Chapter 21

850 Words
HINDI na siya bumalik sa loob dumaan siya sa pool side at dirediretso ng lumabas sa bahay ng mga Rivera. Nanginginig ang kamay niya at tuhod niya kaya nagpasya na lang siya na tumuloy sa bahay ng Lola niya na katapat lang ng bahay ng mga Rivera. Napagbuksan siya ng Lola niya. "Tapos na nag party?" tanong nito at tumanaw pa sa likuran niya.  "Hindi pa po..." mahinang tugon niya at pumasok na sa loob. "Oh, bakit umuwi ka na?"  "Pagod na po kasi ako e," katwiran niya. "Akyat na ako sa taas, La," paalam niya dito at hindi na niya inantay na makasagot ito nagtuloy-tuloy na siya sa hagdan at pumasok sa kuwarto niya.  Nahiga siya sa kama na hindi man lang nagpapalit ng damit. Namaluktot siya roon yakap-yakap ang unan niya. Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Ang gusto lang naman niya mapansin siya ni Tristan pero paano pa iyon mangyayari kung nagmamahalan na ito ata ng kapatid niya? Agawin mo si Tristan... sulsol ng isang bahagi ng utak niya.  Bumangon siya at naupo sa kama. Walang mangyayari sa kanya kung iiyak lang siya. Hidni siya matututunana mahalin ni Tristan kung hindi siya magkakaroon ng chance. Ang kailangan niya ay chance. Chance na maipakita kay Tristan na siya ang karapat-dapat para dito. Mahal na niya si Tristan bata pa lang siya. Kay tagal niya na itong pinangarap, pinantasya na maging kabiyak nito pagdating ng araw. Pero paano mangyayari iyon kung ni minsan hindi naman siya nakita ni Tristan bilang isang babaeng karapat-dapat na pagtuunan nito ng pansin. "BAKIT bigla kang nawala kagabi?" tanong ni Tere sa kanya. Pinuntahan siya nito sa bahay ng Lola niya nang matanawan siya nitong nagdidilig ng mga halaman. Wala pa siyang tulog. Hindi niya magawang matulog sa dami ng mga tumatakbo sa isip niya. "Eh, ikaw bakit diyan ka natulog kagabi ha?" tanong niya rin dito na agad na ikinapula ng mukha nito. Suot pa ng kaibighan niya ang short at t-shirt ni Kuya Travis.  Tumikhim ito dahil parang biglang nagbara ang lalamunan nito. Tinaasan naman niya ng kilay ang kaibigan. "Hindi naman ito ang first time na natulog kami ng magkasama..." anito na ikinalaki ng mata niya. Isinahod niya ang kamay sa tubig at ibinato sa kaibigan. "Teresita! Malandi ka!" aniya. Pinandilatan naman siya nito at dali-daling tinakpan ang bibig niya. "Ang eskandalosa mo naman!" "Sinong hindi mae-eskandalo sa mga sinabi mo?" pinandilatan niya rin ito ng mga mata. Tatawa-tawang napakamot naman ito ng ulo. "Kailan pa yan ha?" Bumungisngis ang kaibigan niya. "Kailan lang..." "Kailan nga yung kailan lang na yan?" "Ahmm... nung ano... nung gabi ng eighteenth birthday ko..." maghinang bulong nito. "Putaccaaa!" malakas na tili niya at winisikan uli ito ng tubig. "Two years ago? Ibig sabihin?" "Oy, judger ka na! Sobra ka! Nung ikaw nga ang mabaliw-baliw kay Tristan support kita." Inirapan siya nito at nagtatampong humalukipkip. "Sorry na nagulat lang ako... kasi di'ba one year pa lang kayo?" tayong niya dito. Nakagat naman nito ang pang-ibbang labi. "Eksheli kashe naging f**k buddies muna kami bago-- aw aray! aray!" reklamo ni Tere ng hablutin ko ang buhok niya at wagwagin. "f**k buddies?!" "Ay sige, te, pagsigawan pa natin para marinig ng Lola mo at isama ako sa vigil niya!" nakairap na anito. "Nakakagulat kasi..." DAhil ang kilala niyang Tere hindi magagawang makipag FUBU kahit kanino! Sobrang conservative kaya ni Tere nung high school kami tapos malalaman niya na... Di talaga siya makapaniwala. "Teka nga! Teka nga! Awat muna ang chika tungkol sa akin. So ano na nga, bakit ka bigla na lang lumayas kagabi? Sabi mo magbabanyo ka lang." Natahimik naman siya pagkuwan ay bumuntong hininga. "Narinig kong nag-uusap si Sunny at TRistan sa may garden kagabi." "Oh tapos?" "Sila na..." naiiyak na aniya dito. Inirapan naman siya ni Tere. "Tagal na, bes, high school pa lang tayo amoy na amoy ko na." Napayuko siya. Miski naman siya alam na alam niya na may namamagitan na sa dalawa indenial lang siya. "Nakikita ko naman 'yon e, pero kasi umaasa pa rin ako na magkakasawaan din sila, na baka makahanap ng iba ang kapatid ko o kaya... mapansin ako ni Tristan..." Nkita niya ang awa na bumalatay sa mukha ni Tere para sa kanya. Mas lalo niya tuloy kinakaawaan ang sarili. "At kagabi nalaamn ko pa na balak na nilang magsama sa Manila..." "Huwattt?" gulat na ani ng kaibigan niya. "Ibig sabihin seryoso talaga sila sa isa't-isa. Olats ka na, bes..." naaawang hinimas nito ang balikat niya. "Hindi pa..." "Anong hindi pa?" "Hindi pa ako talo." Malungkot na napabuga na lang ng hangin ang bestfriend niya. "Amelie, sinuportahan kita mula noon sa lahat ng kabaliwan mo kay Tristan, hindi kita pinigilan at kinunsinti pa kita pero... iba na to e, wala ka ng laban dahil halata namang mahal nila ang isa't-isa." Naiiyak na nilingon niya si Tere. "Hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat para maging akin si Tristan." Naiiling na lang ang kaibigan niya. "Anong plano mo?" Napangiti siya sa tanong nito. Alam naman niya na kahit anong gawin niya susuportahan siya nito. "Malalaman mo rin..." makahulugang aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD