Chapter 24

979 Words
 "HINDI ako papayag na magpakasal ka, Amelie!" mariin at pinal na sigaw ng Mommy ni Amelie sa kanya. Nasa library sila ngayon kasama ang Mommy at Daddy niya habang nasa kuwarto niya naman ang mag-anak na Javier. "Magdedemada tayo kung talagang binaboy ka niya!" ani pa nito. 'Kung' tumino sa isip niya iyon. Ibig sabihin hindi binibili ng Mommy niya ang palabas niya. Malamang na iniisip nito na gawa-gawa niya lang ang lahat. Hindi kasi lingid dito ang pagkakaroon niya ng pagtingin kay Tristan. Elementary pa lang siya ng una niyang makita si Tristan na naglalaro ng basketball kasama ang mga pinsan niya. Crush niya na ito simula no'n. Matanda sa kanya ito ng isang taon. Parehong school ang pinapasukan nila. Naging buntot siya nito kahit madalas na pag-tripan siya nito dahil pangit siya. Maitim at buhaghag ang buhok niya noon. Hindi rin kasing tangos ng ilong niya ang ilong ni Sunny. Makapal rin ang labi niya kumpara sa ibang babae. Nang mag-highschool siya natuto siyang mag-ayos. Nagpa-rebond siya at kung ano-anong pampaputi ang ginamit niya pero nanatili siyang morena. Hindi kagaya ni Sunny na natural na mestisa. Maganda rin ang natural na straight na buhok nito. Ilang beses na rin itong nakuha na maging model/endorser ng mga shampoo commercial at beauty products kahit teenager pa lang sila. Bukod do'n mas matalino sa kanya si Sunny. Mas mabait din. Mas maraming talent kaysa sa kanya. Kaya nga hindi na siya nagtaka ng dito magkagusto si Tristan imbis na sa kanya. Dahil kung ididikit siya kay Sunny mukha siyang basahan. Manyika ang turing ng lahat sa kapatid niya sa ama habang siya naman ay vodoo doll. Tanggap niya naman iyon. Ang hindi niya lang kayang tanggapin ay pati si Tristan ay mapunta rito. Magkapatid sila sa ama. Siya ang anak sa unang asawa pero hindi lang pala sila ang pamilya ng Daddy niya. Mas matanda siya ng isang taon kay Sunny. Nang malaman ng Mommy niya ang tungkol kay Tita Lenny at Sunny agad itong nakipaghiwalay sa Daddy niya. Naiwan naman siya sa poder ng Daddy niya ng mag-asawa uli ang Mommy niya. "Pero ayokong magdemanda!" sigaw niya rin sa Mommy niya. "Nakakahiya, Dy!" baling niya sa ama. "Hahayaan mo ba kong mapahiya kagaya ng gusto ni Mommy?" pagdadrama niya dito. Kilala niya ang Daddy niya. Alam niyang sang-ayon ito sa Mommy niya pero mas pipiliin siya nitong kampihan para lang maipamukha sa Mommy niya na mas mabuti itong magulang. Ganoon na ang mga ito simula ng maghiwalay. Parang may tahimik na paligsahan kung sino ang mas magaling na magulang sa dalawa. "Tama si Amelie," mahinahon na sang-ayon sa kanya ng Daddy niya na lihim niyang ikinatuwa. "What?!" malakas na sigaw dito ng Mommy niya. "What what, Gina? Gusto mo bang makaladkad sa kahihiyan ang anak mo? Mas mabuti nang pakasalan siya ni Tristan para maitayo ang p********e niya!" Nagdidiriwang ang puso niya dahil kinampihan siya ng Daddy niya. "At paano maitatama ng pagpapakasal niya sa batang iyon ang isa pang mali?" Makahulugan siyang tinitigan ng Mommy niya. Napayuko siya para itago ang guilt na nararamdaman niya. Nandito na siya. Kaunti na lang makukuha niya na si Tristan. Hindi siya papayag na pigilan iyon ng Mommy niya. Tumayo siya at niyakap ang Daddy niya. "I hate her, Dad! Hindi niya ako naiintindihan! Ayokong mapahiya Daddy. Ayokong malaman ng iba ang nangyari sa akin, ayokong may makaalam ng pambababoy ni Tristan sa akin." Puno nang luha ang mga matang tiningala niya ang Daddy niya. "Dad, please, huwag mo akong pabayaan gaya ng ginawa ni Mommy. Ikaw lang ang nakakaintindi sa'kin. Hindi ka katulad ni Mommy na makasarili!" aniya sabay subsob sa dibdib ng ama. Nakokonsensiya dahil sa mga sinasabi niya pero pilit niya na lang iyong winawaksi sa isip. "Oh come on, Anton, don't be fooled by your daughter!" tila gigil na gigil na sigaw ng Mommy niya. "Shut up, Gina! Kung hindi mo kayang irespeto ang anak mo, puwes ako ang magbibigay no'n sa kanya!" sigaw din dito ng Daddy niya sabay yakap at hagod sa likod niya. "Thank you, Daddy..." sumisinok na pasasalamat niya dito. Lihim siyang napangiti. Alam niyang tutuparin ng Daddy niya ang sinabi nito. Galit na nag-walk out ang Mommy niya. "Dito ka lang muna at kakausapin ko ang mga Javier, hindi ko hahayaan na hindi ka niya panagutan!" nagtatagis ang bagang na pangako nito sa kanya. "Thanks, Dad. Buti ka pa nauunawaan mo ako..." madramang pasasalamat niya dito. Kita niya ang kislap ng pagmamalaki sa mga mata ng Daddy niya. Proud na proud ito sa sarili na naipamukha nito sa Mommy niya na ito ang mas magaling at ang masusunod. Lumabas ito ng library habang naiwan naman siya roon. Excited siya pero malakas ang kabog ng dibdib niya. Ipinagdadasal niya na sana ay makumbinsi ng Daddy niya ang mga Javier. Paano kung magmatigas si Tristan? s**t, Lord, please, sana makumbinsi siya ni Daddy. Promise magsisimba na talaga ko kapag napapayag siya ni Daddy. Please... Please... Pinagkrus niya pa ang mga daliri habang nagdadasal. Sa ngayon dasal ang kailangan niya. Alam niyang mahal na mahal ni Tristan si Sunny. Tago ang relasyon ng mga ito sa mga magulang nila. Kaya nga niya naisipang pikutin si Tristan dahil nalaman niyang nagbabalak ang dalawa na mag-settle sa Manila at mag-live in. Nataranta siya at agad na nagplano. "You planned it!" nagulat siya at napatingin sa pinto. Naroroon si Tristan at galit na galit na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang napatayo at takot na napaatras ng galit na lumapit ito sa kanya. Agad na pinisil nito ang panga niya. "Magpapakasal ako sa'yo pero sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang araw na naisipan mo akong idamay ako sa kagagahan mo!" Nagngangalit ang panga nito at nanlilisik ang mga mata. Kahit takot at nasasaktan hindi niya maiwasang sumaya. Magpapakasal ito sa kanya! Well magsasama sila sa impiyerno, till death to their part. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD