyat siya pero para lang tumulala. Hindi na niya namalayan na napahigpit na pala ang hawak niya sa baso ng juice. Nagkulong siya maghapon sa kuwarto niya. Hindi na ngha niya alam na nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya na ginigising ng Tita Lenny niya para kumain ng hapunan. Gabi na pala. Bumangon siya at naligo para kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Nang bumaba siya nagulat pa siya nang makita na kasalo nila sa hapag si Tristan. "Umupo ka na, Amelie," ani ng Daddy niya. naupo siya sa tabi ng Tita Lenny niya na nasa kanan ng asawa. Na sa kaliwa naman si Amelie at katabi nito si Tristan. Nawalan siya ng ganang kumain. Pinagsisihan niya na bumbaba pa siya. Sana pala nagdahilan na lang siya na masama ang pakiramdam niya. "Nanliligaw ka ba dito sa dalaga ko, Tristan?" narinig niyang tanong ni Tita Lenny. Masigla ang boses nito na tila nagpapahiwatig na ayos lang dito kung manligaw man si Tristan kay Amelie. Napasulyap siya sa Daddy niya na tumikhim lang at pasimpleng sinulyapan si Tristan pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain. Her father acts as if he doesn't care but she knows he's waiting for Tristan's answer.  Bumaling naman ang tingin niya kay Tristan na nakatingin naman kay Amelie na parang nanghihingi ng permiso na magsalita. Napayuko siya. She never thought that Tristan would ever be that sweet to a woman. Kung siya siguro si Sunny na hinihingan ni Tristan ng permiso para aminin ang relasyon nila sa mga magulang nila baka hinimatay na siya sa kilig pero... hindi siya si Sunny. Saklap. "No, Dad, magakaibigan lang kami ni Tristan." Napataas ang kilay niya sa sinabing iyon ng kapatid. Muli siyang napatingin kay Tristan na may maliit na ngiti sa labi at yumuko na lang. Nakaramdam siya ng inis. Halata kasi na sumama ang loob ni Tristan na itinanggi ito ng kapatid niya.  Kung siya ang na sa kalagay ni Sunny mahigpit niyang hahawakan ang kamay ni Tristan at proud na ipapakilala ito sa magulang niya kahit pa mapagalitan siya, kahit pa mabawasan ang allowance niya, ipagsisigawan niya pa ring may relasyon sila ni Trista. Ang kaso hindi nga siya si Sunny. BUONG summer nandito si Sunny. Madalas na umaalis ito kasama ang grupo nila Tristan. Inggit na inggit siya sa kapatid. Hinihiling niya na sana magkapalit sila ni Sunny ng posisyon kahit isang araw lang, gusto niya ring makasama si Tristan sa mga ganap nito sa buhay.  Bawat araw na lumilipas mas lalo siyang nakukumbinsi na ituloy ang kanyang plano. Iniisip niya pa lang na matutuloy ang balak ng kapatid niya at ni Tristan gusto niya nang mamatay. Hindi niya kakayanin. Buong buhay niyang minahal si Tristan at naghintay na mapansin nito. Kaya desidido na siya. Plinano niyang maigi ang gagawin niya. Pinaghandaan niya ang lahat. Nalaman niya na aalis ang Daddy aty Tita Lenny niya kasama si Amelie dahil namatay ang kapatid ni Tita Lenny.  Nang makaalis na ang mga ito saka niya naman tinext si Tristan at pinapunta sa bahay nila gamit ang cellphone ni Sunny, nagpanggap siyang si Sunny. Nang dumating ito agad na hinanap nito ang kapatid niya. "Baka may binili lang, antayin mo na lang sa kuwarto niya. Gusto mo ba ng juice?" alok niya dito na pilit ginagawang natural ang mga kilos. "Sure," anito saka umakyat na sa silid ni Sunny. Madalas na magpunta rito si Tristan kapag wala ang mga magulang nila ni Sunny.  Pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng juice para dito. Dinukot niya sa bulsa ang valium na nakuha niya sa medicine cabinet ng Tita Lenny niya. Dinurog niya iyon at inihalo sa Juice ni Tristan. Kabado siya nang dinala iyon at iabot kay Tristan. "Wala naman siguro itong lason?" nakangising tanong nito sa kanya. "Tss!" sagot niya sabay irap dito kahit kinakabahan. "Ubusin mo na yan para maibaba ko na yan agad, ayaw na ayaw ni Sunny ng kalat dito," aniya ng manatiling hawak lang nito ang juice. Kibit-bakikat namang inubos nito ang laman saka ibinalik sa kanya ang baso. Kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa nang mahawakan niya ang basong wala ng laman. Bumaba siya at hinugasan ang baso. Nang muli siyang umakyat nakita niyang tulog na sa kama si Tristan. Napangiti siya saka ito hinila papunta sa kuwarto niya na katapat ng kuwarto ni Sunny. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD