Chapter 12

589 Words
Nang matapos ang almusal ay umalis na rin sina Tito Henry at Kuya Travis. Naiwan naman siya sa kusina kasama si Tita Bianca, tinutulungan niya ito na linisin ang mga pinagkain at maghanda ng iba-bake nila. Samantalang umakyat naman uli si Tristan sa kuwarto nito. Wini-whisk niya na ang whip cream nang may tumawag kay Tita Bianca at magpaalam ito sa kanya na sasagutin lang ang tawag.  Nanigas naman siya sa kinatatayuan niya nang makitang pumasok sa kitchen si Tristan. Nakaligo na ito at naksuot ng pambahay habang may naksalpak ng earphone sa tainga nito. Ang fresh fresh nitong tignan samantalang siya puro harina ang mga kamay at medyo maasim na rin siya. Nahiya siya ng kaunti.  Nagkatinginan sila ni Tristan at muntik na siyang mapasinghap. Muntik niya nang maibuko ang sarili dito.  Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Tristan para hindi nito mapansin na bigla siyang na-excite nang dumating ito. Nagiging malikot na naman ang emahinasyon niya, naguumpisa na naman siyang managinip ng gising at walang ibang na sa panaginip niya kundi si Tristan. Nakasunod sa bawat galaw ni Tristan ang mga mata niya. Pumunta sa ref si Tristan at kumuha roon ng juice. Nakikiramdam siya sa mga kilos nito sa loob ng kitchen hanggang sa napapitlag siya nang maupo ito sa stool sa tabi niya. "Ano yan?" kaswal tanong nito sa kanya. "H-Ha?" nauutal na tanong niya kahit narinig niya naman. Kaso umandar na naman ang pahka-eng eng niya. Nabigla kasi siya ng kausapin siya nito. Nagmukha tuloy siyang gaga na nakatingin lang dito. "Sabi ko, ano yan?" ulit nito sabay sulyap sa ginagawa niya. "Ahhh... w-whip cream," nabubulol na sagot niya. Hindi niya mapigilan ang sariling mabulol dahil napakalapit sa kanya ni Tristan, amoy na amoy niya ang pabango nito na naglalaro at tumatambay sa ilong niya. "Para sa cupcakes?" tanong nitong muli habang umiinom ng juice. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang uunahin niya. Ang titigan ito habang umiinom o sagutin ang tanong nito. "A-Attend ka ba ng valentines ball? kasali ang Grade 10, di ba?" Napakurap-kurap siya. Two weeks na lang Valentines Ball na. At oo kasama ang mga Grade 10 student pero wala siyang balak um-attend dahil wala naman siyang gagawin don. Wala siyang date at hindi rin a-attend si Tere. "Oo, kasama ang mga Grade 10. In-annouce na last month." Aabutin niya sana ang liquid food color ng unahan siya ni Tristan at ito ang mag-abot sa kanya. "T-Thanks..." Hindi na lang boses niya ang naginginig pati na rin ang mga kamay niya dahil muntik ng magdikit ang mga kamay nila ni Tristan. "A-Attend ka?" tanong nito. Yumuko siya at hinayaang humarang sa mukha niya ang buhok niya hindi nito makita ang kilig na bumalatay sa kanyang ngiti. Ayaw niyang mag-assume pero feeling niya talaga may something sa mga tanong ni Tristan. Marahan siyang umiling. "Hindi ko alam. W-Wala naman kasi akong kasamang a-attend." "Kung sasamahan kita, pupunta ka?" nananantiyang tanong ni Tristan. Mariin niyang kinagat ang labi para pigilin ang malakas na tili. "S-Sasamahan mo ako?" hopeful na tanong niya dito. "Mmm... Susunduin kita sa inyo," anito saka tumayo na at lumabas ng kusina. Nanghina naman ang mga tuhod niya kaya napa-upo siya sa sahig. Sasamahan siya ni Tristan sa Ball! Si Tristan ang makakasama niya sa ball! "Oh, Amelie, what happened?" nag-aalalang tanong ni Tita Bianca na mabilis na dinaluhan siya at inalalayang makatayo. "Are you sick?" Namimilog ang mga matang umi;ling-iling siya. Sshe was so shocked. Si Tristan! Inaya siya ni Tristan! Tita, yung anak mo lakas magpakilig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD