Chapter 13

546 Words
"MOMMY!" nagmamadaling bumaba si Amelie ng hagdan ng matanawan niya ang pagdating ng ina. "Myyyy!" Gulat na napalingon sa kanya nag Mommy niya na nakakapasok lang ng bahay, natigil ito sa paglalapag ng gamit nito sa sofa. Agad na humalik siya sa pisngi nito at naglalambing na yumakap. Ganito siya kapag may kailangan sa Mommy niya, nagiging malambing. Minsan nagsisipag din siya. Alam niya kasi na hindi siya basta-basta pagbibigyan ng Mommy niya sa mga hihilingin niya hindi nito nakikitang pinaghihirapan niya iyon. Hindi kagaya ng Daddy niya na kapag may iniuungot siya ay binibigay sa kanya. Wag nga lang itong makakausap ng Mommy niya dahil paniguradong nga-nga siya. Hindi niya naman kasi alam kung bakit kahit galit ang Daddy niya sa Mommy niya nagagawa pa ring pasunurin ng Mommy niya ang Daddy niya sa kahit anong sabihin nito na may kinalaman sa kanya. "Ano na namang kailangan mong bata ka?" tanong ng Mommy niya. Nginitian niya naman ito ng matamis. Buko na siya wala pa man siyang sinasabi o ginagawa. ang talas talaga ng pakiramdam ng Mommy niya. Daig pa ang detective. "Malapit na ang prom night namin, My," aniya sa ina na puno ng paglalambing. Tumaas naman ang kilay ng Mommy niya. "So? Akala ko ba hindi ka a-attend?" nagdududang tanong nito. Ito ang mahirap sa Mommy niya masyadong malakas ang pakiramdam. "Eh, nagbago na po ang isip ko, My, a-attend na po ako sa prom." Pinapungay niya pa ang mga mata niya saka hinigpitan ang yakap sa ina. Naka-cross fingers ang mga daliri niya at lihim na nagdadasal na mapapayag ang ina sa hihilingin niya. Naghihinala namang tinitigan siya ng Mommy niya.  "At bakit bigla naman atang nagbago ang isip mo?" "Inimbitahan siya ni Tristan," singit ng Lola niya na kakalabas lang kusina. Pinanlakihan niya naman ng mata ang Lola niya. Ibinuko na kaagad siya.  "Tristan? Javier?" takang tanong ng Mommy niya sa kanya at muli siyang binalingan. "Nanliligaw ba sa'yo yung anak ni Henry?"  Lumabi siya. "Wish ko lang..." mahinang bulong niya, pero nakarating naman sa matalas na pandinig ng Mommy niya. Nakatikim siya ng mariing kurot sa tagiliran niya na ikinangiwi niya. "Aray naman, Myyy!" angal niya. "Ikaw ang bata-bata mo pa ha!" sita ng Mommyniya sa kanya. "Crush lang naman, eh..." bubulong-bulong na aniya sa muling naglalambing na niyakap ang ina. "Sige na, My, a-attend ako sa prom tapos bilhan mo ako ng magandang gown," pakiusap niya dito. Mas nilambingan pa ang boses at pinagmukhang kaawa-awa ang mga mata. Bumuntong hininga naman ang Mommy niya tila nabagbag naman ang loob sa kanya. "Oh, sige, pero ikaw ang maghuhugas ng mga plato ha," anito. Napasuntok naman siya sa hangin sa sobrang saya niya. Kahit isang linggo pa siyang maghugas ng plato ayos lang. Sobrang worth it kasi ang magiging kapalit. Makakasama niya sa prom si Tristan. Isasayaw siya nito. Paniguradong maraming maiinggit sa kanya dahil magiging kapareha niya ang isa sa pinaka guwapo sa school nila. Matutupad na ang isa sa mga pinapangarap niya noong bata pa siya. Ang makasayaw ang peinsipe niya. Noon gumawa siya ng isang listahan, listahan iyon ng mga gusto niyang gawin kasama si Tristan. Gagawin nila iyon ng magkasama. At kahit papaano may mache-check-an na siya sa mga box ng to do list niya with Tristan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD