Chapter 14

796 Words
"ANG SAYA mo ata?" tanong ni Tere habang naglalakad sila sa quadrangle ng school. Nagkibit-balikat siya. "Masayang-masaya!" mayabang na aniya sabay kagat sa corn dog na hawak niya. Break time kasi nila at dahil maraming tao sa canteen nagpasya silang bumili na lang ng corn dog at maglakad gabang kumakain. Tinaasan naman siya ng kilay ni Tere. "Bakit? Nadagdagan nag allowance mo?" inosentang tanong nito. "Mas magandang pangyayari pa diyan ang nagyari sa kain kaya ako masayang-masaya!" Napakagat siya sa labi at kinikilig na muling kumagat ng corn dog. "Eh, ano nga?" Napapakamot na lang sa ulo na tanong ni Tere. Inubos niya muna ang kinakain niya bago siya huminto sa paglalakad at hinarap ang kaibigan. Hinawakan niya pa ang magkabila nitong kamay.  "Inaya ako ni Tristan sa prom," aniya dito na parang isang himala ang nagyari sa kanya. Sabagay, kung tutuusin isa talagang himala ang gianwang pang iimbita sa kanya ni Tristan.  "Sa panaginip mo?" tanong ni Tere na agad na ikinawala ng ngiti niya. Inis na binitawan nito ang kamay niya. "Anong akala mo sa akin feelingera?" "Oh, bakit hindi ba? 'Di ba nung grade 5 tayo pilit mong pinapabago sa principal ang apilyido mo? Gusto mong maging Rivera kasi sabi mo ikaw ang magiging future Mrs. Rivera," nakairap na ani ni Tere. Napangiwi naman siya nang maalala ang kagagahang ginawa. Ganoon siya kadesperada noon, well, hanggang ngayon pa rin naman. Dahil doon napaluhod siya sa asin ng Mommy niya. "Pero ngayon hindi lang ako nagpi-feeling noh! Totoo talaga na inaya ako ni Tristan!" pamimilit niya pa. Haays, ang hirap naman papaniwalain ng kaibigan niya. Di niya naman ito masisisi dahil may batayan ito. "Malala ka na, Amelie!" iiling-iling na anito. Napalabi na lang siya, pero agad ding napangiti ng matanawan niya ang grupo nila Tristan na naglalakad papunta sa likod ng Building C. Agad na hinuli niya ang kamay ni Tere at kinaladkad pasunod sa direksiyon na tinahak nila Tristan. "Ano ba naman, Amelie, muntik na akong masalaksak ng stick nitong corn dog na kinakain ko!" reklamo sa kanya ni Tere. Pero hindi na niya ito pinansin dahil nakikita na niya ang likuran ni Tristan. Nakatalikod ito sa kanila habang na sa harapan naman nito sina Bench na nakaupo sa hagdan ng Building C. "Stalker mode ka na naman, Amelie?" nakakunot ang noong tanong ni Tere sa kanya. "Hindi. Lalapitan ko si Tristan para tanungin tungkol sa prom, do'n mapapakita ko sayong hindi ako nagpi-feeling," paliwanag niya dito. Desidido talaga siya na mapatunayan ditong nagsasabi siya ng totoo. "Ay naku, Amelie, naghahanap ka naman ng kahihiyan mo," nakairap na anito sa kanya. Ginantihan niya iron ito ng irap. Bakit ba napaka-nega ng kaibigan niya sa kanya. "Alam mo manahimik ka na lang! Watch and learn!" aniya dito. "Langya ka, Tristan, inaya mo talaga sa, Amelie?" tanong ni Bench kay Tristan habang nakakalokong tumatawa. Napatigil siya sa paghakbang nang marinig iyon. Mabilis niyang hinila si Tere patago sa likod ng malaking banga malapit sa puwesto nila. Nanlalaki ang mga matang nilingon siya ni Tere. Smug naman na nginitian niya ito. Mayabang na tinaasan niya ito ng kilay. "Paulit-ulit ka naman, 'tol!" ani ni Drake at binatukan si Bench. "Kanina ka pa tanong nang tanong, oo nga raw 'di ba?"  Siniko niya si Tere. "Narinig mo 'yon?" mahinang bulong niya dito. "Yabang..." bulong ni Tere pero nangingiti na. Napangiti rin siya at sinilip sina Tristan. "Kaso langya naman tong si Tristan, inaya nga si Amelie sa atin naman ibabato!" iiling-iling na sabat ni Carlo. Nagulat siya sa narinig. Nagkatinginan sila ni Tere parehong nagtatanungan ang mga tingin. "Kaya nga e! Gagawin tayong babysitter para lang makasama niya yung baby sister!" ani ni Bench sabay tawa ng malakas. "Shut up!" inis na ani dito ni Tristan. "Putsa! Ang talino mo, Tristan, paano mo naisip na ayain si Amelie para makasama sa prom si Sunny?" tanong ni Drake. Napakamot si Tristan sa batok niya bago sumagot. "Ideya to ni Sunny. Alam niya kasi na papayagan siyang sumama kung makakasama niya si Amelie." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya nang marinig ang sinabi ni Tristan. Kung ganoon hindi pala totoong kagustuhan nitong makasama siya sa prom kundi ang kapatid niya. At ginamit lang siya ng mga ito para magkasama ang mga ito sa prom night. Hindi pala totoo ang lahat. Tama si Tere, nagpi-feeling lang nga  lang siya. "Ayos ka lang?" nakikisimpatyang tanong ni Tere sa kanya. Hinawakan nito ang balikat niya at inalalayan siyang makaalis sa lugar na iyon. Hindi naman siya tumutol at nagpahila na lang sa kaibigan. Pakiramdam niya namamanhid siya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya isa  siyang gamit na puwedeng paglaruan. Pakiramdam niya wala siyang halaga. At ang masakit, ang dahilan ng sakit na 'yon ay ang lalaking mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD