Chapter 7

813 Words
MAAGA siyang nagising kinabukasan pagkatapos niyang mag-almusal tumawid uli siya sakabilang bahay nakita niya si Kuya Travis na nagbubunot ng damo sa lawn. "Hoy, ang aga mo na naman!" sigaw nito sa kanya at sinenyasan siyang lumapit dito. Naglakad naman siya papalapit kay Kuya Travis. Wala itong t-shirt at boxer lang ang suot-suot nito sa lumang salakot. Mukha itong magsasaka, guwapong magsasaka. Napangisi siya, kung si Tristan lang naabutan niyang ganito ang ayos buong-buo na ang umaga niya. "Bakit?" tanong niya kay Kuya Travis ng makalapit siya dito. "Ikaw!" Duro nito sa kanya na naniningkit ang mga mata. Nagulat naman siya kaya napaatras siya. "Di k nagsasabi ng totoo kahapon. Pinanood ko yung CCTV kitang-kita kong sinadya ni Drake na mahulog ka sa pool," galit na anito sa kanya. Namilog naman ang mga mata niya sa sinabi nito. "CCTV?" "Oo. Masyado kang die hard sa kapatid ko." Nagyuko ito ng ulo. "Kahit napapahamak ka na," anito na ikinapula ng mukha niya. Napalabi siya at hindi nakasagot. Totoo naman kasi yon, totoong patay na patay siya kay Tristan. Bata pa lang siya malaki na ang crush niya dito at kahit teenager pa lang siya alam niya ng mahal niya ito. "Umiwas ka na kay Tristan, Amelie," pagkuwan ay narinig niyang ani ni Kuya Travis, nakatutok ang mga mata nito sa binubunot na damo. Ngayon niya lang ito nakita na ganito ka seryoso kaya naman hindi niya alam kung anong isasagot niya. "Masasaktan ka lang." Natawa siya at napakamot na lang sa gilid ng noo niya. Alam niya na yon, matagal na. Tanggap niya naman na imposible siyang magustuhan ni Tristan pero anong magagawa niya e, sa batang puso niya ito ang sinisigaw. "Big girl na ako," aniya na ikinalingon sa kanya ni Kuya Travis. Ngumiti siya at ikiniling ang ulo. "And big girls don't wait to be loved, they make way to be loved, Kuya Travis," aniya at nakangiting tinalikuran ito. Pumasok siya sa bahay at agad na hinanap si Tita Bianca, nangako kasi ito natuturuan siyang mag-bake. Alam niya naman na kapag linggo wala si Tristan at naroon sa mga kabarkada dito. Gusto niya lang talaga na tumabay sa bahay ng mga ito. Feel na feel niya kapag umuuwi si Tristan at naroon siya. Feeling niya mag-aswa sila ni Tristan and she's waiting for him for dinner. She loved imagining it. --- "UY si Tristan!" "Saan?" Nagtaas siya ng tingin mula sa ginagawa at lumingon-lingon. Narinig naman niya ang paghagikgik ni Tere sa tabi niya na kumakain ng piatos at may hawak na zesto. Nasa bench kami malapit sa Quadrangle kung saan pinipilit kong tapusin ang project namin sa Science dahil mamaya na ang pasahan. Nakalimutan niya kasing gawin iyon dahil nalibang siya sa panonood ng Vampire's diaries sa netflix. "Para kang tanga!" Inis na inirapan niya ang kaibigan imbis kasi na tulungan siya nito pinagtitripan pa siya, parang tanga lang. Hindi na nga niya nagawang mag-lunch. "Andiyan naman talaga! Ayun oh, tingin ka sa kaliwa mo." Tumingin naman siya sa kaliwa niya, namilog ang mga mata niya ng makita niya nga si Tristan. Kasama nito sina, Bench, Drake, Justin, Carlo, Eve at... si Sunny na naman. Naghaharutan ang mga kaibigan ni Tristan habang kaagapay naman nito sa paglalakad ang kapatid niya. Maraming estudiyante ang napapatingin sa mga ito. Sikat kasi ang grupo nila Tristan sa School. Nawala ang pamimilog ng mga mata niya naningkit iyon habang nakatingin kay Tristan at Sunny na sweet na nag-uusap. "Sila na ba ng sissy mo?" tanong ni Tere sabay subo ng piatos. Nakatingin din ito kina Tristan na naupo sa Waiting shed na malapit sa kinaroroonan nila. Kita niya pa kung paano inalalayan ni Tristan si Sunny para makaupo. "Ewan." Nag-iwas siya ng tingin at binalingan ang Science project niya. May muntik kirot siyang nararamdaman at inggit. Hanggang s amag-bell hindi na niya nilingon ang puwesto nila Tristan at Sunny. Nawala na rin siya sa mood gumawa ng project kaya hindi niya na rin natapos. Ang bigat ng pakiramdam niya. Wala sa klase ang atensiyon niya kaya ilang beses siyang napagalitan ng teacher nila. Sa Math subject halos thirty minutes siyang nakatayo sa likod dahil hindi niya nasagot ang recitation. "Besh, ang lungkot-lungkot mo, dahil ba yan sa nakita mo si Tristan at Sunny na magkasama?" tanong sa kanya ni Tere ng lumabas sila ng room. Hindi naman siya umimik. "Grabe ka, besh, ano feeling pinagtaksilan?" nandudumilat na tanong nito sa kanya. Hindi siya umimik. Binilisan niya na lang ang lakad para maiwan ito. Tatawa-tawa naman itong sumunod sa kanya. "Hoy, Amelie!" tawag sa kaniya ni Tere. Naiinis siya. Bakit ba ang manhid ng bestfriend niya? Kung puwede lang mamili ng bestfriend kaso hindi puwede dahil silang dalawa lang naman ang nagkakasundo sa lahat ng bagay. "May pinagtutulungang Grade 9 sa likod ng gym!" Sabi ng isang estudiyante. Nabunggo pa siya ng mga ito sa pagmamadali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD