Chapter 23

914 Words
MULI sinulyapan Amelie si Tristan. Tulog na tulog itong nakahiga sa kama niya. Paniguradong bukas na ang gising nito dahil sa valium na hinalo niya sa ininom nito kanina. Wala na itong anumang saplot sa katawan at tanging kumot na lang ang nakatabing sa p*********i nito. Huminga muna siya ng malalim bago sinimulan ang plano niya. Nilapitan niya ang shoulder bag niya saka inilabas doon ang botelya na naglalaman ng dugo ng baboy. Ipinapuslit niya iyon kay Tere kanina. Lumapit siya sa kama. Pilit iniiwasan ang nakabuyangyang na katawan ni Tristan para hindi siya ma-distract sa dapat gawin. Ekspertong nilahiran niya ng dugo ang puting bedsheet. Bahagya niya iyong kinalat na hindi mahahalatang sadyang nilagay lang iyon. Isinara niya na ang botelya at ibinalik sa bag niya. Sunod ay hinaltak niya ang strap ng suot niyang damit at winarak ang bandang harapan saka hinubad at basta na lang ibinato sa kung saan. Ganoon din ang ginawa niya sa suot na skirt at panty. Inilibas niya naman ang make up kit sa bag saka nilagyan ng pekeng pasa ang kanyang leeg at dibdib, pati na rin ang kanyang braso at ang huli ay ang gitna ng hita niya. Sinugurado niyang waterproof ang make up na ginamit niya para hindi agad mabura. Humarap siya sa salamin mukhang natural ang pagkakagawa niya sa mga pasa. Mariin niya namang kinagat ang gilid ng labi hanggang sa dumugo iyon, pagkatapos ay inapplyan niya rin ng kulay green at pulang eyeshadow. Ginulo-gulo niya pa ang kanya buhok. Nang makontento sa kanyang itsura pinatay niya na ang ilaw at hinayaang nakabukas ang pintuan saka siya bumalik sa kama at nakisukob sa kumot ni Tristan. I'm sorry... Bulong niya sa isip habang yakap-yakap ito. Alam niyang kasusuklaman siya ni Tristan bukas pero handa niya na iyong harapin kaysa mawala ito sa kanya habang buhay. Mahal na mahal niya si Tristan. Ito lang ang lalaking minahal niya ng sobra. Kaya hindi siya makakapayag na mapunta ito sa kapatid niya. Gagawin niya ang lahat kahit manloko at manakit makuha lang ito. I'm really really sorry... I promise I will love you and take good care of you for the rest of my life... - pangako niya bago pumikit at nagsumiksisik sa katawan nito. NATULALA si Tristan habang nakatingin kay Amelie na umiiyak sa tabi niya habang yakap-yakap ni Tere. Kumot lang ang tanging nakatabing sa katawan nito. Gulo-gulo ang buhok ni Amelie at may mga pasa pa ito sa leeg at kamay. Naguguluhan siya. Nagising niya na masakit ang ulo niya. Bumangon siya para lang makita si Tito Anton na inaawat ni Tita Lenny, sa tabi ng mga ito ay si Sunny na nanunumbat ang mga matang nakatingin sa kanya. Si Tito Anton ay ama ni Amelie at Sunny. Anak naman ni Tita Lenny si Sunny kay Tito Anton. Kababata niya naman si Amelie at kasintahan niya si Sunny. "--kill you!" narinig niyang sigaw ni Tito Anton. Sa kanya ito nakaduro at tila galit na galit. Pero bakit? Kanina pa ito maraming sinasabi pero hindi pumapasok sa utak niya. Ayaw ma-process ng brain cells niya ang mga nangyayari sa paligid niya. Muli niyang inilibot ang mga mga mata. Galit na galit si Tito Anton habang inaawat ito ni Tita Lenny na may disappointment sa mukha, sa tabi ng mga ito ay si Sunny na puno ng hinanakit na nakatingin sa kanya at sa tabi niya ay si Amelie na nakahubad at gulo-gulo ang buhok habang inaalo ng bestfriend nitong si Tere. Pagkatapos ay niyuko niya ang sarili. Wala rin siyang kahit na anong saplot at ang tanging nakakapagpanatiling desente sa kanya ay ang kumot na nakatakip sa p*********i niya. "s**t!" mura niya ng maunawaan niya na ang nangyayari. Mabilis na lumipad ang tingin niya kay Sunny pero mabilis na itong tumalikod at lumabas ng silid. "Wait! Babe--" akma niya itong hahabulin kipkip ang kumot ng sabay na tumili si Amelie at Tere. Nilingon niya ang mga ito, parehong hila-hila ng mga ito ang kumot para hindi tuluyang mahubaran si Amelie. Iisang kumot lang kasi ang nakatakip sa mga hubad nilang katawan! "Hayup ka!" muling sigaw ni Tito Anton na nakakawala kay Tita Lenny at mabilis na sinugod siya at binigwasan sa mukha. Bumagsak siya sa sahig. Iyon ang tagpong naabutan ng Mommy at Daddy niya. "Oh my god! My son!" tili ng Mommy niya at mabilis siyang dinaluhan. "How dare you, Antonio!" galit na baling ng Mommy niya kay Tito Anton. "Will you please calm down, Anton?" ani ng Daddy niya na nakiawat na rin kay Tito Anton. "Calm down? You want me to calm down? Palibhasa hindi anak mo ang nababoy!" galit na sigaw ni Tito Anton. "Nababoy -- Oh my gosh!" napasinghap ng malakas ang Mommy niya ng dumako ang mga mata nito kay Amelie pagkatapos ay sa kama. Sinundan niya naman nang tingin ang tinitignan ng Mommy niya. Isang pulang matsa! "What did you do, Tristan?" tila nanghihinang tanong sa kanya ng Mommy niya. Nanghihinang napaupo na rin ito sa sahig. Hindi niya masagot ang tanong ng Mommy niya dahil miski siya hindi niya alam kung anong gulo ang pinasok niya. Nag-angat siya nang tingin at nakasalubong niya ang mga mata ni Amelie. Agad na nag-iwas ito nang tingin pero kahit saglit lang nakita niya ang guilt sa mga mata nito and he realize what's going on... Amelie put him into this mess for her own motive. Nagtagis ang batang niya at mahigpit na kumuyom ang kamao niya. Amelie tricked him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD