Chapter 8

634 Words
"Ang pikon mo talaga!" hinihingal na reklamo ni Tere ng maabutan siya nito. "May nagsasabunutan daw sa Gym," imporma niya dito. "Punta tayo," aya niya dito. Hindi niya na ito hinayaan na makatanggi dahil hinila niya na ito at nakitakbo na sila papunta sa likod ng Gym. Marami nang mga estudiyanteng miron ang naroroon nang makarating sila. Nakipagsiksikan siya kahit yung iba ay minumura na siya dahil sa paghawi niya sa mga ito. Nakarating sila sa unahan. May tatlong Grade 12 na pinagtutulungan ang isang babaeng estudiyante na halos mahubaran na ng uniform na nakahiga na sa sahig. "Si Sunny!" tili ni Tere. "Si Sunny yung pinagtutulungan!" "Ha?" gulat na sinipat niya ang mukha ng babaeng nakahiga at nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Sunny nga ang binubugbog ng tatlong Grade 12. "Hoy! Kapatid ko yan!" sigaw niya sabay takbo papalapit sa mga ito. Bumuwelo siya at malakas na inihampas ang bagpack niya sa babaeng nakakubabaw sa kapatid niya. Napasubsob naman ang isa. Hinila niya ang buhok ng isang babae na nakadagan kay Sunny para ilayo sa kapatid niya. Hinarap naman siya nito at galit na nakipagsabunutan sa kanya. Napasigaw siya ng may humila ng buhok niya mula sa likuran. Yung babaeng hinampas niya ng bag. Kahit pakiramdam niya mabubunot na ang ulo niya hindi niya binitawan ang buhok ng babaeng na sa harapan niya. Lumapit naman sa kanila si Tere at sinabunutan ang babaeng na sa likuran niya pare-pareho silang natumba sa sahig at nagpagulong-gulong hanggang sa may mga nakaisip ng umawat sa kanila. Itinayo siya ng lalaking umawat sa kanya. Yakap-yakap siya nito. "Easy, easy, awat na, Amelie," anito sa kanya. Hinihingal na nilingon niya ito. Nagulat siya ng makita ang nakangising si Drake. Agad na humiwalay siya dito at pinulot ang bag niya sa sahig. Nilapitan niya si Tere na nakaupo sa sahig at Tinulungang makatayo. Nilibot niya ang paningin. Awat ng ilang kalalakihan ang mga nakaaway nila. Habang pinalilibutan naman nila Tristan si Sunny. Kita niya ang galit at pag-aaalala sa mukha ni Tristan habang hinuhubad nito ang jacket at isinuot sa kapatid niya. Nakita niya ang ilang kalmot sa mukha at leeg ng kapatid niya. Muli na naman siyang nakaramdam ng galit sa mga nakaaway nito. "Tara na," aya niya kay Tere. Pero bago pa sila makaalis inakbayan na sila ni Drake. "Sumabay na kayo sa amin," anito. Nangunot ang noo niya. "Bakit naman kami sasabay sa inyo?" aniya at pilit inaalis ang braso nito sa balikat niya. "Kasi po baka abangan kayo ng gro nila Melody sa labas," ani ni Drake at ininguso ang Grade 12 student na nakaaway nila. Masama ang tingin ng mga ito sa kanila. Hindi na siya umimik at hindi na rin siya tumutol. "Ayos ka lang, Amelie?" tanong ni Sunny sa kanya ng makalapit kami sa mga ito. "Bakit ka nakikipag-away?" nakakunot ang noong tanong niya dito habang inaayos ang butones ng blouse niya na nasira. "May pardible ka ba?" baling niya kay Tere. Agad namang nagkalkal sa bag nito si Tere kahit hindi pa nito naaayos ang gulo-gulo nitong buhok. Natawa siya sa itsura ni Tere mukha kasing pugad ng ibon ang buhok nito. "Mukha kang ni-rape!" aniya sabay tawa. Sinimangutan naman siya nito habang nagkakalkal sa bag at naghahanap ng pardible. "Ikaw mukha kang nasilya elektrika!" anito at natawa na rin. "Ayus ah tuwang-tuwa pa kayong dalawa," nakataas ang kilay na puna sa kanila ni Bench. Sabay kaming napalingon dito. Nakatingin pala ang ang lahat sa kanila at nila na-wiwirdohan sa kanilang dalawang magkaibigan. Natigilan siya at bahagyang napahiya lalo na ng makitang nakatingin sa kanya si Tristan. "Wala akong pardible, besh," ani ni Tere. Hinubad ni Drake ang suot niyang jacket at iniabot sa kanya. "Isuot mo na lang to," anito. Nahihiyang kinuha niya naman iyon at isinuot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD