Chapter 18

942 Words
NASA gate na si Tere ng dumating sila sa parking lot ng school nila. Pinagbuksan sita ng pinto ni Travis habang si pinagbuksan naman ni Tristan si Sunny. Ni hindi na siya nilingon man lang ni Tristan, inalalayan na nito si Sunny papasok sa loob ng Auditorium kung saan ginaganap ang prom ng senior at junior. "Oh, sa akin ka na lang kumapit," nakangiting ani ni Travis saka inilahad ang braso sa kanya. Napayuko siya. Siguro awang-awa ito sa kanya. Hindi rin naman kasi lihim dito ang nararamdaman niya para sa kapatid nito. Si Travis na ang kumuha sa kamay niya at naglagay niyon sa braso nito. "Guwapo rin naman ako ah, bakit parang lugi ka pa ha, Amelie?" biro nito sa kanya na nakapagpangiti sa kanya. Guwapo naman talaga ang Kuya ni Tristan. Marami ang mga babaeng umiitak dahil dito at nagsusumbong kay Tita Bianca kaya madalas na kagalitan ito ng ina. "Sige na nga puwede ka na," biro niya rin at tumawa. "Aray ha..." anito saka sila sabay na nagtawanan. Sinalubong naman sila ni Tere na nakatingin sa kamay niya na nakakapit sa braso ni Travis. Lumabi ang bestfriend niya at humalukipkip. "Andaya! Sabi mp samahan kita yun pala may ka-date ka naman!" maktol nito. Natatawang nilahad naman ni Travis ang kabilang braso kay Tere. "Oh, dito ka. Tampo ka naman kaagad." Maluwang na napangiti si Tere at sinunggaban ang braso ni Travis. Nagtawanan sila at sabay-sabay ng pumasok sa loob ng Auditorium. Marami nag tao roon, may mga nagsasayaw na rin sa gitna. Lahat ay naggagandahan at nagguguwapuhan ngayong gabi. Kinawayan sila nila Bench nang makita ng mga ito na kasama nila si Travis. Lumapit naman sila roon. Nandoon na din sina Tristan at Sunny na nagbubulungan at parang walang pakialam sa paligid. Ipinaghila sila ng upuan ni Travis. Pinaggitnaan nila ito ni Tere. Si Tere naman ay napapaindak-indak sa kahit na sa upuan lang at palingon-lingon sa paligid. Kasama nila sa mesa si Bench at Carlo. Mayamaya narinig niyang kinukulit na ni Tere si Travis na isayaw siya nito. Napapakamot naman sa ulong tumayo si Travis ng hilahin ni Tere. "Saglit naman, excited much ka te?" reklamo dito ni Travis dahil halos kaladkarin na ito ni Tere. Sayaw na sayaw na ata ang bestfriend niya. Nang mulibg bumaling ang mga mata niya kina Tristan at Sunny patayo na rin ang mga ito para sumayaw. Umalis na rin sina Carlo at Bench at naghanap ng mga isasayaw. Naiwan siyang mag-isa sa lamesa. Malungkot na napabuntong hininga siya at nangalumbaba na lang sa lamesa. Nagulat pa siya ng may maglahad ng kamay sa harapan. Nag-angat siya ng tingin para alamin kung kanino ang kamay na iyon. Malakas na napasinghap siya nang makita si Tristan na nakatayo sa harapan niya at naghihintay na abutin niya ang kamay nito. "Can I have a dance with you, Amelie?" tanong nito at parang gusto niya iyong i-record at pakinggang ng paulit-ulit bago siya matulog sa gabi. Lalaking-laki ang boses ni Tristan. Malamig at tila nakakakiliti. "Can I?" muling tanong ni Tristan. Sunod-sunod siyang napatango. Ramdam niya ang panginginig ng palad niya ng iabot niya ang kamay kay Tristan. Napakalambot ng kamay niya. Bugla tuloy siyang nakaramdam ng hiya dahil medyo magaspang ang kamay niya. Kasalanan iyon ng Mommy niya dahil ipinanukala nito sa Daddy niya na dapat siya na ang naglalaba ng uniform niya. Kaya naman araw-araw pagkagaling niya sa school nilalabhan na niya ang uniform niya. Iginiya siya nito sa gitna ng bulwagan. Nakita niya roon si Tere na  halos nakasubsob na ang mukha sa dibdib ni Travis at mukhang hindi naman alintana iyon ng huli. Natanawan niya rin si Drake na nakatingin sa kanya ag bahagyang naka-nga nga ang bibig. Kasayaw ito ni Sunny na nakangiti sa kanya. "H-Hindi ako marunong sumayaw..." mahinang bulong niya. Ngayon niya pinagsisihan kung bakit hindi siya pumayag noon na mag-aral ng waltz ng i-enroll siya ng Mommy niya sa summer camp ng isang dance studio. Mas gusto niya kasing tumambay sa bahay nila Tristan at magpaturo kay Tita Bianca na magluto at mag-bake - at para na rin masilayan si Tristan tuwing bakasyon. Nanghihina kasi siya kapag hindi niya ito nakikita. "It's okay. I don't know how too." Ngumiti ito sa kanya. Nginitian siya ni Tristan! My god! Kung puwede niya lang sanang picturan ang ngiti nito sa kanya ginawa niya na. Bamula ang mukha niya ng kunin ni Tristan ang kamay niya at ipatong nito sa balikat nito. Napapiksi rin siya ng hawakan siya sa baywang ni Tristan. Para siyang posteng nanigas sa kinatatayuan niya. "Relax..." natatawang anito. Namula naman ang mukha niya at napayuko. Hindi niya masalubong ang mga mata nito dahil sa hiya. Marahang gumalaw si Tristan. Sa pagkagulat niya marunong sumayaw si Tristan! Nadadala rin siya nito kaya dalawang beses niya lang natapakan ang paa nito sa buong kanta at nagawa na niyang i-enjoy. Masayang-masaya siya sa mga nangyayari. Sulut naman pala kahit ginamit lang siya nito para makasama ang kapatid niya. Satisfied siya dahil napakaraming bagay ang na-experienced niya. Inaya siya ni Tristan na sumayaw,  nahawakan niya kamay nito, naging malapit dito sa loob ng tatlong minuto, at isa pa naisayaw siya nito na noon niya pa pinapangarap. Hindi na nga niya napansin na tapos na pala ang kanta kung hindi pa tumukihim si Tristan. Inihatid siya nito pabalik sa lamesa saka bumalik kay Sunny. Hindi na siya masyadong bitter. Sobrang saya niya at naranasan niyang makasayaw si Tristan. Ganoon pala ang feelings. Para siyang nakalutang sa ulap. "Abot langit ang ngiti natin, besh, ah?" tudyo sa kanya ni Tere. Kagat labing inalog-alog niya ang balikat nito,  kilig na kilig siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD